Alamin kung paano magagawa ng mga may-ari ng maliit na negosyo na mag-design at mag-optimize ng mga epektibo at magandang website.
Bakit kailangan ng negosyo mo ng website.
Anuman ang ginagawa mo, mula sa pagmamay-ari ng tindahan sa Main Street hanggang sa pagbibigay ng personal na hairstyling o mga serbisyo sa digital marketing, kailangan ng maliit na negosyo mo ng website. Sinusuri ng mga customer ngayon ang lahat ng opsyon nila sa pagbili sa mga search engine tulad ng Google. Sinisimulan ng nasa 87% ng mga consumer ang proseso nila online. Hindi lang e-commerce iyon. Kasama rin dito ang mga customer na gustong bumili sa mga aktwal na lokasyon pero gumagamit ng mga online na tool para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga bibilhin nila sa aktwal na tindahan. Kung hindi nila makikita ang negosyo mo sa paghahanap nila, pwedeng hindi ka na talaga mahanap.
May dalawang pangunahing kategorya ng mga website ng negosyo. Ipinapaalam ng mga presentational na site sa mga audience mo kung sino ka at binibigyang-daan ka ng mga platform ng e-commerce na magnegosyo sa web.
Mga presentational na website ng maliit na negosyo.
Ipinapakita ng presentational na website sa mundo kung ano ang negosyo mo at kung ano ang ginagawa mo. Mula sa nakakaengganyong home page hanggang sa madaling gamiting function sa paghahanap, dapat ipaalam ng site mo sa mga customer mo ang produkto o mga serbisyong ibinibigay mo, dapat itong magbigay ng kaunting background tungkol sa kumpanya mo, at dapat itong maglaman ng pangunahing impormasyon tulad ng FAQ at mga paraan kung paano makipag-ugnayan sa pamamagitan ng page sa pakikipag-ugnayan. Kung naaangkop, magsama ng seksyon sa suporta sa customer na tutulong sa mga user mong lumutas ng mga problema o humanap ng taong makakatulong sa kanilang gawin iyon.
Pwedeng maging mahalagang tool ang form mo sa pakikipag-ugnayan para mangolekta ng impormasyon ng customer at magpa-sign up ng mga tao para sa listahan ng email. Kapag nakipag-ugnayan ang mga customer sa iyo, tiyaking kunin ang impormasyon nila at i-integrate ito sa pangkalahatang marketing strategy mo.
Kahit na walang element ng e-commerce ang website mo, dapat ay pangunahing layunin pa rin ang pangasiwaan ang negosyo sa sarili mong paraan. Kailangan ng mga customer ng isang bagay na maghihimok sa kanilang kumilos. Linawin ang offer mo gamit ang call-to-action. Magsama ng mga testimonial o review mula sa mga nasiyahang customer. Dapat nakatuon ang lahat sa isang simpleng layunin: mas padaliin para sa mga customer mo na gamitin ang negosyo mo. Kapag madaling gamitin, madali rin ang conversion.
Mga opsyon sa e-commerce para sa mga website ng negosyo.
Mayroon ang mga site ng e-commerce ng lahat ng mayroon ang mga presentational na site, pero may dagdag itong online store na nagbibigay-daan sa iyong ibenta ang produkto mo sa site mo. Malaki ang maitutulong ng pagbuo at pag-manage ng e-commerce store sa maliit na negosyo. Sa iba't ibang lugar nakatira ang mga tapat na customer, at pwedeng palaguin ng online store ang negosyo mo sa labas ng isang lungsod.
Naaapektuhan din ng mga e-commerce store ang mga customer sa aktwal na tindahan. Hindi lang tool ang site mo para abutin ang malalayong customer: Dapat din itong mapakinabangan ng customer na nasa harap mo mismo. Hinahanap ng mga customer ang mga e-commerce store habang nasa aktwal na lokasyon para maghanap ng mga promotion, tingnan ang inventory, o mag-iwan ng mga review.
Design at user experience.
Pwedeng maging isa sa pinakamahirap na bahagi ng paggawa ng website ang pag-design. Pero hindi mo kailangang maging propesyonal na web designer o malaman kung paano mag-code para gumawa ng site. Ang mga application tulad ng Adobe Express ay ginawa para sa mga taong walang background sa pag-design o pag-code na kailangang gumawa ng functional na website nang mabilis at madali gamit ang mga element na dina-drag at dina-drop. Ang isa pang potensyal na opsyon ay ang app tulad ng Adobe XD, na nagbibigay-daan sa iyong mag-design sa mga app tulad ng Adobe Photoshop at gamitin ang mga element na iyon para gumawa ng mga user interface (UIs), e-commerce store, at iba pang online na customer experience.
Gagamitin ang pagkakakilanlan ng brand mo para tukuyin kung paano mo ide-design ang website mo, pero ang kakayahang magamit ng customer ang dapat na gumabay sa pangkalahatang pilosopiya mo sa pag-design. Dahil mas maraming tao na ngayon ang naghahanap sa web sa mobile, magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang pag-design ng UI na binibigyang-priyoridad ang mobile. Kapag nag-isip ka ng isang taong gumagamit ng website mo, isiping ginagamit niya ang telepono niya at tinitingnan niya ang mga top-level page mo sa unang pagkakataon. Gawing madaling maunawaan at madaling gamitin ang mga bagay para sa user na iyon.
Naka-integrate na e-commerce
Ang Bloombox ay Ukrainian na gift store na nakatuon sa mga floral na produkto. Hindi lang branded na front ang site nila na nagli-link sa pangkaraniwang site ng e-commerce. Naka-integrate ang mga element nila ng e-commerce sa site sa pangkalahatan, na magtitiyak na magkakaroon ang customer maayos na naka-design at branded na experience habang nasa site siya.
Branding na nagbibigay-kaalaman
Nagbibigay-kaalaman ang Check the Label sa mga consumer tungkol sa sustainability at mga lifestyle product. Nagpe-present ng impormasyon ang site nila sa epektibo at naaayon sa brand na paraang nang-eengganyo sa user at naghihikayat sa kanilang tumingin pa sa site para magbasa ng mga artikulo at mag-explore ng content. Nililinaw ng site ng Check the Label kung ano ang maibibigay nila at kung bakit ito mahalaga, at hinihimok nito ang user na magbasa pa tungkol dito.
Pag-register ng domain name.
Ang domain name mo, tulad ng pangalan ng negosyo mo, ay dapat hindi malilimutan at sinasalamin ang pagkakakilanlan ng brand mo. Mahalagang madaling gamitin ang domain name. Kung posible, gamitin ang pangalan ng negosyo mo bilang domain name para kailangan lang tandaan ng mga customer mo kung ano ang pangalan ng negosyo mo, hindi kung sino ka at kung ano ang website mo. Iwasang gumamit ng mga integer, dahil posibleng malito ang mga customer kung ang ibig sabihin ng “walo” ay ang numeral na 8 o ang salitang walo kapag binigkas, at iwasan ang mga hyphen at dash. Hindi nakakakaapekto ang mga dash sa mga domain name sa ranking mo sa search engine, pero mas mahihirapan ang mga totoong taong tandaan ang URL mo dahil dito.
Kilala ang mga titik sa dulo ng domain name (tulad ng .com, .net, at .edu) bilang TLD, o top level domain. Sinasabi ng mga ito sa mga user mo kung anong klaseng negosyo ang mayroon ka o kung nasaan ka sa mundo. Gumagamit ang karamihan sa mga commercial na website sa U.S. ng .com, pero available din ang iba pang TLD tulad ng .net o .biz. Kung nasa U.S. ka, may kasunod dapat na .com ang domain name mo, dahil iyon ang ipagpapalagay na default ng maraming potensyal na customer. Mga .com na site ang karamihan sa mga domain name sa U.S., kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo para umayon sa mga inaasahan ng customer.
Pwede ring bumili ng ilang domain name at i-reroute ang mga ito sa website mo. Kung may mga domain name na katulad ng sa iyo na walang gumagamit, pwede mong bilhin ang mga ito at i-redirect sa site mo ang mga user na magta-type ng isa sa mga ito.
Gawing nahahanap ang website mo gamit ang SEO.
Gawing readable ng Google at iba pang search engine ang site mo para tiyaking mahahanap ito ng mga customer. Ang search engine optimization (SEO) ang proseso ng pagsasama ng ilang partikular na keyword sa website mo o sa content mo na nakakakuha ng atensyon ng search engine.
Kilala ang SEO copy na parang robot ang tunog, pero pwede kang gumamit ng mga keyword sa kapani-paniwala at natural na paraan sa mga headline, sa unang talata ng mga artikulo, o sa link text para maglagay ng mga naka-optimize na salita sa site mo — ang lahat ng ito ay maganda at pinakamahusay na pamamaraan para sa SEO. Dapat may mga caption at alt text ang mga image at video para mapaganda rin ang mga resulta ng site mo para sa mga paghahanap ng image. Pwede mong gawing kapansin-pansin ang mga de-kalidad na image at video gamit ang mga app tulad ng Adobe Photoshop at Premiere Rush, na available sa pamamagitan ng Adobe Creative Cloud All Apps plan.
Ang isa sa mga pinakamagandang paraan para gumawa ng epektibong SEO ay magbigay ng content na talagang nagbibigay-kaalaman na pagkakatiwalaan ng mga customer mo. Alamin kung ano ang mga posibleng pangkaraniwang tanong ng mga customer mo, at sagutin ang mga ito sa abot ng makakaya mo.
Pwedeng pagandahin ng mga element ng content tulad ng blogging ang SEO. Kung naghahanap ng isang partikular na bagay ang mga potensyal na customer mo, magsulat ng blog tungkol sa paksang iyon. Maging consistent kung magpapasya kang mag-blog. Gumawa ng content strategy tungkol sa kung kailan at kung ano ang ipo-post. Binibigyang-priyoridad ng mga search engine ang bagong content kaysa sa lumang content, kaya hindi kailanman naging “set it and forget it” na solusyon ang blogging. Ipagpatuloy ito. Mahalaga ang content management system para sa sinumang blogger, at kadalasang may kasamang mga plug-in ang mga platform ng web hosting tulad ng WordPress para matulungan kang maglagay ng mga SEO keyword sa gawa mo.
Pagpapaigting ng presensya mo online.
Isang bahagi lang ng mas malaking online na marketing strategy ang pagkakaroon ng sarili mong website. Bahagi rin dapat ng pakikipag-ugnayan sa mga customer online ang social media, mahusay na email marketing strategy, at paggawang available ng mga produkto mo sa iba pang platform ng e-commerce. Pinapalakas, kinokonekta, at tinatahi ng website ang presensya mo sa lahat ng online space na iyon.
Iba pang paksang posibleng kainteresan mo…
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na makakatulong sa iyong gumawa ng mga propesyonal na website ng negosyo.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.