Alamin kung paano makahimok ng traffic at kumonekta sa audience mo sa pamamagitan ng video marketing.
Bakit kailangan ng video content ng digital marketing strategy mo.
Higit na napupukaw ng mga video ang atensyon ng mga tao kumpara sa iba pang aktibidad sa pag-market ng content, at lalo pang namamayagpag ang mga ito online. Madaling mag-engage sa mga video, kung kaya't magandang paraan ito para ipakita ang brand mo at hikayatin ang audience mong kumilos. Kapag nagdagdag ng video sa website mo, tataas nang husto ang ranking mo sa SEO, at dahil dito, lalaki ang posibilidad na mag-rank ka sa unang page ng mga resulta ng paghahanap sa Google nang 50x.
Aling uri ng video ang angkop para sa negosyo mo?
Bago ka magsimulang mag-shoot, itanong sa sarili mo ang ilang mahalagang tanong tungkol sa mga layunin at resource mo. Tandaang sasalamin sa kumpanya mo ang video na gagawin mo; gugustuhin mong gumawa ng mga desisyon sa production, kasama ang lahat mula sa script hanggang sa lokasyon kung saan kukuha ng video, nang isinasaalang-alang ang pagkakakilanlan ng brand mo at target na audience.
Magtakda ng malinaw na layunin para sa video mo. Papadaliin nito ang pagpili kung aling tool, format ng video, at platform ang pinakamakakabuti sa mga aktibidad mo sa marketing. Magiging malaki ang pagkakaiba ng maikling video na nag-aanunsyo ng sale at dalawang minutong video ng kwento ng brand. Pwedeng magsama ng call to action ang unang nabanggit, at itutuon sa mga conversion rate at click-through rate ang metrics at statistics ng tagumpay, habang pwedeng sukatin ang tagumpay ng huli sa pamamagitan ng engagement rate at pagpapaigting ng brand awareness sa pamamagitan ng mga impression.
Platform ng video marketing content at pagsasaalang-alang sa badyet.
Kung social media ang huling destinasyon mo, gugustuhin mong magplano para sa mga smartphone at mas maliliit na sukat ng screen, at tandaang karaniwang nanonood ang mga mas batang audience ng mga video sa mga social media channel, na angkop sa mas maiikling content. Pwede mo ring isaalang-alang ang badyet sa talent para mag-hire ng influencer. Para sa mas mahabang content, mas magandang opsyon ang pag-embed ng video mula sa YouTube channel o Vimeo mo, dahil pwedeng mag-stream dito sa mataas na resolution nang hindi nagtatagal sa pag-load.
Maganda kung mataas ang production value ng video, pero pwedeng mabilis na lumobo ang mga badyet para sa video marketing content. Kung layunin mong gumawa ng mas maikling social video, pwedeng ang mga in-house na resource ang pinakasulit na paraan. Kung mananatili ang video na ito sa homepage o landing page ng website mo, mas mainam na maglaan ng mas malaking badyet sa pag-outsource ng propesyonal na videographer para matiyak na de-kalidad ang content.
Mga hakbang para gumawa ng video.
Kahit na walang iisang paraan para maging matagumpay ang video marketing campaign, gugustuhin mong sumunod sa ilang hakbang para gabayan ang proseso mo, anuman ang uri ng video na mapapagpasyahan mong gawin.
1. Magplano
Maiiwasan ang maraming maliit na problema at balakid kapag may epektibo kang plano. Tukuyin ang layunin, audience, at platform mo, at kung sino ang lalabas sa video. Kung sa labas kukuhanan ang video mo, maghanda para sa lagay ng panahon at oras.
2. Gumawa ng Script
Kahit na walang salitang bibigkasin, kailangan mo pa rin ng script. Sapat na ang ilang talata para sa karamihan ng maiikling video. Magsulat ng mga cue para sa audio, graphics, at anumang bahaging may magsasalita. Orasan ang dialogue mo at iba pang element ng video sa script at, kung hindi ka sigurado, piliing iklian na lang.
3. Mag-shoot
Kapag dumating na ang araw ng pagkuha ng video, tiyaking dala mo ang tamang gear. Kung mamumuhunan ka sa isang bagay, mamuhunan ka sa audio. Kaya ring kumuha ng matinong video ng mga smartphone, pero nakakadismaya para sa mga manonood ang pangit na audio. Mabuti na lang, pwedeng makakuha ng matinong audio sa di-hamak na mas murang halaga kaysa sa inaakala mo. Magandang all-around na opsyon ang mga shotgun microphone, habang pinakamagandang opsyon naman ang mga lavalier mic para sa pagkuha ng napakalinaw na dialogue. Kung lalabas ka, pag-isipang magdagdag ng windshield para labanan ang anumang lumalagitik na tunog ng hangin.
4. Mag-edit
Ang pag-trim at pag-aayos ng mga clip ang mga pangunahing kinakailangan ng proseso ng pag-edit. Magagawa ito sa karamihan ng editing software sa pamamagitan ng mahusay na pag-drag at pag-drop. Gawing pulido ang footage mo gamit ang mga B-roll cut at transition, at magdagdag ng anumang pamagat, graphics, o animation. Bagama't pwedeng nakakasabik ang mga ito, maghinay-hinay sa paggamit ng special effects at mga natatanging transition, dahil pwedeng makagulo ang mga ito kapag nasobrahan ng gamit.
5. Magdagdag ng mga voice-over o musika
Mahalagang balansehin mo ang musika, dialogue, at sound effects mo para makagawa ng video na kokonekta sa audience mo. Pwede mong gawing salitan ang pag-fade ng bawat element para sa malilinis na transition, o magagawa mong pag-eksperimentuhan ang tatlo at humanap ng lakas ng volume na bagay sa bawat element ng tunog. Tiyaking maglisensya ng anumang musikang ginagamit mo o kaya ay pumili ng royalty-free na track.
Pumili ng uri ng content para sa video marketing strategy mo.
1. Mga kwento ng brand
I-share ang background at ethos ng kumpanya mo para bumuo ng emosyonal na koneksyon sa mga potensyal na customer gamit ang video ng kwento ng brand. Na-highlight ng Ugmonk ang pagiging artesano nila noon at ipinasilip nila ang proseso ng paggawa gamit ang kamangha-manghang kwento ng brand nila.
2. Mga live na video
Patuloy na sumisikat na opsyon ang mga virtual na event at webinar para sa mga social media platform. Sa Facebook at Instagram, pwede kang mag-live sa isang pindot (hindi kailangang i-edit ang video), na bagay na bagay para sa hindi pormal na pakikipag-ugnayan. Ang hindi maganda sa live streaming ay ang mababang kalidad at medyo pabago-bagong environment. Kung pormal na event ito, mamuhunan sa de-kalidad na audio gear at, kung posible, maglagay ng maraming camera na kumukuha mula sa iba't ibang anggulo para wala kang mapalampas.
3. Mga panayam sa eksperto
Bigyan ng natatanging pagkakataon ang audience mo na makipag-ugnayan sa mga sikat na taong hindi nila pangkaraniwang nakakasalamuha gamit ang mga video ng panayam. Nagiging kapani-paniwala ang brand mo dahil sa mga eksperto at nagbibigay ng pakinabang sa mga consumer na pwedeng wala pa sa punto ng pagbili, na nagbibigay-daan sa iyong palawakin pa ang naaabot ng brand mo. Nagbibigay ang panayam na ito sa artist na si Gerald Moore ng sulyap sa kung ano ang pwede mong magawa sa ganitong uri ng video.
4. Mga how-to at explainer video
Dapat maikli, nagbibigay-kaalaman, at simple ang mga video na ito, dahil ang layunin ng mga ito ay siguruhin sa customer na maayos at madali nilang magagamit ang produkto o serbisyo mo. Ipinapakita sa infographic na ito ang mga hakbang para matulungan kang alamin pa ang tungkol sa paggawa ng perpektong explainer video.
5. Mga testimonial ng customer
Magandang halimbawa ang testimonial video na ito ng pagpapanatiling simple at epektibo ng proyekto mo. Pwede mong i-animate ang mga visualization ng data mo o direktang i-overlay ang mga ito sa footage mo gamit ang mga program sa pag-edit tulad ng Adobe Premiere Pro.
6. Mga Animation
Hindi kailangang maging nakakabagot ng mga marketing video, at ang mga animated na video ang ilan sa pinakamagagandang halimbawa nito. Pwede kang magpahayag ng nakakaengganyong kwento sa hindi pangkaraniwan paraan sa pamamagitan ng pag-animate dito. Magandang halimbawa ang video ng produkto ng Samsung para sa QLED TV nila sa kung gaano kamangha-mangha sa paningin ang animation sa video advertising. Mag-explore ng maraming animation app para makita kung pinakanaaangkop sa proyekto mo ang paraang ito. At, kung gusto mong magpahayag gamit ang mga bilang, magandang paraan ang animated na infographics para maghatid ng mahahalagang bilang habang pinapanatiling nakatuon ang audience.
Pag-optimize ng mga video mo para sa pinakamataas na ROI.
I-optimize ang video mo para sa mga search engine, i-export ito, at handa ka nang i-share ito sa gusto mong platform. Huwag mag-atubiling subukan ang video content marketing dahil lang kulang ka sa propesyonal na gear o pagsasanay. Katumbas o mas matimbang pa sa mga mamahaling camera at production value ang magandang video strategy. Ang Adobe Creative Cloud, may maraming app na tutulong sa iyo, ay magandang opsyon para sa mga team na nagpaplanong gumawa ng mga marketing video. Ipahayag ang kwento mo, panatilihin itong simple, at panooring lumago ang metrics mo.
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na makakatulong sa iyong gumawa ng mga nakakaengganyong video marketing.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.