Tingnan kung paano napapaganda ng paggawa ng mga naka-print na marketing material ang mga koneksyon mo sa mga customer.
Ang personal na katangian ng pisikal na media.
Sa digital na panahon ng email at social media marketing, isang hamon para sa malalaki at maliliit na negosyo ang pagiging katangi-tangi. Dumadaan sa online na ingay ang pagpapadala ng impormasyon sa potensyal na customer sa business card o brochure ng kumpanya — hindi sila pwedeng mag-scroll lang palampas dito. Nagdadalawang-isip ang mga customer bago magtapon ng bagay na mukhang maganda at maganda sa pakiramdam. Inirerekomenda pa nga ng Forbes ang mga brochure bilang isang epektibong anyo ng print collateral. Ang mga de-kalidad na piraso ng paper marketing ay mga praktikal na paraan para makarating sa mga potensyal na customer at magpataas ng kita.
Pinakamahuhusay na pamamaraan para sa paggawa ng brochure.
Tukuyin kung kanino mo gustong makipagkonekta.
Hindi ka matutulungan ng mga brochure na mag-convert ng mga customer kung masyadong malawak ang layunin ng mga ito — ang mga asset na ito ay hindi lang tungkol sa malinaw na pag-present ng impormasyon, tungkol ang mga ito sa pag-present ng tamang impormasyon para sa audience mo. Mahigit 50 porsyento ng mga consumer ang nakakaramdam na nagpapadala ng masyadong maraming hindi mahalagang content ang mga brand, kaya mahalaga ang pagsasagawa ng masinsing pananaliksik para maunawaan ang target na audience para makagawa ng epektibong pakikipag-ugnayan sa marketing, mula sa mga brochure hanggang sa mga social asset. Sa pamamagitan ng pagtuloy at pagkilala sa audience na gusto mong maabot, makakagawa ka ng sarili mong brochure na bumubuo ng kwentong may mga detalye at numerong nakakahimok ng mga customer.
Suriin kung paano posibleng maapektuhan ng badyet mo ang design ng brochure.
Ang content at design ay maaapektuhan ng pag-unawa sa badyet mo pagdating sa haba, dami, at kalidad (ng papel, pag-print, o pag-bind) ng brochure. Kung kaya mo lang mag-print ng single-page na tri-fold brochure, paano nito maaapektuhan ang kwentong bubuuin mo? Mahalaga ang paunang pagpaplano para panatilihing nakatuon ang team mo — pwede rin itong makatipid ng oras o pera.
Kung pumipili ka mag-present ng impormasyon sa bifold na brochure kumpara sa pamphlet na may maraming page— o ang badyet mo ang nagtatakda nito — mahalaga ang content pacing. Pinapataas ng tamang daloy ng content at mga image ang accessibility ng impormasyon at pwede nitong pataasin ang pakikipag-ugnayan ng mambabasa, kung sa simpleng pamphlet man ito o detalyadong pangkumpanyang brochure. Ang brochure ay isang kwento kung saan pinagsasama ang mga salita at larawan, kaya tiyaking panatilihing balanse ang mga ito para madaling sundan at unawain ang kwento mo.
Pag-isahin ang mga element ng design mo.
Ang brochure na may magandang design ay malinaw na naghahatid ng impormasyon sa audience. Magsimula kaagad sa pamamagitan ng paggawa ng nababasang visual style gamit ang template ng brochure sa Adobe Stock, o gamitin ang Adobe Stock para sa inspirasyon para gumabay sa mga pagpili sa istilo ay layout sa mga custom na design ng brochure. Kung statistics ang tuon ng sales pitch ng brochure mo, maghanap ng mga template na ginawa para sa pagpapakita ng malalaking numero. Kung gusto mong magpakita ng maraming feature ng produkto, suriin ang mga template na may mga listahang may nakakahimok na design. Ang pagkakaroon ng mahusay na brand kit ay makakatulong sa iyong tiyakin ang consistency ng brand.
Para sa content ng brochure, pinakamaganda ang nababasa nang mabilis.
Hindi mga sangguniang libro ang mga brochure. Nilalayon ang mga ito na mag-present ng impormasyon sa mabilis at madaling maunawaang paraan. Magbabasa nang mabilis ang mga mambabasa, kaya gawing madaling basahin ang brochure mo sa pamamagitan ng maiikli at nababasang paragraph. Bigyan ng mga entry point ang mambabasa tulad ng mga callout, caption, at lead-in paragraph at panatilihing balanse ang mga bagay gamit ang white space — blangkong espasyong nagbibigay ng visual na pahinga sa mambabasa. Huwag silang i-overwhelm sa bloke-blokeng text o masyadong maraming larawan.
Mag-proof ng sample ng naka-print na kopya.
Tiyaking sumuri ng pisikal na sample ng anumang marketing handout na plano mong i-print. Matutulungan ka ng pag-proof ng sample na sumuri ng mga aspetong tulad ng laki ng type, balanse, at proporsyon. Titiyakin din nitong naaayon sa gusto mo ang mga margin at kulay mo — isang bagay na pwedeng mag-iba-iba batay sa serbisyo ng pag-print na gamit mo. Huwag hayaang maging dahilan ng pagbaba ng benta mo sa customer ang pagkakaroon ng error sa pag-print.
Mga template, tutorial, at iba pang tool sa brochure ng negosyo.
Mahalagang mabilis na ma-print bilang handout ang ideya sa brochure para matiyak na mayroon ka ng mga marketing material na kailangan mo kapag gagamitin mo ang mga ito. Narito ang ilang tool na makakapaghatid ng kahusayan at productivity sa proseso mo ng pag-design ng brochure.
Matutulungan ka ng pagtingin sa kung paano dinidiskartehan ng iba ang malikhaing proyekto na makita kung ano ang pinakamagandang paraan sa iyo para magsimula. Makakahanap ang team mo ng napakaraming nakaka-inspire na halimbawa ng brochure sa Behance at Adobe Stock. Kung mas magandang paraan ang pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa, nagtatampok ang Adobe InDesign ng mga may gabay na template at tutorial para sa anumang antas ng kakayahan — sa loob mismo ng app.
Magsimula sa premium o mga libreng template.
Simulan ang proseso ng paggawa ng brochure gamit ang pagpipilian ng mga pangsimula sa Adobe Stock — iba't ibang uri ng template ng fold brochure, mas malalaking pamphlet, at kahit pa mga template ng one-page na flyer. Minsan mas maganda ang pagsisimula sa umpisa, pero pwedeng maging kapaki-pakinabang ang pagbibigay sa team mo ng access sa mga tipid-oras na resource na ito.
Paigtingin ang kontrol sa bersyon.
Kapag pinanatili mong up-to-date ang team mo sa mga asset mo, mawawala ang kalituhan sa pag-design ng brochure. Sa pagtatabi ng mga font, image, at iba pang element ng proyekto sa Mga Library sa Creative Cloud, matitiyak mong laging nasa iisang page ang team mo ilanmang magkakaibang brochures ang dine-design nila.
Pagandahin ang mga larawan at gawing pulido ang mga image.
Higit pa sa graphic design ang magagandang brochure. Malaki ang naitutulong ng kamangha-manghang larawan. Binibigyan ng Creative Cloud para sa mga team ang creatives mo ng access sa Adobe Photoshop, Lightroom, at mga mobile na app sa pag-edit ng larawan para matiyak na maganda ang bawat image sa brochure mo. Mag-crop, mag-adjust ng mga proporsyon, o paliwanagin o padilimin ang mga larawan para gawing naaangkop sa design mo ang mga image. Ang pagbibigay sa team mo ng opsyong pagandahin ang mga larawan at image ay magreresulta sa mas magandang final product.
Tumaas nang 50% sa nakalipas na limang taon ang halaga ng customer acquisition, na nangangahulugang ang bawat bahagi ng marketing strategy ay dapat na epektibong gumana sa journey ng customer. Ngayong alam na ang mga tip sa design at pinakamahuhusay na pamamaraan, makakagawa na ang team mo ng mga nakakahimok na brochures na kumakausap sa partikular na audience, at tinutulungan silang makuha ang impormasyong kailangan nila para gumawa ng tamang desisyon kaugnay ng brand mo.
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na makakatulong sa iyong gumawa ng mga kamangha-manghang brochure.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.