illustrator
Paano gumuhit ng mga tao, anuman ang anyo at laki.
Maging pamilyar sa human form at pahusayin ang mga kasanayan mo sa pagguhit ng figure sa pamamagitan ng isang step-by-step na tutorial sa pagguhit.
illustrator
Maging pamilyar sa human form at pahusayin ang mga kasanayan mo sa pagguhit ng figure sa pamamagitan ng isang step-by-step na tutorial sa pagguhit.
Para maiguhit nang mahusay ang isang figure ng tao, kailangan mong maunawaan ang proportion, kilos, at anatomy ng tao. “Pinakamahalaga ang gesture,” sabi ng artist na si Jonathan Dockery, “pero kailangan nating magsimula sa proportion.”
Marami ang pagkakaiba-iba ng mga proportion ng mga katawan ng tao, pero makakatulong sa iyo ang mga pangunahing panuntunin na ito na panatilihing proportional ang mga bahagi ng katawan. “Ang karaniwang proportion ng average na tao ay may taas na katumbas ng pitong ulo,” sabi ni Dockery. Kung guguhit ka ng front view ng isang nakatayong tao at magsisimula ka sa ulo, pwede mong sukatin ang buong haba ng katawan bilang pito ng mga haba ng ulo na iyon. Ang ilalim ng pectoralis major, o ang mga kalamnan ng dibdib, ay halos nasa ikalawang ulo pababa. Ang ikatlong ulo pababa ay kapantay ng pusod, at ang ikaapat ay kapantay ng ibaba ng pelvis.
Kung ibabalik mo ang atensyon mo sa ulo, pwede mong simulang i-sketch ang mga feature ng mukha. Ang mata ay medyo nasa itaas ng midpoint, at ang dulo ng ilong ay hanggang sa gitna sa pagitan ng mga mata at baba. Ang distansya mula sa ilong hanggang sa tuktok ng ulo ay kapareho ng distansya mula sa ilong pababa sa itaas ng rib cage. “Tandaan na nag-iiba-iba ito sa bawat tao,” sinabi ni Dockery. "Mas mahalaga ang obserbasyon kaysa sa paggamit ng isang sistema, at hindi mo gugustuhing maging magkakamukha ang lahat ng iginuguhit mo.”
Mula sa tuktok ng ulo, pwede kang sumukat ng limang ulo pababa sa isang diretsong linya, at simulan ang mga tuhod sa ibaba niyon. Dapat nasa halos gitna ng ikaanim na ulo pababa ang mga binti o ang mga shin. Panghuli, ang mgapaa ay hanggang sa ibaba ng ikapitong haba ng ulo na iyon. “Para sa mga paa, kadalasang nakakatulong na isipin ang mga ito bilang mga karaniwang hugis tatsulok," sabi ni Dockery.
Bumalik sa tuktok ng rib cage, gumawa ng mga collarbone gaya ng mga handlebar ng bisikleta. Doon sisimulang ilagay ang mga braso. “Karaniwan,” sinabi ni Dockery, “kapantay ng pulso ang pelvic bone, at iguguhit sa ilalim nito ang kamay.”
Iguhit ang leeg bilang cylinder. Kung guguhit ka ng side view, tandaan na ang leeg ay nakapaharap nang kaunti mula sa rib cage, at ang tainga ay nagsisimula sa pagitan ng noo at likod ng ulo.
“Ang gesture ay katumbas ng ritmo ng katawan,” sabi ni Dockery. Pwedeng bigyang-buhay ng anggulo ng balakang, pagbaluktot ng likod, at pagpoposisyon ng mga braso at binti ang drawing na isang tao. Kapag nailagay mo na ang tatlong pangunahing bahagi ng ulo, rib cage, at pelvis, mayroon ka ng basic structure ng itaas na bahagi ng katawan. Pero, sinabi ni Dockery, “kailangan nating magsimula sa pamamagitan ng paghahanap ng rhythmic na ugnayan sa pagitan ng unang dalawang bahagi, ang ulo at rib cage.”
Hanapin ang tuktok ng rib cage sa nakalubog na bahagi ng leeg, at sundan ang isang linya pababa sa sternum, lampas sa gitna ng tiyan at pakanan sa tuktok ng mga binti. Pwede mong gamitin ang mga collarbone para ipakita ang anggulo ng itaas na bahagi ng katawan at idirekta ang kabuuang hugis ng rib cage. Mula roon, makikita mo ang anggulo ng huling bahagi, ang pelvis.
Kapag nabuo mo na kung paano nauugnay ang mga form na ito sa isa't isa, pwede mong planuhin ang mga binti. Para kay Dockery, ang detalye ay hindi gaanong mahalaga kumpara sa gesture. “Sa gesture maipapakita ang sigla o kawalan ng sigla ng pose,” sinabi niya. “Ito ang kuwento sa likod ng pose. At ang silbi ng drawing ay magkuwento, kahit na ito ay kuwento lang ng isang emosyon o isang hilig o isang experience.”
Makakatulong sa iyo ang kaalaman sa anatomy ng tao na magdagdag ng makatotohanang kalamnan sa skeleton ng drawing mo. Pag-aralan ang subject mo, mga reference na larawan, o kahit mga diagram ng katawan ng tao para matulungan kang makuha nang tama ang musculature. “Karaniwan,” sinabi ni Dockery, “halos isang ulong lapad ang katumbas ng mga balikat ng mga mas malapad at mas matipunong tao.” Halos kalahating ulong lapad ang katumbas ng mga mas makitid na balikat, pero mahalagang obserbahan ang subject mo at magtiwala sa mga mata mo.
Unawain ang mga proportion ng katawan, gesture, at anatomy na gagamitin sa isang digital drawing app tulad ng Adobe Fresco. Nagbigay ang artist na si Eli Johnson ng ilang pangangunahing tagubilin sa kung paano gawin ang figure drawing mo.
Image ni Eli Johnson
01. Sa pipiliin mong laki ng canvas, gumawa ng bagong layer, at magsimula sa isang simpleng sketch gamit lang ang mga basic na brush. “Ugaliing lagyan ng pangalan ang mga layer mo sa sandaling simulan mo ang pagguhit, kung hindi, napakadaling magiging sobrang nakakalito ang mga bagay,” sinabi ni Johnson.
Image ni Eli Johnson
02. Bawasan ang opacity ng unang layer, at gumawa ng isa pang layer para sa isang pangalawang sketch. “Palaging magandang tingnan ang mga opsyon mo, dahil pwedeng mapaganda o masira ng magandang pose ang image mo. Kung hindi nito matatawag ang pansin mo mula sa simula, huwag makuntento rito,” sinabi ni Johnson. Para sa kanyang sketch, gumamit muna si Johnson ng mahaba at malambot na buhok para magpakita ng magandang sense of motion, pero nagpasya siyang palitan ito at bigyan ang kanyang subject ng “isang maganda at buhaghag na Afro na pwede tumalbog kapag humangin.” In-adjust niya rin ang posisyon ng braso para bigyan ang Afro ng mas malaking space.
Image ni Eli Johnson
03. Gawin ang pinakamahalagang element ng anumang figure drawing: ang mukha. “Palaging magandang pag-eksperimentuhan ang mga opsyon mo. At ang art mo ay nakadepende sa kung paano mo ito gagagawin, kaya gawin mo itong interesante.” sinabi ni Johnson. ”Kapag nakapagdesisyon ka na kung anong hitsura ang gusto mo, doon mo malalaman ang maraming design at personalidad na pwede mong gamitin.”
Image ni Eli Johnson
04. Kapag masaya ka na sa mukha, gumawa ng bagong layer sa itaas, i-rename ito, at magdagdag ng damit at iba pang detalye.
\
Mga Image ni Eli Johnson
05. Para sa mahihirap na element gaya ng mga sintas ng sapatos, inirerekomenda ni Johnson na magdagdag ng isa pang layer. “Sa ganitong paraan, makakaisip tayo ng magandang design at mapapanatiling maganda at malinis ang mga nauna nating layer. Babaan ang opacity at palaging mag-sketch sa ibabaw ng pangunahing layer mo para magdagdag ng mga dekorasyon na makatotohanang bumabalot at akma sa mga character mo,” dagdag niya. Gamit ang mga hiwalay na layer, pwede mong baguhin ang mga element nang hindi naaapektuhan ang iba pang aspeto ng drawing.
Image ni Eli Johnson
06. Susunod, pwede kang magdagdag ng kulay. “May iba't ibang style ng pagkulay ang mga tao,” sinabi ni Johnson, “pero mas gusto kong magsimula sa matingkad hanggang sa mapusyaw - magsimula sa isang base na kulay hanggang sa makarating ka sa mga highlight.”
Image ni Eli Johnson
07. Ang isa sa mga advantage ng digital drawing ay pwede mong paglaruan ang mga background nang hindi naaapektuhan ang subject mo. Para sa iba pang tip, manood ng tutorial sa kung paano gumamit ng mga grupo ng layer sa Fresco.
Anuman ang hitsura ng mga unang pagsubok mong gumuhit ng mga tao, magpatuloy lang sa pagsasanay. Gumuhit nang may live model para makuha ang mga katangian at facial expression na ginagawang natatangi ang taong iyon. Tandaang pagtuunan ang gesture at paggalaw, at subukang maglahad ng kuwento sa bawat drawing na gagawin mo.