Mamukod-tangi sa pamamagitan ng stylish na design ng presentation.

Gumawa ng slide deck na nagpapakita ng mga ideya mo, nagpapanatili ng atensyon ng audience mo, at nagpapasaya rin sa kanila.

Collage ng iba't ibang slide ng presentation

Tandaan mong nagkukwento ka.


Nagpe-present ka man ng pitch deck, namumuno sa webinar, o nagshe-share lang ng mga ideya mo sa team mo, tandaang natural na may sinusundang salaysay ang mga tao kapag nag-iisip. Sa katunayan, natuklasan ng mga neuroscientist na pwedeng i-activate ng pakikinig sa kwento ang lahat ng bahagi ng utak at humantong din sa mga pagbabago sa gawi. Bilang presenter, pwede mong samantalahin ang kakaibang katangiang ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng pag-share ng kwentong may simula, gitna, at dulo, humahatak ang presenter ng mga miyembro ng audience at pumupukaw ng damdamin nila. Mas magiging epektibo ang pagpapakita ng bilang ng mga benta sa mga potensyal na mamumuhunan kapag bahagi ito ng isang presentation na nagtatahi ng nakakaengganyong salaysay. Pwede kang matulungan ng paggawa ng slideshow na nagha-highlight ng mahalagang data na ihatid ang pinakamahahalagang punto ng mahabang ulat sa mga empleyado mo. Anuman ang impormasyon, bago ka magsimulang mag-isip tungkol sa mga partikular na slide ng presentation, tanungin mo ang sarili mo kung anong kwento ang gusto mong ibahagi. Sino ang audience mo at paano mo sila gustong tumugon?
 

 

Isang propesyonal na presentation sa tatlong act.


I-present ang kwento mo bilang classic na three-act play kung saan ang audience mo ang bayani. Ano ang gusto nila? Anong mga pagsubok ang dapat nilang malampasan para maabot ang layunin nila? Magsimula sa unang pagsubok, at magpasabik nang kaunti bago mo ibigay ang solusyon. Pwede kang magbahagi ng mas maikling kwento tungkol sa pagharap sa pagsubok na iyon, at bigyan ito ng lugar sa mas malaking salaysay. At pagkatapos ay lumipat sa susunod na pagsubok at ganoon din ang gawin.

 

Sa pangalawang act, i-present ang solusyon mo sa problema. Ano ito at paano nito nasosolusyunan ang problema? Paano nito matagumpay na matutulungan ang mga bayani mong abutin ang layunin nila?

 

Sa huling act, matatapos ang salaysay mo na makukuha ng audience ang kailangan nito: resolusyon. Malulutas ang problema nila sa tulong ng solusyon o produkto mo, at pwedeng may iba pa — tulad ng problemang hindi man lang nila inaasahan — na nalutas din. Kapag napunan mo na ang mga detalye ng pangunahing istrukturang ito, handa ka nang magsimulang gumawa ng mga slide.

Collage ng iba't ibang slide ng presentation

Gamitin ang mga prinsipyo sa pag-design.

 

Mahalaga para sa bawat deck ang design ng slide, anuman ang presentation software na ginagamit mo. Titiyakin ng paggamit ng mga element ng biswal na pagkukwento sa buong presentation mo na mananatiling nakatutok maging ang mga miyembro ng audience na nanonood sa mga laptop. Sundin lang ang mga simpleng panuntunang ito:

 

Sumunod sa isang biswal na tema.
Makakatulong ang consistent na hitsura — na may consistent na typography at karaniwang color scheme — para manatiling nakatuon ang audience mo sa content ng mga slide mo.

 

Panatilihin itong simple.
Iwasang punuin ang deck mo ng walang katapusang chart, table, o bullet point na napakaliit para mabasa ng lahat. Maglaan ng malawak na white space sa bawat slide, para mangibabaw ang mahalagang impormasyon.

 

Hanapin ang mga tamang tool para sa bawat gawain.
Mainam na gumamit ng mga pie chart para magpakita ng mga porsyento. Mas naipapakita ng mga vertical bar chart ang mga pagbabago sa paglipas ng panahon kaysa sa mga horizontal bar chart, na pinakamainam gamitin para maghambing ng mga bilang. Para biswal na magpakita ng mga trend, ang line chart ang pinakamainam mong gamitin. Subukang gumamit ng infographic para tulungan ang audience mong i-visualize ang data mo o magbahagi ng mas maikling kwento sa loob ng mas malaking salaysay mo.

 

Maglagay ng video o audio.
Mas umuupo nang tuwid at tumutuon ang mga tao kapag sinisingitan mo ang mga karaniwang slide mo ng video at audio. Gumamit ng motion at tunog para makatulong na ituon ang atensyon ng audience mo sa mga pangunahing aral.
 

 

Pagandahin ang mga element ng design mo gamit ang Adobe InDesign.

 

Para gumawa ng makabuluhan at nakakaaliw na presentation nang hindi nagsisimula sa umpisa, pumili ng isa sa maraming template ng presentation sa Adobe Stock at buksan ito sa InDesign. At pagkatapos ay i-import ang logo ng brand mo at iba pang marketing asset para sa consistent na hitsura.

 

Kapag nakuha mo na ang gusto mong biswal na tema at color palette, subukang maglagay ng mga hindi inaasahang element tulad ng mga de-kalidad na larawan, illustration, o maging clip ng pelikula sa Adobe Stock para matulungang mangibabaw talaga ang gawa mo. At, sa InDesign, binibigyang-daan ka ng simple at dalawang hakbang na command na mag-export at mag-preview, kaya makikita mo kaagad ang bawat isang slide sa pananaw ng audience mo.

 

Para magsimula ng presentation mula sa umpisa, sundin ang mga hakbang na ito:

Hanapin ang tamang sukat ng page

1.  Hanapin ang tamang sukat ng page.

I-click ang File sa main menu ng InDesign, at pagkatapos ay Bagong Dokumento. May bubukas na dialog box. Kung hindi ka sigurado kung anong mga dimension ang gagamitin, gawing 12 pulgada ang lapad ng page at 9 na pulgada ang taas ng page. I-click ang Gumawa at may blangkong page na lalabas.

Piliin ang background mo.

2.  Piliin ang background mo.

Tandaan na panatilihin itong simple, pero maghanap ng kapansin-pansing backgound image na bagay sa text overlay. Pwede ring maging bahagi ng background ang pamagat ng deck.

Gumawa ng mga paragraph style.

3.  Gumawa ng mga paragraph style.

Dapat mo ring panatilihing simple ang text mo. Pumili ng hindi hihigit sa tatlong text style para mapanatili mong consistent ang font ng pamagat, font ng body, at font ng footnote sa buong presentation. Binibigyang-daan ka rin ng paggawa ng mga paragraph style na magbago ng font at sukat sa isang click ng button, at makakatipid ka ng oras sa katagalan.

 Mag-set up ng mga master page

4.  Mag-set up ng mga master page.

Sini-streamline ng mga master page ang workflow ng pag-design ng slide mo at tinitiyak na propesyonal tingnan at maayos na na-design ang presentation mo. Pwede kang gumawa ng isang slide na may tatlong column, may malaking background image bilang transitional na slide ang isa, nagha-highlight ng quote ng customer ang isa — at marami pa. Magdagdag ng mga image at text frame sa mga master page para pwede mong ipasok ang content mo kalaunan nang hindi inaalala ang layout.

Magdagdag ng mga image at text

5.  Magdagdag ng mga image at text.

Kapag nagawa mo na ang mga master page, madali nang mag-drag at mag-drop ng mga Photoshop (.PSD) file, PDF, Illustrator (.AI) file, JPEG, PNG, o GIF sa mga image frame. Para magdagdag ng text, mag-copy at mag-paste lang ng mga text file o piliin ang Type Tool mula sa toolbar at direktang mag-type sa text frame.

Magdagdag ng mga bilang ng page.

6.  Magdagdag ng mga bilang ng page.

Tutulungan ka at ang audience mo ng mga bilang ng page na subaybayan ang anumang magkakasunod na page na dokumento. Para maglagay ng mga bilang ng page, piliin ang Type mula sa main menu, at pagkatapos ay Maglagay ng Special Character, at pagkatapos ay Mga Marker, at panghuli ay Kasalukuyang Bilang ng Page. Awtomatikong lalagyan ng InDesign ng bilang ang mga slide.

Magdagdag ng mga panapos na detalye

7.  Magdagdag ng mga panapos na detalye.

Mula sa mga clip ng pelikula at tunog hanggang sa mga hyperlink, cross reference, at transition ng page, marami kang interactive na opsyon para gawing mas nakakahimok ang kwento mo hangga't posible.

I-export ang slide deck mo

8.  I-export ang slide deck mo.

Kapag natapos mo na ang paggawa ng deck mo, ang huling hakbang ay i-export ito sa format na pwedeng i-project o i-distribute. Binibigyang-daan ka ng pag-export bilang Adobe PDF (Interactive) na mag-play o mag-click sa interactive content nang direkta sa presentation.
 

Para mag-export, i-click lang ang File sa main menu, at pagkatapos ay I-export. Mula sa dropdown menu ng Format, piliin ang Adobe PDF (Interactive), at pagkatapos ay i-click ang I-save.

Sa pamamagitan ng paggamit ng InDesign at Adobe Stock bilang bahagi ng membership sa Creative Cloud para sa mga team, pwede mong makuha ang eksaktong hitsurang gusto mo sa presentation mo, at makakagawa ka ng slide deck na nagbibigay-kaalaman, nagpapasaya, at nagbibigay-linaw din.

Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.

MGA KWENTO NG CUSTOMER


Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.

PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN


I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.

MGA TUTORIAL


Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
 

Tumuklas ng mga app na makakatulong sa iyong mag-design ng mga nakakaengganyong presentation.

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.