#1e1e1e

illustrator

I-explore ang simpleng kagandahan ng line art drawing.

Alamin ang history at mga pangunahing kaalaman tungkol sa line art, at makakuha ng inspirasyon para gawing mga makatotohanang life drawing ang mga minimalistic na cartoon.

I-explore ang Illustrator

Line art ng isang tao na nasa tabi ng pool

Walang gray area sa line art.

Ginawa gamit ang lapis, ink, o mga pixel, inilalarawan sa line art ang mga monochromatic na illustration na binubuo ng iba't ibang weight o kapal ng mga linya. Pwede kang gumawa ng line art na may kahit anong kulay sa isang solid na background, bagama't karaniwan itong ginagawa nang black and white. Ito ang modernong art na katumbas ng pagtugtog ng isang kanta gamit ang iisang instrumento. At hindi lang ito para sa mga madaling doodle. Pwede mong ilarawan kahit na ang mga pinakakumplikadong subject gamit lang ang mga itim na linya sa isang solid na background.

Gumawa ng mga mundo gamit lang ang iisang linya.

Posibleng mukhang straighforward ang mga line drawing, pero marami kang magagawa sa kaunting pagsasanay at atensyon. “Kailangan mong maipakita ang transition mula sa madilim patungo sa maliwanag gamit ang crosshatching o weight ng linya, kung saan mas matitingkad ang mga linya sa may anino, at ipinapakita naman ng mas mapupusyaw na linya na tumatama ang liwanag sa bahaging iyon ng object,” sinabi ng comic artist na si Jonathan Case. “Mahalagang magsanay sa pagkontrol sa liwanag at dilim at pagpapakita ng dimensyon,” sinabi ni Case. “Kailangan mong malaman kung paano ilarawan ang isang object nang detalyado para mailarawan ito gamit ang napakakaunting detalye. Iyan ang pangunahing hinahanap sa line art. Makakatulong ito sa iyo na maiparating ang form sa isang mahusay na paraan.”

History ng line art.

Maraming magagaling na artist sa mga nakalipas na siglo ang pinag-eksperimentuhan ang mga sarili nilang style ng line art. Isipin ang mga siyentipikong sketch ni Leonardo Da Vinci, ang abstract line art ni Pablo Picasso, at ang minimalism ni Matisse. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, gumawa ang painter na si Egon Schiele ng mga contour drawing na halos wala o wala talagang shading. Nakatuon ang mga drawing ni Schiele sa pagiging expressive ng mga linya at ang panlabas na hugis ng paksa.

Mga uri ng line art.

Gumagamit ang mga artist ng line drawing para sa mga still life, portrait, illustration ng libro, at comic book o graphic novel. Pwedeng gumamit ang isang mahusay na line drawer ng isang tuloy-tuloy na linya na may itim na ink para gumawa ng hip na wall art. Sa katunayan, may malaking market para sa mga print ng Scandinavian (karaniwang tinatawag na “Scandi”) na line art. Gumagamit ang iba pang artist ng geometric na linya para gumawa ng magagandang pattern. At sa loob ng ilang dekada, nagtampok ang mga design ng tattoo ng mga image na gawa sa line art, na ginagaya ang mga retro sailor drawing at iconic na catalog graphics.

Tatlong line art drawing: side profile ng ulo ng isang tao, ulo ng tandang at isang super hero na nakamaskara

Mga tip at inspirasyon sa line art drawing.

Subukang gumamit ng mga contour line lang para i-outline ang iba't ibang bahagi ng subject mo. O magdagdag ng shading gamit ang cross-hatching at magkakaibang weight ng linya. Sa alinmang paraan, ang pagguhit ng linya ay isang epektibong paraan para malaman ang iba't ibang element ng art, tulad ng liwanag, texture, perspective, at composition. Magsanay gamit ang mga tip na ito sa line art mula sa mga propesyonal na illustrator.


Pag-iba-ibahin ang weight ng mga linya mo.

Pag-eksperimentuhan ang magkakaibang weight ng linya. Pwede kang gumamit ng mga pen o digital brush na may iba't ibang laki: katamtamang kapal para sa mga pangunahing linya, mas makapal para sa emphasis, at mas manipis para magdagdag ng mga maliit na detalye o shading line. O, pwede ka lang pumindot nang mas madiin o mas magaan sa iyong papel o digital tablet para magkaroon ng iba't ibang weight ang isang brush.


Magtiwala sa sarili mo.

Ang isang mahusay na line art drawing ay karaniwang malinis, malinaw, at madaling maunawaan. Pagkatapos ng kaunting pag-sketch, sanaying ituloy ang unang linya na iginuhit mo sa halip na iguhit ito nang paulit-ulit. “Halos lahat ng artist ay nagsisimula sa paggawa ng napakaraming linya, at habang bumubuti ang kanilang kakayahan, natututo silang mag-commit sa linyang gusto nilang gawin at isagawa ito,” sabi ni Case.


Huwag humintong mag-sketch.

Palaging magdala ng sketchbook para magsanay. Gumawa ng ilang warm-up na drawing ng mga random na item para maging kumportable at hindi manginig ang iyong kamay bago ka umupo para iguhit kung ano talaga ang kailangan mong ilarawan. “Mas may kumpiyansa akong harapin ang mga illustration ko kung nag-warm up ako,” sinabi ng fashion illustrator na si Josefina Fernandez.

Isang taong gumugihit ng detalyadong line art design

I-rotate ang papel o tablet mo habang gumagawa ka.

Makakagawa ka ng mga mas tuloy-tuloy na linya sa pamamagitan ng pagguhit ng mga stroke palayo sa katawan mo, at hindi sa paghila sa kamay mo habang gumuguhit ka. Ipinaliwanag ni Case, “Kung hindi mo iro-rotate ang canvas mo, haharangan ng kamay mo kung ano ang gusto ng isip mong ilagay sa papel.”


Maging maingat sa resolution ng digital line art.

Mahalagang panatilihing malinaw at hindi pixelated ang mga line drawing mo. Gumuhit nang may mataas na resolution, humigit-kumulang 600 hanggang 1200 DPI, at kung kailangan mong bawasan ito para sa print o sa web, gamitin ang tamang paraan ng interpolation. Para sa monochromatic na art sa Adobe Photoshop, pinakaangkop ang paggamit ng “Nearest Neighbor” na pamamaraan. “Hindi ito magdaragdag ng anumang kulay na gray sa pagitan ng puti at ng itim,” sinabi ni Case.


Magsimula sa digital line art.

Gumawa ng mga line sketch para malaman kung paano gumuhit at pahusayin ang mga kasanayan mo sa iba pang style ng art, tulad ng graphic design. At, ang line art ay perpektong panimula para sa mga may kulay na illustration at watercolor. Gamit ang mga digital watercolor brush, pwede kang magdagdag ng kulay sa isang bagong layer para dumaloy ito nang malinis sa ibabaw o ilalim ng mga linya mo. Nasa Adobe Fresco ang lahat ng tool na kailangan mo para masubukan ang line drawing sa digital app. Gumawa ng daan-daang sketch nang hindi gumagamit ng kahit isang piraso ng papel at subukan ang iba't ibang weight at texture ng brush.

Mag-trace ng mga sketch o larawan sa Fresco.

Gumamit ng mga layer para magdagdag ng line art sa isang sketch o larawan nang walang kahirap-hirap. “Pwede kang kumuha ng larawan mula sa Pinterest, i-paste ito doon, bawasan ang opacity, at magsimula ng isa pang layer at mag-sketch dito,” sinabi ni Fernandez.

Subukan ang Smoothing tool para hindi paputol-putol ang mga stroke mo.

I-apply ang Smoothing tool sa brush mo sa Fresco para ipa-autocorrect sa app ang nanginginig na kamay. “Hindi mo kailangan maging masyadong tumpak sa mga linya,” sinabi ni Fernandez. “Dahil ginagabayan ng tool ang linya mo at binibigyan ka nito ng higit na kontrol.”

Line art drawing sa Adobe Fresco

Mahalagang sanayin ang pagguhit ng linya para sa sinumang gustong pahusayin ang kanyang kakayahang magpakita ng liwanag at mga hugis sa kanyang art. “Tinulak ako nitong malaman kung paano ilarawan ang form gamit lang ang mga field na black and white, at kung paano balansehin ang mga iyon,” sinabi ni Case. “At sa palagay ko, nakaguhit ako ng mas magagandang image bilang batang artist.” Tingnan kung ano ang magagawa mo gamit ang versatile na pamamaraan ng pagguhit na ito.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade