Artwork ni Markaworks.
Gawin ang tamang marketing ng maliit na negosyo para sa target na audience mo.
Bumuo ng content para sa mga ideyal na marketing channel na makakatulong sa iyong kumonekta sa mga potensyal na customer.
I-taget ang pinakamahuhusay na channel para sa paglago ng negosyo.
Gaano man kahanga-hanga ang produkto mo o gaano man ito kasakto sa panlasa ng mga customer, hindi mo maaasahang mahahanap ka ng mga tao nang walang tulong, lalo na sa mataong market. Nagsisimula ang mahusay na marketing sa maliit na negosyo sa pamamagitan ng pag-unawa sa target na market mo at pagtugon sa kanila sa mga channel na pinakamadalas nilang gamitin. Kung hindi lalabas ang mga marketing effort mo kung saan kailangang makita ang mga ito ng mga ideyal na customer mo at kung hindi tugma ang mga ito sa kung ano ang kailangan ng mga ideyal na customer mo, mabibigo ang lahat ng pagsisikap mo.
Pahusayin ang proseso mo sa market research.
Ang epektibong marketing strategy ay may kabatiran sa pamamagitan ng masusing pananaliksik. Bago ka magsimulang gumawa ng kahit anong content marketing, magsagawa ng mga panayam para makakuha ng pangunahing pananaliksik. Dagdagan ang impormasyong iyon ng pangalawang pananaliksik na nagbibigay-daan sa iyong makakuha ng higit na insight sa mga natutunan mula sa mga panayam. Matutulungan ka nitong magsimulang bumuo ng pag-unawa sa mga customer mo. Posibleng sa palagay mo ay mas mahusay na maaabot ng mga ad sa YouTube ang mas batang audience kaysa sa flyer na ipinadala sa pamamagitan ng koreo, pero hindi mo dapat ito ipagpalagay. Titiyakin ng market research na batay sa data ang trabaho mo, at hindi sa hula.
Kapat tapos na ang pananaliksik mo, pwede kang gumawa ng mga buyer persona. Ang mga composite na ito ang nagpapalinaw sa diwa ng kung ano ang mahalaga sa mga customer mo at mahahalagang tool na makakatulong sa iyong gumawa ng epektibong marketing strategy. Gagabayan din ng mga ito ang creative team mo habang nagsisikap silang mabuo ang pinakamahuhusay na asset na papatok sa mga customer na kinakatawan ng mga persona mo.
Itaguyod ang brand mo.
Kapag kilala mo na kung sino ang mga potensyal na bagong customer mo, oras na para kumonekta sa kanila. Para matiyak na kasing epektibo hangga't posible ang mga pagsubok na iyon na kumonekta, mahalagang magtatag ng pare-parehong branding para sa kumpanya mo na lalabas sa mga marketing material mo. Ang pare-parehong pagkakakilanlan ng brand ay bubuo ng brand awareness sa pamamagitan ng pagbuo ng mas maigting na koneksyon sa audience mo para gumawa ng magandang pananaw sa brand mo, na makakapagparami ng mga benta.
Kapag gumawa ng brand kit na tumutukoy sa mga pasikot-sikot sa biswal na pagkakakilanlan ng brand mo, gagabayan nito ang team mo, na makakatulong sa kanilang gumawa ng magkakaugnay na creative work, mula sa logo ng kumpanya mo hanggang sa mga post sa Instagram.
Gumawa ng marketing para sa mga channel na kailangan ng negosyo mo.
Posibleng may kakayahan ang malalaking brand na gumawa ng marketing para sa bawat maiisip na channel, pero kailangang unahin ng mga may-ari ng maliit na negosyo kung saan ilalaan ang mga resource ng mga ito. Ang rundown na ito ng iba't ibang channel ay makakatulong sa iyong timbangin ang mga opsyon mo.
Magpasikat sa website mo.
Nagiging mas mahalaga ang presensya sa web para sa maliliit na negosyo. Ang pagbuo ng website na nagpapabatid sa brand mo, nagpapaliwanag sa mga produkto o serbisyo mo, at nagbibigay-daan sa iyong kumonekta at makipag-ugnayan sa audience mo, ay nakakatulong na bumuo ng kumpyansa sa kumpanya mo. Ang blogging ay isang magandang paraan para palawakin ang site mo at ipaliwanag pa ang negosyo mo at talakayin ang mga isyung nakakaapekto sa mga customer at komunidad mo. Binibigyan ka rin nito ng mga karagdagang webpage para magdagdag ng search engine optimization (SEO) content sa site mo. Nakakatulong ang SEO content sa mga search engine tulad ng Google na i-catalog ang mga page mo, isang prosesong pinagdadaanan ng Google para mas maunawaan ang content ng bawat page para maibigay nito ang pinakamahuhusay na resource sa mga naghahanap. Kapag inalam kung ano ang hinahanap ng mga inaasahang customer mo at nagsulat ng content para makuha ang web traffic na iyon, mapapahusay ang mga lead at benta.
Direktang kumonekta sa pamamagitan ng listahan ng email.
Ang mga newsletter sa email ay isang magandang paraan para bumuo ng ugnayan sa audience mo. Sa pamamagitan ng pagkuha sa lahat ng email address gamit ang form ng pag-sign up sa newsletter sa site mo, makakabuo ka ng network ng mga kasalukuyan at inaasahang customer, na mas nagpapadaling mapanatili silang may alam tungkol sa mga bagong produkto at inisyatiba ng brand. Hindi lang pinapaigting ng email ang pakikipag-ugnayan sa customer, madali rin ito at mayroong itong mataas na return on investment. Gamit ang mga template na available sa Adobe XD, mabilis kang makakagawa ng email at makakapagsimulang makipag-ugnayan sa mga customer mo.
Panatilihing tuloy-tuloy ang pag-uusap gamit ang social media marketing.
Hindi mo pwedeng pag-usapan ang online marketing sa panahon ngayon nang hindi tinitingnan ang epekto ng social media sa negosyo. Sa mundong palaging nakakonekta, mahalaga para sa mga negosyo na regular na makipag-ugnayan sa mga platform ng social media tulad ng Twitter at Instagram. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layunin para sa pakikipag-ugnayan sa social media, pwede kang gumawa ng nakakaengganyong content para sa mga channel mo. Maraming diskarte para mapahusay ang digital word of mouth mo gamit ang social media marketing, mula sa kung ano ang gagawin mo hanggang sa kung sinong mga influencer ang makaka-partner mo. Tiyaking bigyang-diin ang mga oras ng pag-post mo para ma-maximize ang pakikipag-ugnayan sa audience. Mainam ang Adobe Photoshop para sa paggawa ng graphics at mga imbitasyon sa social media, o maghanap ng tulong sa Adobe Express para sa paggawa ng mga ad sa Facebook, header photo sa Twitter, at marami pa.
Pahusayin ang mga marketing effort mo gamit ang video.
Laganap na ang mundo ng streaming at ibig sabihin, hindi lang kapansin-pansing digital marketing asset ang video, isa itong epektibong tool sa mga pagbebenta. Gusto ng mga consumer ang video at sinusuportahan ng mga numero ang halaga nito: 72% ang mas gustong alamin pa ang tungkol sa isang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng video at 64% sa mga consumer ang bumibili pagkatapos manood ng branded na video sa social. Mula sa mga webinar na hino-host mo sa site mo hanggang sa maiikling social clip, pwede mong gamitin ang Adobe Premiere Rush para gumawa ng mga video para sa kumpanya mo sa desktop o mobile device mo nang walang kahirap-hirap. Hindi mo na kailangang kumuha ng sarili mong footage. Sa Adobe Stock, pwede kang maglisensya ng mga video na magagamit para sa kahit anong marketing project.
Gumawa ng mga ad na makatawag-pansin.
Ang mga ad ay isang mahalagang paraan para mapanatili ang negosyo o produkto mo na unang naiisip ng mga customer. Pwede kang gumawa ng mga naka-print na ad para sa mga dyaryo at magazine, depende sa audience mo, pero pinakalaganap ang mga digital na ad ngayon. Ang mga ad na may magandang design ay pwedeng maging magandang paraan para magdala ng mga bagong tao sa website mo, na makakatulong sa iyong makakuha ng mga bagong customer na posibleng hindi maghanap sa brand mo. Sa pag-target ulit ng mga ad, na pwede mong i-set up sa Google Adwords at iba pang platform, matitiyak mo na ang mga bisitang hindi bumili sa una nilang pagbisita ay mapapaalalahanan tungkol sa mga produktong tiningnan nila habang patuloy ang paggamit nila ng internet sa iba't ibang site.
Gumawa ng pangmatagalang impression gamit ang mga naka-print na materyal.
Pwedeng maabot ng digital na marketing ang mga tao kahit saan, pero makakatulong ang mga naka-print na marketing material na mamukod-tangi ang negosyo mo. Ang usong pamphlet na naka-print sa magandang paper stock, isang bagay na pwedeng dalhin ng potensyal na customer matapos bumisita sa tindahan o makipag-usap sa trade show, ay ang uri ng marketing na tumatatak sa mga tao. Gamit ang InDesign at Photoshop, pwede kang gumawa ng mga kamangha-mangha at nagbibigay-kaalamang brochure, flyer, at marami pa na naghahatid ng nauugnay na impormasyon na mapagsasanggunian ng mga customer nang paulit-ulit sa paglalakbay nila sa marketing funnel para bumili.
Gawin ang bawat uri ng marketing gamit ang Creative Cloud para sa mga team.
Gamit ang mahusay na marketing plan na sinusuportahan ng matatag na market research, magagamit mo ang mga channel na kailangan mo para maabot ang mga customer mo. Pero habang ang mga market ay nagbabago at nangangailangan ng pagbabago, posibleng kailangang umangkop ng brand mo. Ang plan ng Creative Cloud para sa mga team ay hindi lang nagbibigay sa iyo ng kamangha-manghang versatility na angkop sa photography, design, illustration, video, at marami pa, binibigyang-daan din nito ang team mo na mag-share ng mga asset nang walang sagabal at makipag-collaborate — na bumubuo ng kahusayan sa bawat workflow. Ang Creative Cloud ay mayroon ding access sa Adobe Acrobat Pro, na nakakatulong sa negosyo mong manatiling listo gamit ang mga protektadong PDF, digital na lagda, at marami pa.
Iba pang paksang posibleng kainteresan mo…
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para gumawa ng mga marketing material ng negosyo.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.