Alamin kung paano maging kapansin-pansin sa mga punong inbox gamit ang mga mabisa at epektibong newsletter sa email na nakakakonekta sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatotohanang benepisyo sa mga customer mo..
Nagtatagumpay ang digital na newsletter sa tulong ng koneksyon.
Posibleng makaluma ang pangalan ng mga ito, pero ang mga newsletter ang isa sa pinakamahuhusay na paraan para direktang kumonekta sa audience mo at madalas na banggitin bilang digital marketing communication na may pinakamataas na return on investment. Mahalagang bahagi ng mga marketing strategy ang mga digital newsletter, at matutulungan ka ng pag-design ng malikhain at kapaki-pakinabang na newsletter na hikayatin ang mga customer mo na maging tapat sa brand.
“[Ang email] pa rin ang pinakamagandang paraan para kumonekta sa komunidad. Hindi lang sa social media nangyayari ang pakikipag-ugnayan, at para sa maraming tao, ito ang naghahatid ng karamihan ng kita,” sabi ng creator at dating web designer ng The Sunday Dispatches na si Paul Jarvis.
Nakakatuwang tingnan ang magagarbong ideya sa design, pero palagi pa ring gawing priyoridad ang function sa checklist ng design mo. Mas magandang gumamit ng white space kung saan mas mangingibabaw ang content mo kaysa sa nakakagulong background image. “Ang ilan sa mga pinakamatagumpay kong mensahe ay iyong mga plain-text na email blast na mukhang nagmula mismo sa akin dahil talagang nagmula ang mga ito sa akin. Mas personal ang dating ng mga ito,” ani Owen Williams, na may mahigit 30,000 mambabasa sa lingguhan niyang newsletter at podcast na Charged.
Ang pinakamagagandang newsletter ay binabasa, shine-share, at binabanggit nang paulit-ulit. Ipinapakita ng ilan ang mga bagong image ng produkto habang ipinaparating ng iba ang mga boses, pinapahalagahan, at ideya ng mga founder nila. Pero may iisang tema ang pinakamagagandang newsletter: Walang naghahanap ng button na mag-unsubscribe habang tutok na tutok sila sa kapaki-pakinabang na content. Paano mamumukod-tangi at pag-uusapan ang mga email mo sa mga audience mo sa panahon ng mga punong-punong inbox? Ang nakakaengganyong content at functional na design ng email ang mga bentahe ng mga epektibong newsletter — at tutulungan ka ng mga tip na itong sulitin ang mga iyon.
Tukuyin ang target na audience mo at consistent na maghatid.
Hindi mo mapapasaya ang lahat ng tao sa lahat ng oras. Gawing partikular ang mensahe mo sa natatanging audience na gusto mong abutin. Dahil mas marami nang content na umuubos ng limitadong panahon ng bawat potensyal na customer, at nasa 8 segundo ang modernong attention span, kailangan mong magsabi ng makabuluhang bagay — at sabihin ito nang mabilis. Maghatid ng kapaki-pakinabang at naaangkop na impormasyon at magtutuon ng pansin ang mga mambabasa.
Umiikot ang strategy ng founder ng Swipe File na si Jimmy sa pagbibigay ng mga ideya, artikulo, at iba pang content na tumutulong sa audience niyang masulit ang gawa nila. Tumatagos ito dahil pinapahalagahan niya ang audience niya. “Nakakatanggap ako ng mga email mula sa mga taong nagsasabi na natuwa sila sa link o tool na na-share ko.”
Pero kahit na may magandang content, ang pagiging stable ang tumutulong sa magagandang newsletter na makahatak ng maraming tagasunod. Muntik nang sumuko si Daly noong bumagsak ang dami ng mga mambabasa niya, pero nagpatuloy siya at nakaabot ang mensahe niya sa mas malawak na audience kalaunan noong itinampok ang Swipe File sa isang pangunahing publication. Kapag pinanatiling consistent ang newsletter mo, pwedeng magbago ang tingin dito at maging pangunahing kinakailangan na may matataas na open rate mula sa isang kapaki-pakinabang at minsanang babasahin.
I-design ang newsletter mo sa style na mas magpapaganda rito.
Kung gaano kahalaga sa newsletter mo ang nauugnay na content, ganoon din ang naaangkop na design. Kapag gumawa ng hindi malilimutang hitsura, matutulungan ang mga mambabasa na iugnay ang branding mo sa kapaki-pakinabang na content.
“Ipinapakita ang impormasyon sa madaling basahin at black-and-white na text na may mga accent picture sa mga pangunahing kwento,” paliwanag ng cofounder ng The Hustle na si John Havel. “Kahit na hindi ka nagbabasa ng dyaryo araw-araw, binibigyan ka namin ng sapat na impormasyon para madagdagan ang kaalaman mo.”
“Palaging pinakamaganda kung simple lang,” sang-ayon ni Jarvis pagdating sa mga element ng design. “Kailangang 100 porsyentong tumpak ang newsletter ko pagdating sa brand — color palette, mga font, at dating. Sinasabi ng mga tao sa aking maganda ito dahil napakadaling basahin. Litaw na litaw ang nakasulat dahil sa design.”
Bahagi ng proseso ang pagsubok sa design ng newsletter sa email mo, ani Jarvis. “Subukin muna. Huwag manghula. Ipapaalam sa iyo ng mga subscriber mo kung ano ang epektibo. Ilang taon ang ginugol namin sa pagsubok ng iba't ibang istilo, at palaging pinipili ang pinakamadaling basahin o i-click.” Tiyaking gumagana sa lahat ng mobile device ang anumang element ng design na ginagamit mo — nasa 55 porsyento ng pagbubukas ng email ang nangyayari ngayon sa mobile.
Nakakatuwang tingnan ang magagarbong ideya sa design, pero palagi pa ring gawing priyoridad ang function sa checklist ng design mo. Mas magandang gumamit ng white space kung saan mas mangingibabaw ang content mo kaysa sa nakakagulong background image. “Ang ilan sa mga pinakamatagumpay kong mensahe ay iyong mga plain-text na email blast na mukhang nagmula mismo sa akin dahil talagang nagmula ang mga ito sa akin. Mas personal ang dating ng mga ito,” ani Owen Williams, na may mahigit 30,000 mambabasa sa lingguhan niyang newsletter at podcast na Charged.
Kailangan ng inspirasyon sa design? Tingnan ang mga halimbawa ng newsletter sa email sa Behance. Magandang lugar ito para maghanap ng mga nakakaengganyong layout ng newsletter mula sa mga kamangha-manghang email campaign.
Tutulungan ka ng platform na nagbibigay-daan sa iyong mag-manage ng mga asset ng newsletter, tulad ng Adobe Creative Cloud para sa mga team, na gawing consistent at epektibo ang design ng newsletter mo kapag hindi lang isang tao ang kasama sa paggawa ng mga newsletter.
Sumulat ng content na tumatagos, at iklian ito.
Naghahatid ang mga epektibong newsletter ng content sa mga bahaging mas madaling maintindihan. Abala ang bawat mambabasa, kaya huwag sayangin ang oras nila. Hindi paligoy-ligoy ang pinakamagagandang newsletter sa email. Mas papahalagahan ng mga mambabasa ang newsletter mo kapag pinahalagahan mo ang oras ng mambabasa mo. Pwedeng pataasin ng pagdaragdag ng tinatayang tagal ng pagbabasa tulad ng “dalawang minutong babasahin” o “limang minutong babasahin” ang mga click-through rate at nagdaragdag ito ng kapaki-pakinabang na accessibility sa newsletter mo. Mas makakatulong sa iyo ang pagsusulat sa magaan at madaling basahing tono. May maiikling talata, maiiksing pangungusap, at mga karaniwang ginagamit na salita ang mga epektibong newsletter — hindi kailangan ng diksyunaryo.
“Hindi ang tinatalakay namin sa email namin ang gusto ng mga tao, kundi kung paano namin ito tinatalakay,” ani Havel. “Ang mga opinyon at tipo mo ang pinakanagpapaiba sa newsletter mo sa gawa ng iba. Kung kamangha-mangha ang isang bagay, masabik ka rito. Kung nakakadismaya ang isang bagay, batikusin ito. Huwag matakot na ilabas ang kulit mo. Gawin itong parang pag-uusap ng magkakaibigan.”
Mahalaga ang koneksyong iyon. Malaking bagay din ang personalidad sa pagsusulat mo. Huwag kalimutang bigyan ng tatatak na tono ang mga subject line at call-to-action button mo. Bahagi ng experience ang bawat piraso ng copy, at makakakuha ka ng mas maraming pagbubukas at mga click-through ng landing page sa pamamagitan ng pagpapanatili ng iisang boses sa lahat ng element na iyon.
Hayaang i-share ng audience mo ang gawa mo.
Kapag nagsikap ka nang pagandahin ang design ng newsletter mo, hayaan itong kumilos para sa iyo. Kinakailangan ang pagdaragdag ng malilinaw na button sa pag-share, pero kung maghahatid ka ng content na gusto at kailangan ng mga tao, sila na ang magshe-share nito para sa iyo.
“Gusto naming i-share ng mga tao ang mga email namin at ikwento ang mga ito sa mga kaibigan nila,” ani Havel. “Nangangahulugan ito ng paghahanap ng perpektong balanse ng malalimang pagsusuri at mababaw na usapan. Sumusubok kami ng mga hindi halatang pahiwatig kumpara sa mga diretsahang button na ‘i-share ako ngayon.’”
Bigyan ang team mo ng pinakamahuhusay na creative tool.
Kapag naka-set na ang creative direction mo, oras na para hayaang kumilos ang team mo. Sa Adobe Creative Cloud para sa mga team, magkakaroon sila ng access sa lahat ng tool na kailangan para madaling makagawa ng mga maganda at epektibong newsletter. At gamit ang access sa mga video at tutorial na nagbibigay ng kaalaman, pati sa mga template ng newsletter na idinisenyo ng propesyonal at pwedeng i-customize at i-publish online sa isang click, makakagawa sila nang mas maayos at mas mabilis, at makakatipid ka ng oras, pagod, at pera. Pahusayin pa ang kahusayan ng workflow na iyan gamit ang Mga Library sa Creative Cloud at panatilihing consistent at madaling ma-access ng buong team mo ang mga asset ng brand at template ng email.
Mula sa pag-curate at paggawa ng content mo hanggang sa maayos na pag-share at pag-collaborate sa gawa mo, ang Adobe Creative Cloud para sa mga team ang perpektong platform para maghatid ng digital newsletter na magpapasaya sa mga mambabasa at makakakuha ng katapatan sa brand ng audience mo.
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para gumawa ng mga newsletter.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.