Gawing pulido ang pakikipag-ugnayan at patatagin ang pagkakakilala sa brand gamit ang custom na design ng letterhead.
Artwork ni Atelier trois
Ang sitwasyon ng letterhead ng kumpanya.
Mukha mang makaluma, pero ang paggamit ng custom na letterhead ay mahalaga sa pagbuo ng maliit na negosyo bilang isang propesyonal na organisasyon o kahit pa para sa pag-rebrand ng mas malaking kumpanya. Dapat ay tumutugma sa pagkakakilanlan ng brand mo ang bawat sulat o memo, printed o digital, na nakakarating sa team o audience mo. Ang consistent na presentation ng brand ay kayang makapagpataas ng kita nang hanggang 23%.
Bago ka mag-design ng letterhead mo.
Ang mga pangunahing kinakailangan para sa letterhead mo ay ang color palette mo, logo ng kumpanya, at mga font at istilo ng type na nabuo mo na. Kumuha ng mga ideya sa pag-design para sa letterhead mo mula sa website mo, mga business card, at iba pang marketing material — o mag-design ng tumutugmang diskarte para sa lahat ng ito nang sabay-sabay. Dapat magkakatugma ang lahat ng inilalabas ng team mo. Kung hindi mo pa naitatakda ang mga element na ito, pwedeng magsimula roon ang team mo.
Bumuo ng biswal na pagkakakilanlan.
I-brainstorm ang layunin at posisyon mo bilang isang kumpanya at tumuon sa malinaw na pagkakakilanlan ng brand. Ang malinaw na personalidad para sa kumpanya mo, na sinamahan ng visual na wikang nagpapakita ng personalidad na iyon, ay mahalaga sa pagiging katangi-tangi ng negosyo mo sa the marketplace. Para matiyak na mananatiling consistent sa binuong biswal na pagkakakilanlan ang mga marketing material tulad ng mga business card, presentation, at promotional product (gaya ng mga sticker o packaging), gumawa ng brand kit. Papahusayin nito ang workflow ng team mo sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagtatakda ng mga alituntunin para sa mga element ng graphic design mo.
Gumawa ng design ng logo.
Matutulungan ka ng natural na opsyon para sa pag-design ng logo, na Adobe Illustrator — bahagi ng Adobe Creative Cloud para sa mga team — na gumawa ng logo na gagamitin sa lahat ng marketing material mo. Tingnan ang tutorial na ito at gumawa ng sample na logo. O matuto pa tungkol sa pag-design ng logo at gumawa ng sarili mong custom na graphic sa Illustrator na nase-scale sa anumang laki — mula sa mga email signature hanggang sa billboard — nang hindi bumababa ang kalidad.
Mga element na dapat isaalang-alang sa design ng letterhead.
Pumili ng karaniwang laki ng page.
Sa United States at Canada, ang karaniwang letter size ay 215.9 by 279.4mm, o 8.5 by 11 pulgada. Maraming iba pang bansa ang gumagamit ng standard na letter size na tinatawag na A4 (210 by 297mm, o 8.27 by 11.7 pulgada).
Sumubok ng mga malikhaing paglalagay ng logo.
Sa karaniwang letterhead, nasa kaliwang sulok sa itaas ng page ang logo. Posibleng gustuhin ng team mo na gawing natatangi ang design mo sa pamamagitan ng artistic layout na mas malikhaing naghahabi sa logo mo at iba pang element ng design, tulad ng stationary set ng pagkakakilanlan ng brand na ito o angminimalist na mockup na ito.
Maingat na pumili ng mga kulay at font.
Pumili ng mga kulay at font na bagay sa mga alituntunin ng brand mo, para tumutugma ang letterhead mo sa iba mo pang marketing material. Gawing madali para sa audience mo na magbasa ng mahalagang impormasyon, tulad ng mga email address at numero ng telepono, sa pamamagitan ng pagtitiyak ng magandang contrast ng kulay at spacing ng text.
Pumili ng naaangkop na paper stock.
Kapag panahon na para ipakita ang letterhead mo sa mundo, isipin kung anong uri ng impormasyon ang ipinaparating ng iba't ibang kalidad ng papel. Ang mas mabigat at de-kalidad na papel ay nagdaragdag ng bigat sa mensahe mo, nang literal at sa talinhaga.
Gumawa ng basic na letterhead ng negosyo gamit ang tutorial na ito.
I-download ang mga panimulang file na ito para sanayin ang pag-set up ng printable na letterhead at sobre sa Adobe InDesign — na bahagi ng Creative Cloud para sa mga team. Pagkatapos ay gamitin ang nako-customize na template ng letterhead at gumawa ng sarili mong design gamit ang mga kulay at logo mo.
Malaki ang nagagawa ng maliit na inspirasyon.
Mag-browse sa Behance para makakita ng magagandang proyekto sa design ng letterhead na na-share ng mga propesyonal sa buong mundo, tulad ng mga mock-up na ito para sa photographer, airline, real estate firm, at kumpanya ng produksyon.
Habang nagbabago ang letterhead at iba pang element ng branding mo, kailangang mai-share mo ang mga ito sa team mo, para bigyan ang lahat ng madaling access sa mga tamang bersyon. Ginagawa itong simple ng Mga Library sa Creative Cloud sa Creative Cloud para sa mga team. Mashe-share mo at ng mga teammate mo ang mga pinakabagong asset sa lahat ng app at device mo, para mananatiling naka-sync ang buong team at makakapagtrabaho sila nang mas mahusay.
Higit pang paksang baka interesado ka…
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.