5 paraan para mangibabaw ang maliit na negosyo mo sa kompetisyon.

Mga tip para magkaroon ng epekto sa punong merkado.

Kamay na may hawak ng lalagyan ng inumin na may logo ng kumpanya

Dahil sa maliliit na badyet at mga empleyadong maraming ginagampanang tungkulin, limitado ang mga resource para sa maliliit na negosyo habang mainit ang kumpetisyon. Mayroong pressure mula sa mga higanteng marketplace tulad ng Amazon kasabay ng pagsisikap ng iba pang negosyo — malaki at maliit — na tumatak sa parehong merkado.

 

Ang unang taon ng pagpapatakbo ng maliit na negosyo, lalo pa ang pagpapatakbo ng isa nang lima o higit pang taon, ay pwedeng maging malaking hamon. Kung isa kang may-ari ng maliit na negosyo, kailangan mong maging malikhain. 

 

Habang kailangan mo talagang mamukod-tangi ang brand mo, marami kang pwedeng gawin bago ka magkaroon ng badyet para mamuhunan sa nakatuong creative team o ahensya para palakihin ang brand mo.

Narito ang ilang tip para matulungan kang maabot ang mga tamang customer nang may pinakamalakas na epekto.

Tip 1: Unawain ang mga customer mo.

 

Ipakita ang mga aktibidad mo sa marketing sa mga tamang tao sa tamang oras para hindi masayang mga resource mo sa content na natatabunan ng ingay ng ibang bagay.

 

Humihingi ang mga customer ngayon ng magandang experience. Kasama roon ang mga experience sa marketing at advertising. Tiyaking nauugnay sa mga taong tina-target mo ang content na ibinibigay mo. Maglaan ng oras sa pagsasaliksik online para tumuklas ng impormasyon tungkol sa demograpiko at kagawian ng mga customer mo at pagkatapos ay magbigay ng mga experience na mahalaga sa kanila. Ang pag-unawa sa audience ay ang susi sa paghahatid ng mga makabuluhang experience at paggawa ng matagumpay na content marketing strategy.

 

Habang nangongolekta ka ng higit pang data, pwede kang maging mas tiyak sa kung sino ang gusto mong maabot ng mga ad mo. At kapag nakipag-ugnayan ang mga customer sa iyo, tiyaking hikayatin silang mag-opt in sa mga direktang aktibidad mo sa marketing. Panghuli, gamitin ang listahan ng customer na ito para gumawa ng magkakamukhang audience na tutulong sa iyong makaabot ng mga bagong customer. 

Tip 2: Tumugon sa pangangailangan.

 

Kapag kilala mo na ang mga potensyal na customer mo, matutukoy mo ang mga pangangailangan nila — at kung anong mga pangangailangan ang hindi natutugunan ng mga kakumpitensya mo. Magsaliksik tungkol sa mga kakumpitensya mo sa market para makita kung saan ang mga pagkukulang — at pag-isipan kung ano ang maibibigay mo na hindi ibinibigay ng mga kakumpitensya mo. Posibleng kailangan mong magbigay ng guarantee para sa mga libreng pagbabalik o next-day delivery, o pwede mong palawakin ang product line mo para magsama ng mga nako-customize na opsyon.

 

Ang isa pang paraan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga customer mo ay ang paghahanap ng ilang partner. Maghanap ng mga negosyong hindi nakikipagkumpitensya sa iyo pero nagta-target ng parehong customer, at baka pwede kayong magsanib ng mga gawain — at badyet — para magbigay ng suite ng mga produkto o serbisyo. Pwede kang makipagtulungan para mag-host ng mga giveaway, o kung nasa iisang lokasyon kayo, magbenta ng mga produkto nang magkasama sa event sa komunidad tulad ng farmer’s market o 5K. 

Tip 3: Gumawa ng content nang mabilis.

 

Bumuo ng kaalaman sa mga customer sa pamamagitan ng pagpapanatiling bago ng content mo. Hindi ito nangangahulugang magsimula sa umpisa sa bawat pagkakataon. Pero malaki ang magagawa ng maliliit na update para ipaalam sa mga tao na may nangyayari sa brand mo.

 

Una, bumuo ng mabilis na kalendaryo ng content na madaling i-share at parehong nagpapaalam at nagbibigay-impormasyon. Pwede ito sa format ng mga artikulo, infographics, mga video, at marami pa. Planuhing i-post ang lahat ng ito sa website mo dahil kapag regular kang nagdaragdag ng bagong content, tataas ang Google ranking mo, magkakaroon ka ng bagay na ipo-promote, at magkakaroon ka ng content na mali-link ng iba pabalik.

 

Sunod, gumamit ng mga subset ng content na iyon para i-promote ito sa social media, sa mga email, at sa mga display ad na maghahatid ng mga customer sa

site mo. Tiyaking laging magkaroon ng call to action na nagbibigay-daan sa pagbili.

 

Gumawa ng content na may propesyonal na kalidad nang mabilis at walang kahirap-hirap gamit ang mga user-friendly na app tulad ng Adobe Express at Adobe Premiere Rush, para mamukod-tangi ang negosyo mo. May magagandang template ang mga ito at ginagabayang pagkatuto para matulungan kang magsimula nang mabilis, nang hindi kinakailangang magsimula sa simula, at posibleng ang pinakamagandang bahagi ay ang kung gaano kadaling maglipat ng mga image sa pagitan ng mga produkto at na-publish na resulta. 

Tip 4: Maging social.

 

Ang social media na siguro ang pinakamahalagang tool na pwedeng gamitin ng maliit na negosyo para pataasin ang brand awareness at makipag-ugnayan sa mga customer. Ngayon, mahigit tatlong bilyong tao sa buong mundo ang gumagamit ng social media. Lalong mahalaga ang platform na ito sa maliliit na negosyo dahil magagawa mong direktang makipag-ugnayan sa mga tao kung nasaan sila, sa halip na subukang papuntahin sila sa iyo. Sa social media pwede kang sumagot ng mga tanong, magbigay ng naka-personalize na atensyon, at kahit pa magbenta.

 

Libre ang pag-share ng content sa page mo sa social media, at kung tutuusin ay hindi mahal ang may bayad na advertising sa social media para sa maliliit na negosyo. Para magsimula, kailangan mo lang ng content na nakakahimok tingnan na makakapukaw ng atensyon ng tumitingin habang nagsa-scroll siya sa news feed niya.

 

Pinapadali ng Adobe Express na pagsamahin ang mga image at text para sa graphics at mga video na pwedeng awtomatikong baguhin ang laki para sa iba't ibang social media platform. Kung gusto mong mag-shoot at mag-edit ng video, hindi mo kailangan ng background sa paggawa ng video. Pumunta lang sa Premiere Rush para maging abot-kamay ang lahat ng pangunahing impormasyon. 

Tip 5: Gawin itong mobile.


Hindi sapat ang pagkakaroon ng magandang desktop site — kung gusto mong maungusan ang kakumpitensya mo at magbigay ng pinakamagandang experience na posible para sa mga customer, huwag laktawan ang pag-optimize sa content mo para sa mobile. Patuloy na dumarami ang mga account para sa mobile na paggamit sa humigit-kumulang kalhati ng lahat ng web traffic, at mobile commerce.

 

Palagiang suriin ang site mo para matiyak na nakikita at gumagana ito nang maayos sa mobile device. O mas maganda pa, i-design ang lahat ng content mo nang binibigyang-priyoridad ang mobile. I-compress ang mga image mo para sa mas mabilis na tagal ng pag-load at manatiling nangunguna sa mobile SEO mo. Kung hindi makita ng mga customer ang mga produkto sa site mo, kung masyadong matagal ito, o kung masyadong mahirap maglagay ng impormasyon para maghanap o bumili, hindi sila magkakaroon ng magandang experience at posibleng mawalan ka ng benta.

 

Alamin kung paano ka matutulungan ng Adobe Creative Cloud para sa mga team na magtagumpay sa pag-market ng maliit na negosyo mo.

Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.

MGA KWENTO NG CUSTOMER


Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.

PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN


I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.

MGA TUTORIAL


Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
 

Tumuklas ng mga app na makakatulong na gawing namumukod-tangi ang negosyo mo.

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.