Hindi, ang Adobe Creative Cloud ay hindi libre para sa mga estudyante sa kolehiyo — pero nagbibigay kami ng
pitong araw na free trial. Nagbibigay ito ng libreng access sa mahigit 20 app, kabilang ang Adobe Photoshop, Acrobat, Illustrator, Lightroom, at Premiere Pro, at 100GB na cloud storage. Pagkatapos mag-expire ng free trial, ang presyo ng membership para sa estudyante ay
₱1,126.00/buwan para sa taunang plan na binabayaran buwan-buwan sa unang taon, at
₱1,971.00/buwan pagkatapos noon.
Ang pinakamadaling paraan para makakuha ng diskwento para sa estudyante na 65% sa Adobe Creative Cloud ay ang pagbisita sa
page na Mga Plan at Presyo ng Creative Cloud. Magbigay ng email address na ibinigay ng paaralan kapag bumili para mabilis kang mave-verify.
Kapag bumili, vine-verify ng Adobe ang status ng estudyante sa pamamagitan ng email address na ibinigay ng paaralan. Ang email address ng paaralan ay pwedeng may .edu, .k12, o iba pang domain ng email na sino-sponsor ng mga institusyong pang-edukasyon. Kung wala kang email address na mula sa paaralan o kung hindi ma-verify ang email address mo, posibleng humingi ng karagdagang patunay ng pagiging kwalipikado pagkatapos bumili.
Mga estudyante at guro sa mga accredited na paaralan
Ang patunay ng pagiging kwalipikado ay dapat isang dokumento na mula sa institusyon na may pangalan mo, pangalan ng institusyon, at kasalukuyang petsa. Ang mga uri ng patunay ng pag-enroll ay:
- School ID card
- Report card
- Transcript
- Bill o statement ng matrikula
Mga naka-homeschool na estudyante
Pwedeng kasama sa patunay ng pagiging kwalipikado ang:
- May petsang kopya ng sulat tungkol sa intensyong mag-homeschool
- Updated na membership ID sa homeschool association (halimbawa, Home School Legal Defense Association)
- May petsang patunay ng pagbili ng curriculum para sa kasalukuyang pang-akademikong taon ng pag-aaral
*Ang mga accredited na paaralan ay mga paaralang inaprubahan ng samahang kinikilala ng U.S. Department of Education/State Board of Educaton o Canadian/Provincial Ministries of Education at pangunahing nakatuon sa pagtuturo sa mga estudyante. Sa U.S., kasama sa mga samahang ito ang: Middle States Association of Colleges and Schools, North Central Association of Colleges and Schools, Western Association of Schools and Colleges, Southern Association of Colleges and Schools, New England Association of Schools and Colleges, Northwest Association of Accredited Schools. † Itinuturing na updated ang mga dokumentong may petsang pasok sa nakalipas na anim na buwan.
Valid ang membership para sa estudyante ng Adobe Creative Cloud sa loob ng isang taon. Pwedeng pumili ang mga estudyante kung babayaran kaagad nang buo ang buong taon o sisingilin buwan-buwan. Nangangailangan ng isang taong commitment ang alinmang opsyon. Sa katapusan ng bawat taon, awtomatikong magre-renew ang subscription mo.
Kasama sa membership para sa estudyante ng Adobe Creative Cloud ang napakaraming live na tutorial sa Adobe Live pati na mga on-demand na tutorial para sa mga baguhan, eksperto, at sa kahit sino. Hindi mo kailangang magsimula sa umpisa. Makakahanap ka ng mga libreng template at ideya sa proyekto sa Adobe Stock.
Bibigyang-daan ka ng pang-indibidwal na membership para sa estudyante na i-install ang Adobe app mo sa mahigit isang computer, at mag-sign in (mag-activate) sa dalawang computer. Gayunpaman, pwede mo lang gamitin ang app sa paisa-isang computer.
Ang presyo ng diskwento para sa estudyante ng Adobe Creative Cloud na
₱1,126.00/buwan para sa taunang plan na binabayaran buwan-buwan ay tumatagal sa unang taon ng membership mo, at tataas at magiging
₱1,971.00/buwan para sa mga susunod na taon. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang
mga tuntunin at kundisyon.Para maging kwalipikado para sa diskwento para sa estudyante ng Adobe Creative Cloud, ikaw dapat ay hindi bababa sa 13 taong gulang at naka-enroll sa isang unibersidad, kolehiyo, paaralang primarya, paaralang sekundarya, o home school.
Hindi. Palagi kang magkakaroon ng access sa mga pinakabagong bersyon ng mga app at pwede mong i-update ang mga ito kapag handa ka na. Pwede ka ring mag-revert sa mga mas lumang bersyon ng mga app kung gusto mo.