Magplano ng marketing strategy gamit ang pinakamahuhusay na pamamaraan na ito sa mga target na market at taktika sa marketing.
Ano ang marketing plan at paano gumawa ng ganito?
Ang marketing plan ay isang dokumentong ginagamit para ayusin ang mga layunin sa marketing ng negosyo mo at buuin ang diskarte mo para matugunan ang mga ito. Isa itong roadmap kung paano maglunsad ng maliit na negosyo o bagong produkto o serbisyo. Nagsisimula ito sa mission statement mo at humahantong ito sa kung sino ang mga target na customer mo at kung paano mo balak na maabot sila. Ang plan mo ay dapat may market research at customer base mo, kung anong mga marketing material at paraan ang balak mong gamitin, at kung paano mo balak na sukatin ang tagumpay mo.
Posibleng nakakatuksong laktawan ang yugto ng pagpaplano at magsimula na mismo sa mga ad hoc marketing campaign, pero magbubunga ang paglalaan ng oras para gumawa ng marketing o business plan. Mapapanatili nitong nakatuon ang mga aktibidad mo sa marketing sa mga pangmatagalang layunin. Ang mga marketer na nagtatakda ng mga layunin at nagdodokumento ng diskarte nila ay mahigit 3 beses na malamang na magtagumpay sa mga gawain nila, kung saan halos 4 na beses na malamang na magtagumpay ang pinakamaayos sa kanila.
Pinakamahuhusay na pamamaraan sa marketing plan.
Nagpapakita ang pinakamahuhusay na marketing plan ng malalim na pag-unawa sa negosyo at sa audience. Maging detalyado; isama ang lahat ng mahalagang detalye tungkol sa kumpanya mo, at imapa ang logistics kung paano mo matutugunan ang mga layunin ng negosyo mo. Nasa ibaba ang mga pangunahing bahaging dapat isama sa isang malakas na marketing plan:
Mga detalye at pagkakaiba-iba.
Magsimula sa pangunahing impormasyon tungkol sa negosyo mo: pangalan, lokasyon, ang ibinibigay mo, at mga pangunahing pagkakaiba-iba. Pagkatapos, isulat ang mga layunin ng negosyo mo, ang mission statement mo, at ang natatanging proposisyon mo sa pagbebenta. Ang natatanging proposisyon sa pagbebenta ang pangunahing impormasyon na nagtatakda ng kaibahan ng offer mo sa mga offer ng mga kakumpitensya. Halimbawa, posibleng may iba pang negosyo sa lugar mo na nagtitinda ng mga organic cotton t-shirt, pero baka ang negosyo mo lang ang nagdo-donate sa kawanggawa sa bawat pagbili.
Posisyon sa market.
Tukuyin ang industriya kung saan ka magnenegosyo at magsama ng detalyadong pananaliksik sa status ng industriya. Baka pumatok sa niche market o nakatakdang magtagumpay ang negosyo mo sa mas malaking market dahil sa tumataas na demand. Gumawa ng mga makatotohanang layunin kung paano ka maiiba at kung gaano karaming share sa market ang aabutin. Makakatulong dito ang pagsusuri sa kakumpitensya — ilarawan ng kakumpitensya mo para makatulong na linawin ang mga paraan para mamukod-tangi.
Mga kalakasan at kahinaan.
Ipinapakita ng pagsusuri sa sitwasyon na nauunawaan mo ang mga kalakasan at ang mga bagay na dapat pahusayin ng kumpanya mo. Ang isang paraan para rito ay SWOT analysis, na isang grid na may apat na quadrant na nakalaan para sa mga kalakasan, kahinaan, oportunidad, at banta. Gamitin ang pagsusuri mo para matulungan ang team mo na mag-brainstorm ng mga paraan pata matugunan ang mga natatanging layunin mo.
Pagsususri sa target na audience.
Ilarawan nang eksakto kung sino ang mga potensyal na customer mo at kung ano ang posibleng mga pangangailangan nila. Pwedeng magbigay ang mga kumpanya ng market research ng mga istatistika batay sa space kung saan ka nagnenegosyo, kahit na umabot pa sa paglalarawan ng mga buyer persona na magagamit para makatulong na hulaan ang mga gawi. Mahuhubog nito ang content strategy mo, na nagpapaalam ng mga plan para makuha ang atensyon ng audience mo sa iba't ibang marketing channel sa pamamagitan ng boses, imagery, pagkukwento, at marami pa.
Mga layunin at sukat sa marketing.
Ilista ang mga layunin mo sa marketing. Maging partikular tungkol sa kung anong mga uri ng negosyo ang gusto mong makamit at kung paano mo balak na makuha ang bahagi mo ng share sa market. Susunod, itakda ang mga alituntunin sa pagsubaybay sa data at mga key performance indicator (mga KPI), o kung ano ang gagamitin mo para sukatin ang tagumpay mo. Ang sukat mo ay pwedeng bilang ng mga produktong naibenta, bilang ng mga subscription na naibenta, bilang ng mga pag-download, o kahit anong sukatang kalakip sa mga partikular na layunin mo.
Mga marketing channel at strategy.
Ibalangkas ang bawat aktibidad sa marketing na balak mong isagawa at kung paano sinusuportahan ng mga ito ang content marketing strategy mo, o kung paano mo balak na i-frame ang mga pakikipag-ugnayan para sa audience mo. Maging detalyado tungkol sa kung anong mga marketing channel ang gagamitin mo at bakit. Pwedeng kasama rito ang mga aktwal na marketing material, tulad ng mga naka-print na ad at flyer, at mga aktibidad sa digital marketing, tulad ng marketing sa social media and pag-optimize sa search engine (search engine optimization o SEO). Ngayon, ang newsletter sa email at social media strategy ay mga karaniwang bahagi ng mga pangunahing marketing strategy. Depende sa market mo, pwede mo ring sulitin ang mga pino-promote na social post, digital ad, podcast ad, naka-target na video ad, at marami pa.
Logistics at mga financial.
Magdagdag ng logistics at mga financial para gumawa ng kumpletong business plan na magagamit para makumbinsi ang mga potensyal na investor na magbibigay ka ng magandang return on investment (ROI). Isama ang badyet mo sa marketing, nakaplanong paglulunsad ng mga marketing campaign, at mga haka-haka sa pananalapi na nagbabalangkas kung magkano sa palagay mo ang kikitain ng kumpanya mo sa una nitong isa hanggang limang taon — o sa susunod na limang taon, kung naitatag na ang negosyo mo. Makakatulong ang mga infographics, chart, at graph na naglalarawan sa mga financial mo na mahimok ang audience mo.
Executive summary.
Ang executive summary ay pinagsama-samang bersyon ng marketing plan mo. Gawin ang seksyong ito nang panghuli, kahit na magiging live ito sa simula ng dokumento mo. Maglaan ng isang maikling buod na talata sa bawat seksyon ng plan mo, na magbibigay sa mga mambabasa ng lahat ng impormasyon sa mabilisan at isang page na buod.
Mga halimbawa para makapagsimula ka
Mga naka-print na marketing plan.
Baka gusto mong gumawa ng elegante at naka-print na design na ibibigay sa audience mo, tulad ng simple at monochromatic na booklet na ito. Sa app tulad ng Adobe InDesign, pwede kang magsimula sa simula para gumawa ng mga layout ng libro o magsimula sa mga template ng marketing plan tulad ng mga ito:
- Template na may mga asul na geometric accent
- Template na may mga neutral tone at modernong element ng design
- Template na may mga pulang accent at case study at mga page ng badyet
Mga digital marketing plan.
Nagbibigay ng maraming benepisyo ang isang marketing plan na ipinakita sa digital na paraan. Gumawa ng plan na madaling i-share tulad ng URL. Magagawa mong mag-embed ng mga link o motion graphics, i-share ang plan mo online nang walang kahirap-hirap, at gumawa ng responsive design na umaangkop sa iba't ibang laki ng screen. Magandang opsyon ang template ng slideshow kung kailangan mong ipakita ang marketing plan mo nang live, tulad nito na nagtatampok ng maraming opsyon sa tema ng kulay. Magandang opsyon ang mga app tulad ng Adobe Express para sa ganitong uri ng design, at pwede mong subukan ang mga online na template ng Adobe Express nang libre kahit na wala ka pang website para sa negosyo mo.
Gawin ang marketing plan mo ngayon.
Kunin ang mga tool na kailangan ng team mo para gumawa at magpatupad ng kumpletong marketing program, mula sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng brand mo hanggang sa paggawa ng mga social asset, gamit ang mga digital design app tulad ng mga app sa Adobe Creative Cloud para sa mga team. Gumawa ng mga logo, graphics, at chart gamit ang Adobe Illustrator. Mag-design ng mga marketing material tulad ng mga postcard at brochure sa InDesign. At kapag tumatakbo na ang organisasyon mo, gawing digital ang lahat ng paperwork mo gamit ang mga secure na PDF sa Adobe Acrobat. At, gumamit ng mga pinaka-up to date na logo at asset para sa bawat proyekto gamit ang Mga Library sa Cloud.
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para ipatupad ang marketing plan mo.
InDesign, Adobe Express, Photoshop, Premiere Pro, Illustrator
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.