Mga nakakaengganyong ideya sa design ng email marketing.

Gumawa ng mga marketing campaign sa email na namumukod-tangi at nanghihimok na kumilos.

Design ng email na tinitingnan sa mobile phone, tablet, at laptop

Ang mga pangunahing kaalaman sa design ng email.

Ang email ay isang magandang paraan para makipag-ugnayan sa audience. Pero mahalagang makuha nang tama ang design. Halos 40% ng mga email ang tinitingnan nang humigit-kumulang walong segundo o mas mababa, kaya gawing mabilis at madali para sa mga mambabasa na makita kung ano'ng mahalaga sa mensahe mo. 

 

 

 

Mga tip at pinakamahuhusay na pamamaraan para sa design ng email.

Pataasin ang mga click-through rate at manghimok na kumilos sa pamamagitan ng nakakaengganyong design ng email. Linawin sa mambabasa kung ano ang gusto mong gawin niya sa madiskarteng nakabalangkas na content ng email.

 

Maging malinaw at hindi paligoy-ligoy.

Tiyaking madaling basahin ang mga email mo para sa abalang audience. Gumamit ng mga design na pwedeng buuin ng mga developer gamit ang html at i-curate nang mabuti ang content para matiyak na lalabas ito nang maayos sa maraming email client. Ang text ay dapat hatiin sa mas malalaking headline at mas maliliit na bahaging madaling maintindihan. Tinitiyak ng white space, o mga bahaging walang laman maliban sa simpleng kulay ng background, na hindi punong-puno o nakakalito ang content mo at nakakatulong itong bigyang-diin ang mahahalagang element.

 

Magtuon sa isang pangunahing call-to-action.

Maging malinaw tungkol sa kung saan pupunta ang mambabasa kapag nag-click siya. Kung nangangailangan ang email ng maraming call-to-action (tinatawag ding mga CTA o action button), ayusin ang mga ito sa hierarchy. Gumamit ng mga kulay na matingkad para ipahiwatig kung aling pagkilos ang pinakamahalaga. Ang pangunahing CTA mo ay dapat mas mauna sa email mo, kung saan susunod ang mga pangalawang CTA. Ang mga text-link CTA o button na may simpleng outline ay pwedeng maging mga pangalawang CTA na epektibo.

 

Huwag sirain ang inbox gamit ang mga image mo.

Gumamit ng mga image na na-optimize sa web na mabilis mag-load. Ang mga image para sa mga email ay bihirang kailangang mas malapad kaysa sa 800 pixel. Magsama ng mapaglarawang alt text kung sakaling masira ang mga image o gumagamit ang mambabasa mo ng program para sa may kapansanan sa paningin. Ang mga animated GIF ay pwedeng magdagdag ng intriga sa mensahe mo, pero tandaang pwedeng gumawa ng mga isyu sa pag-load ang masyadong maraming paggalaw. Maghanap ng mga on-brand image na akma sa pagkakakilanlan ng brand mo pati na rin ang pangkalahatang color scheme ng email mo.

 

Gumamit ng design na gumagabay sa mga mata pababa.

Dapat hikayatin ng layout ng email mo ang mambabasa na patuloy na magbasa. Bumuo ng wireframe para planuhin ang mga visual element ng email mo para matiyak na may pababang daloy. Mainam ang inverted triangle para sa simpleng email na notification, zigzag na hugis para sa nakausong email na e-commerce, at maayos na column para sa newsletter sa email

3 magkakapatong na halimbawa ng mga design ng email

Maging consistent sa branding mo.

Isama ang biswal na pagkakakilanlan ng brand mo sa mga design ng email mo para mapalakas ang pagkakakilala sa brand mo sa bawat pag-send. Gumamit ng mga element ng design na consistent sa brand, tulad ng logo mo, color palette, typography, at iba pang pangunahing element mula sa brand kit mo. Imodelo ang mga email mo sa website mo pati na rin sa kahit anong landing page kung saan humahantong ang email mo. Kapag nakabuo na ang team mo ng design ng email na bagay, gumawa ng template ng email para makatipid ng oras kapag magde-design ng mga email sa hinaharap.

 

Mga karagdagang bagay na dapat tandaan tungkol sa mga marketing email.
 

  • I-optimize ang mga design mo para sa mga mobile device. Simula Hulyo 2019, halos 62% ng mga pagbukas ng email ang nangyari sa mobile device. Ang mga responsive design na maayos na makikita sa kahit anong laki ng screen ay mahalaga para sa tagumpay ng campaign sa email.

  • Gumugol ng oras sa paggawa ng mga intensyonal na subject line. Posibleng mukhang panghuling ideya ang subject line, pero ito ang pinakamahalagang bahagi ng email mo — ito ang pagkakataon mo na makumbinsi ang isang tao na buksan ito.

  • Itrato ang audience mo tulad ng gusto mong pagtrato sa iyo. Huwag maging mapanlinlang sa subject line mo. Huwag tadtarin ng napakaraming email ang listahan ng email mo. At bigyan ang mga mambabasa mo ng makabuluhang impormasyon sa bawat pag-send. Kung hindi, makukuha ng link sa pag-unsubscribe mo ang lahat ng atensyon.


Mga halimbawa ng mga email na may magandang design.

Simulan ang proseso ng pag-design ng team mo sa pamamagitan ng pag-explore sa iba't ibang uri ng style ng email na ito na shine-share ng mga creative sa Behance.

  • Graphic na design ng email
    Paglaruan ang nakakatuwang graphics at paggalaw tulad ng nasa mga email na e-commerce na nakatuon sa fashion na ito para kay Betsey Johnson.

  • Photo-centric na design ng email
    Gumamit ng mga technique sa collage para pagsama-samahin ang maraming larawan na tulad ng nasa mood board style na email para sa isang fashion boutique.

  • Minimalist na design ng email
    Maging maimpluwensya at nakatuon sa pagkilos gamit ang malinis at minimalist na design na tulad ng nasa campaign sa email para sa paglulunsad ng app.

  • Text-based na design ng email
    Maging simple sa mga email na notification. Kahit na ang text-based na email ay pwedeng maayos ang design, tulad ng email ng resibo sa pagbabayad.

  • List-based na design ng email
    Kung marami kang impormasyon na ilalagay sa email mo, subukan itong hati-hatiin gamit ang mga thumbnail image at graphically separated pod, tulad ng nasa mga newsletter ng Winter Olympics na ito.
Design ng email na pino-prototype sa Adobe XD

Simulan ang paggawa ng magagandang email kasama ang team mo ngayon.

Handa nang magsimula sa pag-design ng mga email? Ang mga app na available sa Adobe Creative Cloud para sa mga team ay isang magandang opsyon. Tingnan kung ano ang magagawa mo sa mga Adobe app para gumawa ng mga epektibong email.

 

Mag-lay out ng mga artboard sa lahat ng collateral ng brand mo.

Alamin ang mga paraan para sa paggawa ng mga cohesive na marketing material gamit ang Adobe Illustrator.

 

Pumili ng mga color palette para sa mga email mo.

Tingnan kung paano ka makakagawa at makakapag-save ng mga color palette gamit ang panel ng Mga Tema ng Kulay ng Adobe sa Illustrator.

 

Magsimula sa template para mabilis na makagawa ng design ng email.

Tuklasin kung paano magsimula ng eleganteng email sa pamamagitan ng pagbubukas ng yemplate ng Adobe Stock sa Photoshop.

 

I-share at suriin ang mga design ng email sa team mo.

Pwede mong gamitin ang Adobe XD para i-share ang mga design ng email mo, suriin ang mga ito sa team mo, at makipag-collaborate sa iba pang designer. Pinapadali ng Mga Library sa Creative Cloud para sa team mo na makipag-collaborate sa mga pinaka-up to date na logo at asset para sa bawat proyekto sa iba't ibang app at device.

Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.

MGA KWENTO NG CUSTOMER


Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.

PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN


I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.

MGA TUTORIAL


Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
 

Tumuklas ng mga app na gagamitin sa pag-design ng mga nakakaengganyong email.

Logo ng Adobe XD

 XD

Logo ng Adobe Illustrator

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.