.

ILLUSTRATOR

Pagsisimula ng career sa illustration ng librong pambata.

Makakuha ng mga tip sa kung paano ipakita ang gawa mo at bumuo ng mga koneksyon na makakatulong sa iyong makapasok sa competitive na larangan ng mga picture book.

I-explore ang Illustrator

Naka-illustrate na design ng cover ng pambatang libro na "Tarzan".

Ang art at negosyo na pagagawa ng mga libro para sa mga bata.

Maikli man ang mga naka-illustrate na pambatang libro, hindi ito nangangahulugan na simple lang magtagumpay sa larangang ito. Ang pinakamahusay na literaturang pambata ay may dating sa mga bata at matatanda at nananatiling nakakaaliw kahit na maraming beses nang nabasa. Bagama't hindi ito madali, posibleng pumasok sa paggawa ng mga naka-illustrate na librong pambata. May ilang bagay na dapat maunawaan kung gusto mong magkaroon ng career sa industriyang ito.

Watercolor illustration ng beach mula sa aerial view na may mga tao at payong.

Pag-unawa sa mga librong pambata at mga layunin mo.

Magkakaiba ang mga art style sa mga pambatang illustration mula sa mala-cartoon na linework ni Dr. Seuss hanggang sa ipinintang fantasy realism ni Beatrix Potter. Magkakaiba rin ang mga story line. Dahil sa ganito kalawak at karaming posibilidad, ang unang hakbang mo ay tukuyin kung ano ang gusto mong gawin.

“Maraming tao ang walang anumang plano bukod sa isang ideya para sa kuwento,” sinabi ng artist na si Lucas Elliott. “Pero para kanino ito? Ano ang hitsura ng art? Gaano ito kahaba? Gaano karaming salita ang gustong mong maging laman ng libro: 500 o 5,000? Iyon ang tutukoy kung sa anong antas ng edukasyon mo ito ipapabasa.”

Mas nababagay ba ang kuwento o art mo sa isang malaking libro na walang salita para sa mga sanggol o sa mga mas mature na naka-illustrate na nobela para sa young adult? Gusto mo bang gumawa ng art sa cover ng libro sa halip na magkuwento sa loob ng pahina? Saliksikin kung ano ang ginagawa ng ibang artist, tumingin ng gawang illustration ng librong pambata sa Behance, at pag-aralan kung ano ang pina-publish. Makipag-usap sa mga bata at adult para malaman kung anong mga libro ang patok sa kanila. Makakatulong ang lahat ng ito para masimulan mong maunawaan kung anong gawa ang mukhang pinakapatok sa audience na kasing selan ng mga bata.

“Iniisip ng iba, ‘Hindi nakakaengganyo ng audience ang libro ko dahil hindi nila nauunawaan kung ano ang gusto kong sabihin,’” sinabi ni Elliott. “Posibleng nauunawaan nila kung ano ang gusto mong sabihin, pero hindi mo lang ito nagagawa sa paraang kapana-panabik para sa kanila.”

Binagong illustration ng cover ng librong "The Wind in the Willows."

Pagkonekta sa batang audience.

Bagama't pwedeng makita ang halos anumang art style sa isang matagumpay na librong pambata, posibleng magdulot ng malaking pagkakaiba sa mga mambabasa ang pagkakaroon ng koneksyon sa mga character at madaling sundan na visual na pagkukuwento. Mahirap para sa sinumang audience — kabilang ang mga bata — na makaugnay sa isang pangkaraniwang bida.

“Kailangang ma-attach ang mga bata sa isang bagay sa libro,” sinabi ng artist at writer na si Scoot McMahon. “Nasasabik silang makakita ng mga element na nauulit kapag inililipat nila ang pahina.”

Ang isang pusa na gumagawa ng kalokohan ay isang katotohanan, pero ang isang pusa na gumagawa ng kalokohan at nakasuot ng bota ay ang simula ng isang bagay na mas hindi malilimutan. At nang hindi gumagamit ng libo-libong salita para ikuwento pa ang backstory ng isang character, mas malamang na kokonekta ang mga mambabasa sa isang character na natatangi ang hitsura.

“Gugustuhin mong maging medyo kakaiba ang mga character — ito man ay talagang makulay na buhok o lubos na mapupulang pisngi,” sinabi ng illustrator ng librong pambata na si Alyssa Newman. “Kailangan ng mga ito ang isang karagdagang bagay na iyon para tulungan ang mga ito na mamukod-tangi.”

Makakatulong ang pag-iisip sa art mo bilang function ng kuwento para matukoy kung saan mo itutuon ang mga pagsisikap mo. Ang pangunahing character na nagpapahayag ng damdamin sa paraang makaka-relate ang bata ay mas mahusay na paraan para kumonekta sa mambabasa kaysa sa perpektong pag-render ng lahat ng dahon sa isang puno sa background. Bukod pa sa pananaliksik mo sa kasalukuyang literaturang pambata, isipin ang mga librong pinakanatatandaan mo mula sa pagkabata mo. Ang pagkaka-render ba ng art ang natatandaan mo o ang saya sa makulit na mukha ng pangunahing character na nagsasayaw kasama ang mga kaibigan niya?

“Gugustuhin mong maging medyo kakaiba ang mga character — ito man ay talagang makulay na buhok o lubos na mapupulang pisngi. “Kailangan ng mga ito ang isang karagdagang bagay na iyon para tulungan ang mga ito na mamukod-tangi.”
Para sa marami pang insight, panoorin nang live ang ilang illustrator ng librong pambata habang isinasagawa nila ang proseso nila:
Tutorial sa illustration ng librong pambata ng Adobe Live kasama ang artist na si Anna Daviscourt.

Mga spot illustration ng The Secret Garden.

Panooring mabigyang-buhay ang classic na nobelang pambata habang ginagawang fully colored na art ang ilan mula sa sketch ng artist na si Shauna Lynn Panczyszyn.

Tutorial sa illustration ng Harry Potter sa Adobe Live kasama ang artist na si Shauna Lynn Panczyszyn.

Mga illustration ng mga librong pambata na Harry Potter.

Binibigyang-buhay ng artist na si Shauna Lynn Panczyszyn ang mundo ni J. K. Rowling at siya mismo ang magbibigay ng mga payo sa kung paano siya gumagawa.

Pagbuo ng mga propesyonal na koneksyon sa literaturang pambata.

Sa isang competitive na larangan gaya ng literaturang pambata, napakahalaga ng pagbuo ng network mo. Magandang magsimula sa mga online na komunidad gaya ng Society of Children’s Book Writers and Illustrators. Matutulungan ka nilang mabuo ang network mo, maghanap ng mga kapwa creator na makakasama mo, at mapanatili kang updated sa industriya.

Kinakailangang magkaroon ng portfolio na nagpapakita ng gawa mo para makakuha ng trabaho, pero posible rin itong maging isang kapaki-pakinabang na tool kapag nakikipagtulungan sa mga writer. “Kung makikipagtulungan ako sa isang bagong kliyente o writer, pinapapunta ko siya sa site ko at pinapapili ko siya ng artwork na gusto niya,” sinabi ni Newman. “Batay roon, mas mauunawaan ko ang patutunguhang gusto niya.”

Komunikasyon ang susi kapag bumubuo ng mga ugnayan sa collaborator. Mahihikayat ng malayang usapan ang creative process at matutulungan nito ang parehong panig na mas maging kumportable sa proseso. Kapag iniayon ninyo ang vision ninyo para sa proyekto, matitiyak na nagsisikap kayo para sa iisang layunin.

Kakailanganin mo ring makipag-ugnayan sa mga ahente at publisher. Sa dami ng mga publishing house na nasa New York at iba pang metropolitan na lugar, posibleng kailanganin mong bumiyahe para makagawa ng mga personal na koneksyon. Posibleng maging magagandang pagkakataon sa networking ang mga convention para sa librong pambata at comic book para isulong ang career mo. “Dalhin ang portfolio mo at makisalamuha at maging palakaibigan sa mga ahente at publisher,” sinabi ni McMahon “Humingi ng feedback. Pwedeng maging kapaki-pakinabang ang lahat ng ito, kahit pa negatibo ito.”

Ganap na naka-illustrate na design ng cover ng libro para sa "The Jungle Book."

“Humingi ng feedback. Pwedeng maging kapaki-pakinabang ang lahat ng ito, kahit pa negatibo ito.”

Kung hindi mo kayang bumiyahe, dapat makipag-ugnayan online o makipag-usap sa iba pang paraan. Tukuyin ang mga ahente at publisher na nakatuon sa mga uri ng librong gusto mong i-publish at makipag-ugnayan sa kanila. Posibleng hindi sagutin ang unang dosenang pagsubok mo, pero maaaring maging simula ng mahalagang ugnayan para sa career mo ang tamang timing ng isang magalang na email na may link papunta sa portfolio mo. Sikaping mamukod-tangi habang nanatiling magalang sa mga taong kinakausap mo.

“Natutuwa talaga ang mga ahente na makatanggap ng mga postcard mula sa mga illustrator,” sabi ni Elliott. Gusto nilang makita ang ilan sa mga gawa mo, at nakakatuwa lang makatanggap ng mail na may nakalagay na, ‘Kumusta, narito ako. Mag-usap tayo.’”

Kung minsan, ang pagkakaroon ng book deal ay may kinalaman sa paghaharap ng ganap na nabuong proyekto, pero tandaang mas gusto ng ilang ahente at publisher na buuin ang creative team — kung saan ipinapares ang mga artist sa mga writer at pinagsasama sila sa ilang partikular na proyekto. Siyasatin kung aling mga publisher ang mas gustong lapitan mo sila nang mag-isa bago ka makipag-ugnayan.

Kahit na pagkatapos ng pagsusumikap at pagbuo ng mga tamang koneksyon, ang timing ang pinakamahalaga sa lahat. Hindi mo alam kung kailangan magiging nakakaengganyo ang style mo ng pag-illustrate sa isang publisher na handang kumuha ng artist. Patuloy na saliksikin ang medium at market, bumuo ng mga koneksyon, at linangin ang mga kasanayan mo sa art hanggang sa tumugma ang timing. Pagsisikap ang susi, dahil hindi karera ang makapag-publish, kundi isang marathon.


Mga Contributor

Aliza Ackerman, Emma McGoldrick