Alamin kung paano bumuo ng natatanging biswal na pagkakakilanlan na magkakaugnay na kumakatawan sa negosyo mo.
Artwork ni Markaworks.
Ano ang pagkakakilanlan ng brand at bakit ito mahalaga?
Sa modernong marketplace kung saan may mga online na retailer at mga pisikal na tindahang naghahanap ng customer, mahalaga ang pagiging katangi-tangi para makabuo ng matagumpay ng brand. Nangangahulugan itong napakahalaga na ngayon ng pagkakakilanlan ng brand, personalidad ng brand mo at ng visual na wikang nagpapahayag ng personalidad na iyon. Pwedeng pataasin ng consistent na presentation ng brand ang kita nang 23 porsyento, kaya kailangang nagtutugma ang bawat isang pakikipag-ugnayang pinapadala mo para mabuo ang pagkakakilalang iyon.
Kung bumubuo ka man ng bagong brand o kumukumpleto ng pag-rebrand ng kasalukuyan mong kumpanya, matutulungan ka ng pagsasaalang-alang sa mga alituntunin ng brand mo na panatilihing consistent ang image mo sa mga print, web, at mobile channel. Dapat ay naka-sync sa lahat ng touchpoint sa customer ang design ng logo, color palette, at lahat ng font na ginagamit sa mga business card, mga website, packaging, at signage mo. Kapag mas magkakaugnay at consistent ang pagkakakilanlan ng brand mo, mas magtatagal, makikilala, at mapapagkakitaan ang brand image mo.
Artwork ni My Name is Wendy.
Magtakda ng malinaw na posisyon at layunin.
Ang unang hakbang sa paggawa ng matatag na pagkakakilanlan ng brand ay ang pagtukoy sa pangunahing layunin at posisyon mo. Bakit binuo ang kumpanya mo? Kausapin ang team mo at tukuyin ang partikular na layunin mo bilang isang kumpanya at kung paano nagbibigay ang produkto o serbisyo mo ng natatanging benepisyo sa mga kasalukuyan at potensyal na customer. Para tukuyin ang target na audience mo, magsagawa ng market research para maunawaan kung sino ang pagsisilbihan ng kumpanya mo.
Narito ang ilang mahalagang bagay na patibayin habang binubuo mo ang brand strategy mo:
- Iminumungkahing pakinabang: Bakit sa kumpanya mo pupunta ang mga customer sa halip na sa kakumpitensya? Ano ang espesyal mong putahe o ang pinakanatatangi mong inobasyon?
- Mga pangunahing pagpapahalaga: Ano ang pinanghahawakan ng kumpanya mo? Anong ginagamit ng team mo bilang pamantayan ng moralidad?
- Brand voice: Paano nakikipag-usap sa mundo ang kumpanya mo at paano nito ipinapahayag ang sarili nito? Posibleng makatulong na ihambing ang negosyo mo sa isang personality type.
Mga element ng pagkakakilanlan ng brand: Mga pangalan, tagline, at logo.
Ano'ng meron sa pangalan? Lahat. Kung wala ka pang tagline o pangalan ng brand, ang susunod na hakbang sa pagbuo ng pagkakakilanlan mo ay ang pagtatakda nito. Kung bumubuo ka man ng bagong negosyo o nagpapalit ng pangalan ng kumpanya, huwag madaliin ang prosesong ito. May ilang segundo lang ang brand para makagawa ng impression, kaya tiyaking magkakatugma ang mga pangunahing aspeto tulad ng pangalan, logo, at tagline — at ang nauugnay na napiling kulay— para matulungan ang mga customer na bumuo ng tumpak na opinyon tungkol sa iyo.
Pwedeng makatulong ang mga pag-brainstorm ng grupo kung saan mabilis kang nagtatala ng mga ideya sa pamamagitan ng mga taktika sa pag-uugnay ng salita. Tandaang pumili ng pwedeng ilapat sa URL ng website at mga account sa social media. Maghanap online para makita kung anong mga URL at social handle ang nagamit na. Tingnan kung nauugnay ang pangalan ng brand mo sa mga aspeto ng pagkakakilanlan ng brand tulad ng mga layunin mo, iminumungkahing pakinabang, at mga pagpapahalaga ng brand. Siyamnapu't isang porsyento ng mga customer ang may gusto na tunay ang mga brand na sinusuportahan nila, kaya mahalaga ang pag-alam sa kung sino ka at kung anong pinaninindigan mo — at ang pagpapakita noon sa pagkakakilanlan ng brand mo.
- Pangalan ng brand: Ang pangalan ng brand mo ay dapat na hindi malilimutan, madaling ma-spell at basahin, at kumpiyansa kang hindi malalaos sa paglipas ng panahon.
- Tagline: Ang tagline mo dapat ang unang bagay na gusto mong matandaan ng mga tao tungkol sa kumpanya mo. Ano ang mabilis at nakakapukaw na paraan para maipahayag ang iminumungkahi mong pakinabang sa brand voice mo?
Pag-ugnayin ang lahat ng iyon gamit ang design ng logo.
Kapag malinaw nang natukoy ang layunin at pangalan mo, ikaw at ang team mo ay pwede nang magsimula sa mga design ng logo para gumawa ng makikilalang representasyon ng brand mo. Gawing layunin ang paggawa ng logo na simple pero kakaiba, at tumutugma sa pagkakakilanlan ng brand mo.
Pagpili sa color palette at mga typeface mo.
Color palette.
Makikinabang ka sa magandang pagpili ng kulay ng brand mo, at patuloy na paggamit nito. Hindi mo kailangang maging eksperto sa color theory para matukoy kung anong mga kulay ang nababagay para tulungang ipahayag ang personalidad ng brand mo. Magsimula sa pag-aaral ng mga brands sa industriya mo. Subukang balansehin ang pagpili ng mga kulay na karaniwan sa industriya mo at paghahanap ng ganap na naiibang color palette. Mag-explore ng iba't ibang shade sa Adobe Color, na available sa browser mo o sa Adobe Illustrator.
Artwork ni Markaworks.
Mga typeface at font.
Mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng brand ang custom na typography o typeface na maingat na pinili. Pwede rin itong magdagdag ng mahalagang panapos na detalye sa logo mo. Sa katunayan, maraming logo ang custom na typography lang na ginawa nang mahusay. Saan mo man ito gagamitin, kailangan ng brand mo ng typeface na mauunawaan ng client o customer base mo. Kakailanganin ng team mo ng hindi bababa sa dalawang font sa toolkit nila — isa para sa mga headline at display copy at iba naman para sa body copy.
- Mag-design ng sarili mong custom na typeface. Magandang tool ang Illustrator para sa pagsulat-kamay ng mga titik na gagamitin sa logo. At pagkatapos ay pwede pa itong higitan ng team mo at mag-design isang buong custom na typeface na magagamit mo sa mga darating pang panahon.
- I-explore ang malawak na library ng Adobe Fonts. Tumuklas ng mga bagong font at idagdag ang mga ito sa toolbox mo mula sa library ng Adobe Fonts, na available sa pamamagitan ng Creative Cloud para sa mga team. Sa Illustrator o Adobe InDesign, piliin ang pull-down menu sa ilalim ng Font Family at piliin ang Magdagdag ng mga Font mula sa Adobe Fonts.
Pag-store at pag-share ng mga asset.
Kapag nabuo mo na ang pagkakakilanlan ng brand mo, mahalagang matiyak ang pagiging consistent ng pagkakakilanlang iyon sa pakikipag-ugnayan sa customer mo. Makakatulong ang platform tulad ng Creative Cloud para sa mga team na matiyak na may access ang lahat sa organisasyon sa mga tamang bersyon ng mga asset ng pagkakakilanlan mo, para magagawa ninyong manatiling naka-sync at naaayon sa brand.
I-share ang biswal na pagkakakilanlan mo sa team mo.
Kapag secure nang na-save ang mga element ng visual mo, mashe-share mo na ang style guide mo sa team mo nang walang kahirap-hirap. Sa alinman sa mga desktop app ng Creative Cloud, buksan ang menu ng mga Opsyon sa ilalim ng mga Library at Makipag-collaborate. Maglagay ng mga email address na pinaghihiwalay ng mga kuwit sa browser window na bubukas at i-click ang Imbitahan. O kaya, sa panel ng Mga Library, piliin ang library mo ng visual na pagkakakilanlan, buksan ang menu, at piliin ang I-share ang Link.
Ang katapatan sa brand ay binubuo mula sa kalidad at pagiging consistent, hindi sa dalas, at ang pagsisikap na gumawa ng matatag na pagkakakilanlan ng brand ay magiging kapaki-pakinabang kalaunan sa paggawa ng koneksyong iyon.
Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.
MGA KWENTO NG CUSTOMER
Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.
PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN
I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.
MGA TUTORIAL
Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para buuin ang pagkakakilanlan ng brand mo.
Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.