Pagsulat, pag-design, at pag-promote ng mga white paper.

Tingnan kung paano nakakakuha ang mga white paper ng tiwala ng mga potensyal na customer gamit ang data at pananaliksik.

Collage ng iba't ibang page ng white paper

Malaki ang maitutulong sa negosyo mo ng magagandang white paper.


Mas makikila ng audience mo ang brand mo sa tulong ng mga marketing material tulad ng mga blog, podcast, at social media, pero kapag sinimulan nang suriin ng mga tagapagpasya sa negosyo ang mga opsyon nila sa pagbili, kadalasang maghahanap sila ng higit pang insight tungkol sa mga produkto at vendor. Hindi sapat na alam lang ng target na audience mong nariyan ka. Kailangan din nilang maunawaan kung bakit magandang investment ang produkto o serbisyo mo — ano ang magagawa ng kumpanya mo para sa kanila? Pwedeng makatulong na mangumbinsi ang white paper ng mga potensyal na customer at partner gamit ang mga halimbawang nagpapakita ng patunay.

Ano ang white paper?


Mapanghimok na sanaysay ang white paper na gumagamit ng patunay, mga kaalaman, at pangangatwiran para tulungan ang audience sa negosyo na maunawaan ang isang partikular na paksa o partikular na problema, at kadalasang nasa pagitan ng 3,000 at 5,000 salita ang haba. Hinihikayat ng mga white paper ang target na audience nilang mga potensyal na customer o partner (at mga technical expert na nagtatrabaho kasama nila) na lutasin ang isang problema sa partikular na paraan o humantong sa partikular na kongklusyon. Kadalasang bahagi ng mga una o kalagitnaang yugto ng pagbili ng customer ang mga white paper.

 

May dalawang pangunahing uri ng mga white paper:

 

  • Tinatalakay ng backgrounder ang mga benepisyo ng produkto o serbisyo at gumagamit ng patunay para ipaliwanag kung bakit kapaki-pakinabang ang nasabing produkto o serbisyo para sa target na audience. Hindi mapamilit ang dokumentong ito. Sa halip, ang patunay tungkol sa produkto o serbisyo ang magpapatotoo, tulad ng halimbawang ito ng white paper.

  • Tinutukoy ng problem-solution na diskarte ang mga karaniwang suliranin para sa industriyang iyon at nagbibigay ng mga solusyon sa mga suliraning iyon. Dapat idirekta ang audience ng mga solusyong iyon sa produkto o serbisyong ibinibigay ng kumpanya mo. Ang white paper na ito mula sa Ventyx ang isang halimbawa ng problem-solution na diskarte.

 

Sa alinmang sitwasyon, ang layunin ng white paper ay ipakita ang kasanayan at kaalaman ng kumpanya mo at ipakita ang kakayahan mong gumawa ng pakinabang para sa mga customer mo. Kahit na bahagi ang mga white paper ng pangkalahatang marketing strategy, mas may kinalaman ang mga ito sa paglinang ng mga relasyon at pagkuha ng tiwala ng mga potensyal na customer mo sa halip na direktang paghahanap ng mga conversion.

 

Tatlong makakapatong na page mula sa white paper

Ano ang isasama sa white paper.


Executive summary.

Nagsisimula ang mga white paper sa maikling buod ng paksa, na kilala bilang executive summary. Dapat palaging makita sa buod na ito ang mga pangunahing mensahe at pangunahing ideya ng white paper mo. Dapat ganap na nauunawaan ang seksyong ito ng non-technical audience.

 

Pananaliksik na nakakatulong sa produkto o serbisyo mo.

Mapanghimok ang mga white paper, pero hindi mga sales pitch ang mga ito. Kahit na ang white paper ay tungkol sa pagiging epektibo ng nasabing produkto o serbisyo, nangungumbinsi ito gamit ang pananaliksik, kapaki-pakinabang na impormasyon, at mga na-verify at partikular na numero sa halip na retorika o branding. Kung babasahin ito, dapat itong mas magtunog na pang-edukasyon o pang-akademikong text, sa halip na isang bagay na mula sa marketing department, kahit na iyon ang sumulat dito.

 

Pine-present ng magandang white paper ang data sa pinakamainam na paraang posible para sa negosyo mo at tinutugunan ang mga potensyal na suliranin ng customer mo. Kadalasang magpapakita ito ng pananaliksik ng third party o case study na nagpapakita ng mga resultang sumusuporta sa brand mo at tutulong na gabayan ang mga customer mo kapag gumagawa ng mga pasya sa pagbili.

 

Propesyonal pero nauunawaang tono.

Nasa pagitan ng mga malalim na ideya sa negosyo at mga praktikal at teknikal na detalye ang mga white paper. Dapat ay nauunawaan ang mga ito ng mga tagapagpasya sa negosyo tulad ng mga executive o pinuno ng department na posibleng may maganda at malalim na pagkakaunawa ng teknikal na bahagi ng negosyo nila, pero posibleng hindi pamilyar sa bawat maliliit na teknikal na detalye.

 

Dapat mo ring isulat ang mga ito nang isinasaalang-alang ang technical audience. Malamang na may teknikal na background ang mga tagapagpasya tulad ng mga COO at CTO, at kadalasang naghahanap ng input ang mga executive mula sa mga technical expert bago magpasya. Babasahin ng mga technical professional ang white paper mo, at dapat may sapat na detalye ito at nakabatay sa katotohanan para maunawaan nila ang content.

 

Malinis at functional na design.

Kadalasang naglalagay ang white paper ng photography, mga chart, at infographics. Gayunpaman, dapat isama ang lahat ng element na ito para magbigay-kaalaman, sa halip na mag-illustrate; ang design ng white paper ay dapat malinis at propesyonal. Pwedeng mapahusay nang husto ng mga visual na element ang pagkakaunawa sa at kakayahang mangumbinsi ng white paper, pero dapat maging katulad ang mga ito ng mga visual na element sa pang-akademikong papel o teknikal na artikulo.

 

Dapat palaging i-release ang mga white paper bilang madaling i-access at i-download na PDF. Pwedeng gawin ang mga ito sa maraming program mula sa mga word processing suite hanggang sa mga design app tulad ng Adobe InDesign. I-format ang mga ito tulad kung paano mo ifo-format ang isang teknikal na journal o periodical, sa halip na blog post o iba pang online na asset. Pwedeng makatulong ang pagsunod sa template ng white paper para matiyak na matutugunan mo ang pamantayang ito.

 

Paggawa ng white paper sa Adobe InDesign

Pag-publish at pag-promote ng white paper mo.


Dahil karaniwang mga nada-download na PDF ang mga white paper, huwag mag-alala sa pag-optimize mismo sa white paper para sa mga search engine tulad ng Google. Sa halip, dapat iugnay ang mga white paper sa landing page na na-optimize ng SEO.

 

Pwede ring maging pangunahing pundasyon ng iba pang uri ng content marketing ang mga white paper. Kapag may white paper ka na, i-promote ito gamit ang press release, blog post, mga social media post, podcast, infographics, mga webinars, at anumang iba pang channel na mayroon ka at available sa iyo. Dapat i-promote ang mga white paper ng mas maiikling marketing asset tulad ng mga blog o FAQ. Kung may sinasaliksik ang mambabasa sa isa sa mga blog mo, imbitahan siyang i-download ang white paper mo at magbasa pa. Pupukawin ang atensyon niya ng paunang blog post o tweet, pero kukunin ng white paper ang tiwala niya. Pwede kang gumawa ng marami sa ganitong content marketing gamit ang mga creative design app, tulad noong mga nasa Adobe Creative Cloud para sa mga team.

 

Karaniwang nagtatagal ang mga white paper, kaya akma ang mga ito bilang bahagi ng pangmatagalang marketing strategy. Hangga't nauugnay ang patunay sa white paper, pwede mo itong isama sa mga cycle ng content marketing sa hinaharap at gamitin ito bilang mid-funnel na asset para sa mga darating pang panahon.

Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.

MGA KWENTO NG CUSTOMER


Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.

PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN


I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.

MGA TUTORIAL


Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
 

Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para mag-design ng mga nakakaengganyong white paper.

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.