ADOBE CREATIVE CLOUD

Nadagdagan ang mga kakayahan mong makipag-collaborate.

Narito na ang bagong panahon ng creative na collaboration — na nagtatawid ng mas maraming medium, sumasaklaw sa mas maraming app, nagsisimula ng mas malalaking ideya, at pinapanatiling konektado ang lahat sa web at sa buong mundo.

Manatiling konektado. Manatiling produktibo. Manatiling creative nang sama-sama.

Hindi lang para sa mga creative ang creativity. Kasama rito ang lahat ng taong nag-aambag sa proseso at lahat ng (medium na gagamitin). Magagawa mo na ngayong pagsasama-samahin ang lahat ng tao at lahat ng bagay para mag-isip, kumuha ng feedback, at magkaroon ng magagandang resulta mula sa magagandang ideya. Madali lang ito sa mga tool sa pakikipag-collaborate ng Creative Cloud.

 

Welcome sa panahon ng konektadong creativity.

Pinapahusay ng pinakabago naming release ang kakayahan mong makipag-collaborate sa mga kasamahan at kliyente — online, sa mga nakabahaging dokumento sa cloud, sa tuwing gagawa ka. Pwede na ngayong i-coedit ng team mo ang iisang mga file nang sabay-sabay. Magbigay at makakuha ng feedback nang mas mabilis sa mga app mo at sa web. Ibahagi ang mga pinakabagong creative element at library sa kahit sino. At subaybayan kung paano dadaloy ang trabaho mo. Nang sama-sama.

MGA BAGONG BETA RELEASE

Mag-sync para hubugin ang hinaharap.

Sa hybrid na environment sa trabaho sa kasalukuyan, walang hangganan ang creativity. Mas itinotodo pa namin ang collaboration para makalikha ang team mo ng napakagagandang bagay, nang sama-sama, sa iisang lugar — kahit na malayo ka. Tulungan kaming hubugin ang hinaharap ng connected creativity sa pamamagitan ng pag-test drive sa mga bagong beta release namin.

MGA LIBRARY SA CREATIVE CLOUD

Gumawa ng mga experience na palaging maganda.

Panatilihing on-brand at up-to-date ang mga design gamit ang Mga Library sa Creative Cloud. Magsaayos ng mga kulay, style ng character, logo, larawan, at marami pa sa mga library na madaling hanapin at i-share sa team mo — sa mga paborito mong app at higit pa.

Gawin ang pinakamaganda mong gawa kahit saan.

I-access, i-edit, at i-save ang gawa mo sa lahat ng device sa mga dokumento sa cloud. Mag-imbita ng iba para mag-edit nang direkta mula sa Adobe XD, Photoshop, Illustrator, at Fresco.

Makakuha ng feedback nang mas mabilis.

Gumawa ng mga link ng review mula sa XD at Adobe. Mag-share ng mga link nang direkta sa mga dokumento sa cloud sa Photoshop, Fresco, and Illustrator. Makakuha ng feedback sa Premiere Pro at After Effects nang real time sa pamamagitan ng live na pagkokomento mula sa Frame.io.

Mag-plug in sa productivity.

Magdagdag ng mga bagong feature, mag-automate ng mga gawain, at ikonekta ang mga tool mo. Pinapalawak ng mga plugin at integration ang Creative Cloud sa mahuhusay na paraan para manatili kang konektado at produktibo.

Binuo mismo ang kakayahang makipag-collaborate.

Tingnan kung paano ito gumagana. Libre sa iyong membership sa Creative Cloud.

Mag-share ng mga asset, pag-edit, at komento.

Gumawa ng mas mahusay nang sama-sama mula kahit saan.

Ipagpatuloy ang mga proyekto, mula simula hanggang katapusan.

Hikayatin ang malikhaing collaboration sa negosyo mo.

Creative Cloud para sa mga team

Kunin ang pinakamahuhusay na app at serbisyo sa buong mundo para mabigyang-kakayahan ang mga creative team na mag-collaborate at gumawa ng pagbabago.

Creative Cloud for enterprise

Mag-design ng mga karanasang magpapatibay sa kaalaman, katapatan, at bottom line sa mga creative app at service na nangunguna sa industriya.

“Madali kong magagawa na makipag-collaborate at mag-share ng aking mga file sa library at style guide sa mga katrabaho o maging sa mga external vendor.”

— Sal Velazquez, Barbie Packaging Designer, Mattel

Mga trend, ulat, at insight sa industriya.

Alamin ang sinasabi ng mga nangungunang analyst at kasalukuyang customer tungkol sa creative collaboration gamit ang Adobe Creative Cloud.

Pfeiffer report

Gumawa nang mas mabilis, mas mahusay, at nang sama-sama mula kahit saan.

Tumuklas ng mga paraan para malampasan ang mga hadlang na pumipigil sa creative collaboration.

Alamin pa

Ipagpatuloy ang pagiging malikhain mula simula hanggang katapusan.

Matutunan kung paano nagbawas ng mga gastusin, nagpatibay ng pagiging malikhain, at nagbago ng packaging ang tagagawa ng laruan na ito.

Alamin pa

May mga tanong? May mga sagot kami.

Kasama ang lahat ng feature sa collaboration nang walang karagdagang gastusin sa iyong membership sa Creative Cloud.

Kailangan ba ng membership sa Creative Cloud para makita ang mga file?

Hindi. Kahit sino ay puwedeng tumingin at magkomento sa mga file na ise-share mo gamit ang pampublikong link — hindi kailangan ng membership sa Creative Cloud. Para sa mga pribadong link, kailangan ng mga user ng libreng Adobe ID para i-verify ang kanilang pagkakakilalan.

Maa-access ko ba ang aking mga dokumento sa cloud at content sa desktop o online?

Oo. Mag-log in gamit ang Adobe ID mo, at pagkatapos ay pumunta sa Creative Cloud sa desktop at i-click ang “Iyong gawa” para ma-access ang content mo. Maa-access mo rin ang content mo sa pamamagitan ng Creative Cloud sa web.

Puwede ba akong mag-imbita ng iba para i-edit ang aking mga cloud?

Oo, puwede kang mag-imbita ng iba para mag-edit ng mga dokumento sa cloud na ginawa sa Adobe XD, Photoshop, Illustrator, at Fresco.

 

Puwede bang i-share sa publiko ang mga dokumento sa cloud para sa pagtingin at pagkomento?

Oo. Puwede na ngayong i-share ang mga dokumento sa cloud mula sa Photoshop, Illustrator, at Fresco gamit ang pampublikong link para sa pagtingin at pagkomento.

Paano ko maa-access o mare-revert ang mga nakaraang bersyon ng na-share na content?

Magagawa mong subaybayan, lagyan ng label, o i-revert ang mga nakaraang bersyon nang walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng history ng bersyon sa Creative Cloud sa web at sa loob ng Photoshop, Illustrator, at Adobe XD.

Logo ng Creative Cloud

Creativity para sa lahat.

Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.