Tingnan kung paano nakakadagdag ng consistency sa branding mo at kahusayan sa workflow ng team mo ang pagtatakda ng biswal na pagkakakilanlan.
Artwork ni Supernova Design.
Nagsisimula ang nakikilalang brand sa magkakaugnay na visual element.
Mula sa business card mo hanggang sa web page mo, magiging mas epektibo ang bawat piraso ng content na ginagawa mo para sa kumpanya mo kung sinasalamin nito ang pagkakakilanlan ng brand mo. Ang paggawa ng komprehensibong brand ay makakatiyak na consistent na kinakatawan ng marketing mo ang brand mo, na bumubuo ng familiarity at tiwala sa audience habang ginagawa ito. At sa paglalaan ng oras sa pagbuo ng ganitong uri style guide ng brand, ibinibigay mo rin sa team mo ang kailangan nila para makapagpasa ng maganda at may dating na malikhaing gawa nang walang gaanong hirap.
Ano ang brand kit?
Ang brand kit ay ang dokumentasyon ng pinakamahalagang impormasyon ng kung ano ang brand mo at kung ano ang hindi ito. Malinaw nitong inilalatag ang mga kulay at typeface ng brand na dapat gamitin at iwasan, kung aling mga font ang gagamitin para sa tagline mo at kung paano posibleng magbago ang design sa pagitan ng mga seasonal campaign at pambuong-taong aktibidad. Ito ang pangunahing pagbabatayan ng creative team mo kapag gagawa sila ng anumang visual content. Kapag napagsama-sama na ang lahat ng dapat at hindi dapat gawin sa isang PDF at na-share na ang lahat ng asset ng brand na kailangan para mag-design ng mga proyekto, pwede nang magsimulang gumawa ang sinumang miyembro ng team — o sinumang creative partner o freelancer — ng gawang naaayon sa brand para sa kumpanya mo.
Ano ang dapat na nilalaman ng brand kit mo?
Habang nag-iiba-iba ang content ng mga branding kit, at posibleng malawak ito o simple lang depende sa kumpanya, narito ang ilan sa mga pangunaging alituntunin ng brand na gugustuhin mong isama:
Mga Font at typeface.
Mahalagang visual cue sa mga customer mo ang kung paano lumalabas ang mga salita sa mga marketing material ng brand mo. Mahalagang hakbang ang pagpili ng tamang typography at pagpapanatiling consistent nito sa buong brand mo sa pagsasama sa content at pakikipag-ugnayan sa customer mo. Ang typeface ay isang istilo ng type at ng bold, italic, o condensed na bersyon ay mga font. Pwede kang gumawa ng sarili mong typeface at mga katumbas na custom na font o pumili mula sa maraming opsyong available sa mga library tulad ng Adobe Fonts. Nakakatulong ang pagpili at pagbibigay sa creative team mo ng mga panuntunan na matiyak na natatangi ang dating ng mga materyal mo habang nananatiling naaayon sa brand.
Sa brand kit mo, gugustuhin mo ring magpakita ng mga halimbawa ng mga naaangkop at hindi naaangkop na paggamit ng mga font at typeface. Gumagamit ka ba ng bolds at italics? May maninipis at makakapal na variation ba ang font mo? Bawal ba ang alinman? At alin sa mga ito ang naaangkop para sa headline kumpara sa body copy? Sa pagbuo ng malinaw na roadmap para sa text, mapapagtrabaho mo ang creative team mo nang hindi nag-aalala na may asset na wala sa brang ang makakalusot sa approval stage.
Mga logo at pangangasiwa sa logo.
Kung may logo ka man o wordmark treatment ng pangalan ng kumpanya mo, mahalaga ang pagtatakda ng mga panuntunan sa kung paano pwedeng gamitin ng designer o creative partner ang mga ito. Hindi mo makikitang kulay purple ang pulang bullseye ng Target or nakatagilid ang mansanas ng Apple — hindi ito consistent at, samakatwid, nakakasira sa pamilyar na experience sa brand na gusto mong buuin.
Ang brand kit mo ay ang lugar kung saan mo maipapaliwanag ang mga panuntunan para sa logo mo at kung ano ang hindi kailanman dapat gawin. Kailangan bang laging nasa kulay ng brand mo ang logo? Ano ang mga panuntunan kapag ginamit ito sa makulay na background kumpara sa puting background? Mayroon pa bang ibang variation ng logo (simbolo at pangalan ng kumpanya kumpara sa simbolo lang) at ano ang pagkakaiba ng mga iyon? Mga sa mga digital asset hanggang sa mga business card, t-shirt, higit pa, subukan at ayusin ang lahat ng paraan kung paano mo pinaplanong gamitin ang logo mo at gumawa ng mga panuntunan para sa mga paggamit na iyon.
Artwork ni Tomás Salazar.
Color palette at mga paggamit.
Dapat na itakda ng brand kit mo ang mga pangunahing kulay ng brand mo at anumang pangunahing kulay na pwedeng gamitin ng team at mga partner mo. Napakahalaga ng pagiging consistent ng kulay para sa pagkakakilala sa brand at, kung malay o hindi man malay, ikakalito ng audience mo ang asset na hindi tumutugma sa mga kulay ng brand mo. Sa logo mo naman, isipin ang mga paraan kung paano ka pwedeng gumamit ng kulay sa lahat ng digital at pisikal na marketing material at simulan mong buuin ang mga panuntunan ng brand kit mo mula roon. Pwede mong dagdagan ang mga panuntunang iyon anumang oras sa ibang pagkakataon, pero ang layunin ay iwasang makakita ng mga unang draft ng mga creative asset na nangangailangan ng pag-uulit sa buong kulay.
Artwork ni Tomás Salazar
Paano nakakatipid sa pamamgitan ng magandang brand kit.
Sa kumpanya mo, nagdaragdag ang mga brand kit ng kahusayan sa pamamagitan ng pagpapasimple sa mga creative workflow. Nagbibigay ito sa lahat ng iisang visual na wikang gagamitin at mga panuntunan para maiwasang malihis ang mga asset. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sagot bago pa man may magtanong, binabawasan mo ang nasasayang na oras habang ihinahanda ang team mo para sa mas magandang gawa.
Sa panlabas, nakakatulong ang mga brand kit na magkaroon ka ng consistency para palakasin ang brand visibility. At tutulungan ka ng consistency ng brand na iyon na mamukod-tangi sa marketplace na may kompetisyon. Nakakamatay ang pagkalito. Higit pa sa maraming benepisyo sa kahusayan, pwedeng pataasin ng consistent na branding ang kita nang hanggang 23 porsyento. Kahit ang malalaki at kilalang brand ay nahigitan ang mga layunin sa kita nang 28 porsyento sa tulong ng consistent na branding.
Kung naghahanap ka ng teknolohikal na solusyong nagbibigay sa iyo ng lahat ng tool na kailangan mo para gumawa ng brand kit, subukan angAdobe Creative Cloud para sa mga team. Gumawa ng logo sa Adobe Illustrator, gumawa ng mga asset sa web design at gawing pulido ang larawan sa Photoshop, at pagsama-samahin ang lahat ng ito sa magandang graphic design sa InDesign. At sa pamamagitan ng Mga Library sa Creative Cloud, makakapag-share ng mga branding asset ang team mo sa magkakaibang app at device — at mananatiling naka-sync.
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para gumawa ng mga brand kit.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.