2. Piliin ang subject mo.
Para kay Karman, “palaging magandang pumili ng isang bagay na kakaiba, hindi pangkaraniwan, o kawili-wili dahil kung isa itong kilala at classical na subject (tulad ng isang babae sa isang Lester painting) hindi ito magiging nakakaengganyo tulad ng isang bagay na hindi pa nakikita ng mga tao noon.” At kung gusto mong magmukhang ginawa nang walang kahirap-hirap ang illustration mo, panatilihin itong simple. “Hindi dapat masyadong kumplikado ang subject,” ipinayo ni Karman. “Ayaw ko kapag masyadong maraming detalye ang isang gawa. Mas may dating kung simple lang.” Pwedeng maging simula ng isang magandang bagay ang isang babaeng figure na may suot na kamangha-manghang sumbrero, isang pares ng sapatos na may kumplikadong burda, o isang textured na t-shirt.
3. I-explore ang mga proportion ng katawan.
Sa fashion illustration, ang figure na iginuguhit mo ay karaniwang hinahati ayon sa laki ng ulo. “Ang kabuuang taas ng adult na tao ay karaniwang katumbas ng taas ng 7 hanggang 8 ulo. Ang mga fashion model ay karaniwang may taas na katumbas ng 8 hanggang 9 na ulo. Dinaragdagan pa iyon sa mga figure illustration sa fashion, kung saan gumagamit ng 9 hanggang 10 ulo, at umaabot pa sa 11 ulo para sa mga exaggerated na style,” sinabi ni Hong. Sa history ng fashion, ang 10 ulo na figure ang naging standard na pinahabang proportion para sa mga babaeng figure. Pero kinumpirma ni Hong na pwede pa ring hindi gawin ang nakasanayan: “Talagang nagsisimula na tayong tanggapin ang iba't ibang pangangatawan. Ang 8½ ulo na proportion ay mas makatotohanang haba ng katawan, at mas mukhang moderno sa panahon ngayon.”
4. Gumawa ng pose.
Ituring ang pose ng figure mo bilang pundasyon ng design drawing mo. Ito ang magdidikta sa kung paano babagay ang mga garment sa form, na binibigyang-buhay ang iba't ibang fabric at silhouette na itinatampok. Una, paglaruan ang mga kurba at iba pang geometric na hugis para gumawa ng mga element ng katawan, at pagkatapos ay magsanay na mag-sketch ng iba't ibang pose para malaman kung alin-alin ang nagbibigay ng pinakamakatotohanang paggalaw sa hitsura ng character mo.
5. Iguhit ang damit.
Nagbibigay-daan sa walang limitasyong creativity ang pag-iisip kung ano ang magiging hitsura ng mga damit sa figure mo. “Kung pipiliin kong gawing focal point ng aking gawa ang isang damit, kadalasan ay itatampok nito ang mga interesanteng proportion o isang magandang kumbinasyon ng kulay. Isa itong bagay na naiisip kong mailalagay ko sa papel, tulad ng pag-paint ng mga balahibo gamit ang isang partikular na brushstroke o paggaya sa chiffon na materyal sa pamamagitan ng paggamit ng mapusyaw na paint,” sinabi ni Karman. Palaging tandaan ang fabric na itinatampok mo at maging totoo sa texture at pattern nito parang bigyan ang fashion illustration mo ng makatotohanang style.