Mga paraan para paigtingin ang pakikipag-ugnayan mo sa customer.

Alamin kung paano bumuo ng mga ugnayan sa customer, paigtingin ang katapatan ng customer, at bigyan ng malaking presensya ang negosyo mo.

Alamin kung paano bumuo ng mga ugnayan sa customer, paigtingin ang katapatan ng customer, at bigyan ng malaking presensya ang maliit na negosyo mo.

Artwork ni Supernova Design.

Ano ang pakikipag-ugnayan sa customer?


Gusto ng mga consumer na makilala ang at makakonekta sa mga kumpanya at brand kung saan sila bumibili at na sinusuportahan nila. Ang pakikipag-ugnayan sa customer ay ang pag-uusap ng mga customer mo sa brand mo at sa isa't isa tungkol sa brand mo. Pwede mong sukatin ang antas nila ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan sa customer tulad ng mga pag-click, open rate para sa email, rate ng conversion, at iba pang sukatan. Makakatulong sa iyo ang napakahalagang data na iyon na mahulaan ang mga pagkilos sa hinaharap ng mga customer, pati na rin matuklasan kung sinong mga customer ang hindi nakikibahagi o nag-aalinlangan tungkol sa brand mo, at pagkatapos ay makabuo ng mga diskarte para mahikayat sila. 

 

Mas madaling mapanatili ang mga kasalukuyang customer kaysa makahikayat ng mga bago, at ang mabuting pakikipag-ugnayan sa customer ay nakakaapekto sa pag-iwas sa pag-churn (pagkawala ng mga customer). Ang pinakamahusay na tool mo sa problema sa pagpapanatili ng customer ay masusing pakikipag-ugnayan sa bawat yugto ng journey ng customer. I-share ang mga pagpapahalaga ng kumpanya mo sa social media. Isama sa pag-uusap ang CEO mo o iba pang executive. Sa pamamagitan ng pagpapakita kung sino ka, matutulungan mo ang mga customer na mas makilala ka at ang brand mo. Magtitiwala sila sa iyo at bilang kapalit, mas magiging handa silang magsabi tungkol sa sarili nila.
 

 

Paano mapapataas ng marketing strategy mo ang katapatan ng customer.


Isa ring diskarte sa pakikipag-ugnayan sa customer ang mahusay na marketing strategy. Lampas ito sa pagbuo ng brand awareness at pagbili ng mga prosukto hanggang sa pag-optimize sa experience ng bawat customer. Magsimula sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa lahat ng touchpoint, o paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga customer sa brand mo.

 

Hindi mo masusubaybayan ang word of mouth, pero makakakuha ka ng data sa mga pagbisita sa website mo, pag-sign up para makatanggap ng mga email, at pakikipag-ugnayan sa mga team ng suporta sa customer. Pwede mong sukatin ang mga pagbanggit sa social media ng brand mo sa paglipas ng panahon at ang mga bilang ng mga aktibong miyembro ng komunidad na nakikipag-ugnayan sa website mo. Ang pagsubaybay sa mga customer mo sa buong journey nila sa brand mo ay pwedeng magturo sa iyo ng maraming bagay tungkol sa antas ng kasiyahan ng customer na nabubuo mo, at pwede nitong sabihin sa iyo kung saan at kung paano ka huhusay.

Dalawang nakaupong babae na nag-uusap sa tapat ng isa't isa sa maliit na bilog na mesa

Pag-target sa ideyal na lifecycle ng customer.


Anuman ang modelo ng negosyo mo, ang mga susi sa pakikipag-ugnayan sa at pagpapanatili ng mga customer — at pagiging mga brand advocate ng marami hangga't pwede — ay pangkalahatan:

Bumuo ng kaalaman.

Una, gumawa ng maganda at natatanging logo at iba pang asset na pwede mong gamitin para sa lahat ng pangangailangan mo sa marketing. Pagkatapos, ipagkalat ang brand mo. Magtatag ng presensya sa social media gamit ang well-branded content na, para maging mga pamilyar na tanawin ang logo at brand mo. Magsulat ng mga blog post na na-optimize ng SEO, para kapag hinanap ng mga customer sa Google ang problemang nilulutas ng produkto mo, lalabas nang mataas sa mga resulta ng paghahanap ang website mo.

 

Alagaan ang mga lead.

Posibleng alam ng mga potensyal na customer ang tungkol sa iyo pero hindi nila alam kung gusto nilang bumili. Pwede mo silang itulak nang kaunti sa tamang direksyon gamit ang email o SMS message. Mag-send ng mga newsletter sa email na nagpapaalam sa customer base mo ng tungkol sa mga bagong offer at produkto. Isa itong pagkakataong turuan sila tungkol sa mga produkto mo o magbigay ng isang espesyal na bagay sa pamamagitan ng pagpapakilala, kaya maglaan ng oras at lakas sa paggawa ng magandang content. Kung makakita ka ng mga lead sa totoong buhay, pwede kang mag-design at mag-print ng mga brochure na idi-distribute sa mga madiskarteng lokasyon. Sa maaagang pakikipag-ugnayang ito, pwedeng sumikat ang brand voice mo at pwedeng makabuti nang pabor sa iyo ang pag-personalize.

 

Mag-follow up sa mga pagbili.

Kapag naging mga bagong customer mo ang mga lead mo, binibigyan ka nila ng pagkakataong magpakita ng mahusay na serbisyo sa customer. Gawin ang lahat ng makakaya mo para magbigay ng positibong experience sa onboarding, gamit ang email o mga app-based na tool para turuan sila kung paano i-maximize ang halaga ng pagbili nila. I-poll ang mga customer sa antas ng kasiyahan nila at panatilihin silang up to date sa mga pagpapahusay at bagong offer.

Gamitin ang nadagdagang kaalaman mo tungkol sa customer para mas i-personalize at i-segment ang mga pakikipag-ugnayan mo sa kanila, a nagtitiyak na nauugnay ang kahit anong matatanggap nila mula sa iyo. Magsikap na bumuo ng emosyonal na koneksyon na humahantong sa mga tapat na customer sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng reward dahil sa pagpili sa brand mo.

 

Magpangiti.

Ang nadidismayang customer ay nagpapakita ng magandang pagkakataon para ipakita ang napakahusay na serbisyo sa customer. Pwedeng maging positibo kahit na ang mapanuring feedback ng customer kung sa palagay ng customer ay napapakinggan sila at natutugunan ang mga alalahanin nila. Hindi mahirap na surpresahin sila ng isang magandang bagay, tulad ng maliit na regalo o simpleng pasasalamat. Kung minsan, mas epektibo ang isang nalutas na problema sa pagiging brand advocate ng isang customer kaysa sa wala talagang problema.

Babaeng nakaupo sa sahig na may laptop sa harap ng pader na may mga nakadikit na naka-print na papel
Lalaking may suot na sunglasses at suit sa harap ng pink na background

Gawing positibo ang bawat pakikipag-ugnayan.

 

I-design ang bawat pakikipag-ugnayan sa customer — mga newsletter, email, at post sa social media — para mabigay ng sorpresa at kaligayahan. Makakatulong ang Adobe Creative Cloud para sa mga team. Binibigyan ka nito ng mahigit 20 app para sa paggawa ng mga namumukod-tanging marketing material. Pwedeng makipag-collaborate ang team mo nang walang sagabal sa cloud, na nagshe-share ng mga asset habang nagsisikap silang matiyak ang consistency ng brand. Gumawa ng versatile na logo ng brand sa Adobe Illustrator. Gumawa ng mga makatawag-pansing brochure, brand kit, web banner, post sa social media, at email gamit ang Adobe Photoshop at InDesign — at sulitin ang Adobe Stock at Adobe Fonts para mahanap ang mga tamang template at uri.
 

Kung nakikipag-ugnayan ka sa mga customer mo nang maingat, tapat, at mapag-aruga, at nang may kaakit-akit na creative content, magiging mahusay ka sa pagbuo ng matagumpay na brand na gugustuhin nilang makaugnayan.

Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.

MGA KWENTO NG CUSTOMER


Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.

PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN


I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.

MGA TUTORIAL


Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
 

Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para mapaigting ang pakikipag-ugnayan sa customer.

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.