ILLUSTRATOR
Isang gabay sa pagguhit para sa mga baguhan: Mula sa mga doodle hanggang sa art.
Pwedeng mahirap malaman kung saan magsisimula at kung ano ang iguguhit. Tumuklas ng mga paraan kung paano linangin ang mga kasanayan mo sa pagguhit.
ILLUSTRATOR
Pwedeng mahirap malaman kung saan magsisimula at kung ano ang iguguhit. Tumuklas ng mga paraan kung paano linangin ang mga kasanayan mo sa pagguhit.
Iniiugnay ang mga krayola at pagguhit sa early childhood education, pero maraming tao ang lumalayo sa art sa paglipas ng panahon. Para sa ilan, ito ay interesanteng bagay, pero kadalasan, ang paglayo na iyon ay pinaiigting ng paniniwalang isang likas na talento ang kakayahang gumuhit. Isa itong bagay na mayroon o wala ka. Ang totoo, ito ay natututuhang kasanayan, na nabubuo sa tuloy-tuloy na pagsasanay sa loob ng ilang taon. Kung mayroon kang sigasig at dedikasyon, ang pagguhit-guhit mo sa mga margin ay pwede mong gawing nakatuong pagsasanay sa pagguhit.
Kailangan mong simulan ang pagguhit sa isang lugar, at maaari kang magsimula kung nasaan ka: i-sketch ang mundo sa paligid mo.
“Iguhit kung ano ang nasa harap mo. Anuman ang gawin mo, makakatulong ang pagsisikap mong maipakita kung ano ang nasa harap mo,” sinabi ng editorial artist na si Chris Kindred. “Mahalaga ang bawat pagsisikap. Walang nasasayang na pagsisikap sa pagguhit.”
Mula sa mga bulaklak hanggang sa mga figure, isa man itong kapwa commuter sa subway o isang aso sa parke, napapaligiran ka ng mga modelong magagamit mo para malinang ang mga kasanayan mo. Inirerekomenda ni Kindred na magdala ng sketchbook saan ka man pumunta para makapagsanay ka anumang oras — o kahit na dalhin mo ang tablet mo para sa on-the-go na digital drawing.
“Mahalaga ang bawat pagsisikap. Walang nasasayang na pagsisikap sa pagguhit.”
“Gumawa ng life drawing. Maraming lungsod at kolehiyo ang nagbibigay ng mga klase sa publiko na talagang mura,” sinabi ng artist na si Mildred Louis. “Magandang ideya na maunawaan kung paano binubuo ang istrukturang iyon. Kapag mas naiintindihan mo ang mga proportion, mas mahusay mong mapaglalaruan ang mga ito kung gusto mong maging sobrang stylistic o mas makatotohanan — pagbutihin muna ang pangunahing pundasyong iyon.”
Isang mahusay na paraan para matuto ang paggawa ayon sa gawa ng mga nauna sa iyo. Ang pagsubok na ipasa ang gawa ng ibang artist bilang sarili mong gawa ay plagiarism, pero ang paggaya sa gawa ng magagaling na illustrator ay observational exercise na makakatulong sa iyong mapahusay ang mga kasanayan mo sa pagguhit.
“Mukhang iniisip ng mga baguhan na, ‘Kapag gumamit ako ng reference, nandaraya ako.’ May ganitong kakaibang pananaw ukol sa pagkopya,” sinabi ng illustrator at comic artist na si Jen Bartel. “Gumagamit ng napakaraming reference ang bawat nagtatrabahong propesyonal na artist na kilala ko. Kung gagamitin mo bilang reference ang isang bagay nang maraming beses, magkakaroon ka ng muscle memory kaya magagawa mong gumuhit nang walang reference. Pero kung nagsisimula ka pa lang, lubos na kapaki-pakinabang ang paggamit ng mga reference image o pagpansin sa mga bagay sa totoong buhay.”
Kapansin-pansin na ang payong ito ay mula sa maraming artist.
“Tumuon sa style na pinakainteresante para sa iyo,” sinabi ng graphic novel writer at artist na si Ethan Young. “Kung isang kang tunay na baguhan, walang nakakahiya sa pagkopya lang hangga't maaari.”
“Nagsimula akong gumuhit sa pamamagitan ng pagkopya ng anime, at ginagawa ko pa rin iyon sa pagguhit ko ngayon,” sinabi ni Louis, at binanggit niyang panimulang hakbang ito sa pagbuo ng sarili mong style.
“Kung isang kang tunay na baguhan, walang nakakahiya sa pagkopya lang hangga't maaari.”
Hindi natututong tumugtog ng gitara ang mga musician sa pamamagitan ng pagsulat ng orihinal na musika; natututo silang tumugtog ng musika mula sa iba pang songwriter. Para sa mga bagong artist, magagamit ang parehong prinsipyo. At sa tulong ng abot-kamay na archive ng mga tutorial sa pagguhit, mas madali na ngayong matuto mula sa experience ng mga illustrator na gumagamit ng iba't ibang style.
Ang pagsasanay sa mata mo sa pamamagitan ng maingat na pag-obserba ay mahalagang bahagi ng pag-aaral na gumuhit. “Tinitingnan ko ang mga taong nagbibigay-inspirasyon sa akin at hinahanap ko ang mga solusyong nakikita nila kapag gumuguhit sila ng mga bagay,” sinabi ni Kindred. “Isipin kung paano iyon nagawa ng taong iyon at subukang gayahin ang proseso mula sa simula.”
I-explore ang mga step-by-step na tutorial at live na demonstration ng pagguhit na ito para makakuha ng insight mula sa kaalaman ng iba pang artist:
Gagabayan ka ng French art nouveau at comic artist na si Lois van Baarle sa mga hakbang sa paggawa ng digital painting.
I-download at i-install ang mga brush mula sa artist na si Kyle T. Webster, at makakuha ng mga step-by-step na tagubilin sa kung paano i-adjust ang mga ito bago simulan ang pag-eeksperimento mo.
Tingnan kung paano ginawang may kulay na panel sa comic book ng artist na si Shad Lewis ang reference sketch sa maikling gabay na ito.
Samahan ang illustrator at designer na si Logan Faerber habang gumuguhit at nagkukulay siya ng mga illustration ng character habang sinasagot ang mga tanong mula sa komunidad ng Behance.
Hindi mo ito maiiwasan: kailangang magsanay para matutong gumuhit nang mahusay. Posibleng mahirap maglaan ng oras para malampasan ang pagsubok ng mga baguhan.
“Sa una, dahil hindi palaging natural na dumarating ang mga bagay, pwede itong makapanghina ng loob at makadismaya,” sinabi ni Bartel. “Pero ganoon naman talaga palagi kapag may bago kang pinag-aaralan. Kaya magsanay lang nang magsanay, at huwag sumuko.”
Maaari kang magsimula sa pamamagitan lang ng pagkilala sa sarili mong drawing.
“Magsanay nang magsanay, at huwag sumuko.”
Subukang iguhit ang pinakamahahabang linya na kaya mo nang walang tulong — huwag gumamit ng ruler,” iminungkahi ni Kindred. “Sa ganoong paraan, nagkakaroon ka ng kumpiyansa sa iginuguhit mo.” Ang isa pang pagsasanay na iminumungkahi niya ay gumuhit ng maraming linya hangga't posible sa pamamagitan ng isang tuldok. Ang pagiging mas pamilyar sa gawa mo ang mahalaga rito. “Iyon ang mga pagsasanay na ginagawa ko para maging komportable sa paggawa ng mga marka,” sinabi ni Kindred, “Dahil marami kang gagawing ganito bilang artist.”
Gaya ng pagpunta sa gym, pwedeng parang paulit-ulit ang pagpapaunlad ng creativity, pero may patutunguhan ang pagpapaulit-ulit na iyon. Mahalagang huwag lang umasa sa natural na nangyayari at lumabas sa comfort zone mo.
“Ang mga mukha ang pinakanapapansin ng maraming tao sa artwork ko, pero isa iyong dahilan dati kung bakit hindi ko talaga gusto ang pagguhit,” sinabi ni Louis. “Nagsimula akong magsagawa ng maraming pagsasanay kung saan pinagtuunan ko ang pagguhit ng iba't ibang feature ng mukha at iba't ibang facial expression. Talagang nakatulong itong mapahusay ko ang pagguhit ng mga mukha at gawin itong hindi masyadong mahirap.”
“Gawin ang mga bagay na natutuwa kang gawin. Gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama at natural, at palaging hanapin ang pakiramdam na iyon.”
At habang nagsisikap na mapahusay ang ilang partikular na bahagi para malinang ang kasanayan mo, tandaang ang pagsasanay ay isang paraan para makamit ang layunin — at ang layuning iyon ay ang paggawa ng mga drawing at art na maipagmamalaki mo. “Gawin ang mga bagay na natutuwa kang gawin,” sinabi ni Kindred. Gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama at natural, at palaging hanapin ang pakiramdam na iyon.”
Mga Contributor