6 na paraan para makakuha ng mga bagong customer.

Mga tip para pahusayin ang customer acquisition strategy mo nang nagtitipid.

Isang may-ari ng negosyong naktayo at gumagamit ng tablet computer sa opisina nila

Ang customer acquisition ang isa sa mga pangunahing hamon para sa maliit na negosyo. Kailangan mo ng mga bagong customer para manatili sa negosyo at patuloy na lumago, pero nangangailangan ito ng mga resource at pwedeng maging magastos. Sa nakalipas na limang taon lang, tumaas nang 50% ang gastusin para makakuha ng mga customer.

 

Mahirap ang manghikayat ng mga bagong customer kapag maliit ang badyet, pero palaging may paraan para magawa ito. Gamitin ang mga sumusunod na tip para paigtingin ang customer acquisition strategy mo. 

1. Bumuo ng scalable na diskarte at magtakda ng malilinaw na layunin. 

 

Ang unang hakbang sa pagbuo ng matagumpay na customer acquisition strategy ay ang pagtatakda ng mga nasusukat at makatotohanang layunin. At para gawin iyon, kailangan mo ng data. Tingnan ang mga kasalukuyang customer mo at pagtuunan ng pansin ang mga gawi nila sa paggastos at kung paano sila nakikipag-ugnayan sa negosyo mo. Gumamit ng impormasyon tungkol sa demograpiko at kagawian para bumuo ng mga profile ng customer at tumukoy ng mga katulad na audience na ita-target. Pagkatapos ay gumawa ng plano para maabot ang mga potensyal na customer na iyon sa mga pinakaepektibong touchpoint.

 

Habang gumagawa ka ng plano para makahikayat ng mga bagong customer at mapataas ang kita mo, tiyaking scalable ang acquisition strategy mo — ibig sabihin, hindi mo gugustuhing limitahan ka ng gastusin mo habang lumalago ang negosyo mo. Makakatulong ang pananatiling nakatuon sa mga layunin mo. Mag-target ng mga audience na ipinapakita ng data na magkakaroon ng interes sa produkto o serbisyo mo.

2. Gumawa ng nakakaengganyong content at gawin itong madaling hanapin. 

 

Malaki ang gampanin ng content sa pagpukaw ng atensyon ng mga potensyal na customer. Ayaw ng mga consumer ngayon na hikayatin sila — gusto nilang sila ang gagawa ng sarili nilang pasya. Ang gampanin mo ay gumawa ng content na magbibigay sa kanila ng mga tool na kailangan nila para makagawa ng maalam na desisyon, habang pinapalawak din ang pagkakakilala sa brand mo.

 

Tinutulungan ng mga user-friendly na tool tulad ng Adobe Express at Adobe Premiere Rush ang kahit sino — kahit pa isang taong walang background sa design o marketing — na gumawa ng de-kalidad at magandang content. Tinutulungan ka ng Adobe Express na gumawa ng content para sa mga social media site tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, at LinkedIn, pati na rin infographics at mga blog. Matutulungan ka ng Premiere Rush na mag-shoot, mag-edit, at mag-share ng mga de-kalidad na video mula mismo sa telepono mo. Panatilihing updated ang website at iba mo pang channel gamit ang content na tumutugon sa mga pangangailangan ng target na audience mo.

 

Kapag nakagawa ka na ng content, tiyaking mahahanap ito ng mga taong may profile na gusto mo. Gumamit ng analytics tool para alamin kung ano ang hinahanap ng mga customer mo kapag binibisita nila ang site mo, at pagkatapos ay gamitin ang mga susing termino sa content mo — isa itong hindi magastos na paraan para simulan ang SEO strategy mo. Dagdag pa, puhunanan ang mga terminong iyon para lalabas ang site mo bilang may bayad na ad kapag naghahanap ang mga customer mo sa Google. 

3. Isipin ang omnichannel — tulad lang ng ginagawa ng mga customers mo. 

 

Mahigit 70% ng mga customer ang nakikipag-ugnayan sa negosyo sa maraming paraan bago magpasyang bumili. Posibleng maghanap sila online, tumingin ng banner ad, makipag-ugnayan sa post sa social media, at mag-click sa email bago sila maging handang bumili. Puntahan ang target na audience mo kung nasaan sila, para maiwasang may malaktawang mga interesadong customer. At tiyaking magbigay ng consistent na customer experience sa lahat ng iba't ibang channel.

 

Pwedeng maging mahirap na gumawa ng content para sa maraming channel, pero pinapadali ng mga program tulad ng Adobe Express ang paggawa ng graphics nang isang beses at pag-convert sa mga ito sa mga naaangkop na laki para sa lahat ng uri ng paggamit, pati na sa iba't ibang social platform tulad ng Facebook, Instagram, at Pinterest. At nakakatulong itong panatilihing consistent ang branding mo sa maraming channel. Hanapin ang mga bagay na image para sa gawa mo sa Adobe Stock at gawing iyo ang mga ito sa pamamagitan ng pag-edit sa Adobe Lightroom at Adobe Photoshop. 

4. Panatilihing simple ang pagbebenta. 

 

Mahahanap ng potensyal na customer ang website mo, pipili siya ng produkto, at tutuloy sa pag-checkout — para lang mag-click paalis bago kumpletuhin ang pagbili. Animnapu't pitong porsyento ng lahat ng online na shopping cart ang iniiwan. Posibleng interesado ang mga potensyal na customer sa produkto mo at handa silang bumili, pero pinigilan sila ng isang bagay sa proseso ng checkout.

 

Nauugnay sa presyo at kadalian ng pag-checkout ang mga pinakakaraniwang dahilan ng pag-iwan ng mga customer sa mga cart. Kung magkakaroon ang customer ng mga nakatagong bayarin o ng hindi inaasahang mataas na gastusin sa shipping sa mga huling yugto ng pagbili, malamang na hahanap sila ng mas magandang opsyon sa ibang lugar. Bukod pa rito, kung masyadong matagal ang proseso, at kinakailangan silang gumawa ng masyadong maraming bagay, maiinis sila at aalis.

 

May ilang paraan para malutas ang problema sa pag-iwan ng cart. Kung kaya mo, pag-isipang magbigay ng libreng shipping o mga kumpletong refund. Mas magiging kumportable ang mga customer sa pagbili online kung hindi sila nape-pressure na magbayad ng karagdagang pera o natatakot na baka hindi gumana ang produkto.

 

At gawing madali hangga't posible ang proseso ng pag-checkout — tiyaking madaling makakalipat ang customer sa cart nila at sa natitirang bahagi ng website, at magbigay ng opsyon sa pag-checkout para sa bisita para hindi kailanganin ng mga customer na kumumpleto ng mahabang pag-register. Mapapataas din ng pagbibigay ng maraming opsyon sa pagbabayad ang pagkumpleto sa cart. 

5. Mag-target ulit ng mga bumibisita sa website na hindi bumibili. 

 

Kung may nakakarating sa website mo pero hindi bumibili, hindi mo kailangang sumuko. Nagpakita na sila ng interest at posibleng kailangan lang nila ng kaunting pangungumbinsi para kumpletuhin ang pagbili. Sa pamamagitan ng mga hakbang tulad ng campaign sa ad retargeting at pag-recover ng email, pwede mong ibalik ang mga nag-iwan sa mga cart nila.

 

Magsimula sa pamamagitan ng paghahati sa iba't ibang uri ng pag-iiwan ng cart batay sa mga salik tulad ng uri ng produkto, ilang beses binisita ng customer ang site, at ang pangkalahatang halaga ng cart. Matutulungan ka ng pagtukoy sa impormasyong ito na bumuo ng mga naka-personalize na mensahe na tutulong sa mga customer na malampasan ang anumang hadlang na pumipigil sa kanilang kumpletuhin ang pagbili. Kapag nagawa mo na ang mga segment, ipadala ang bawat ad na naka-target sa grupo sa mga pinakaepektibong channel para ipaalala sa kanila ang kumpanya mo at ang mga benepisyo ng pagbili mula sa iyo.

 

Isa pang paraan ang mga campaign sa pag-recover ng email na pwede mong gawin. Pwede mo itong i-set up para ipapadala ang email o serye ng mga email sa customer na mag-iiwan ng cart. Dapat ay impormasyong naka-personalize sa customer ang nasa mga email na ito, batay sa mga segment na binanggit sa itaas. Ipaalala sa customer ang produkto kung saan sila interesado, ipaliwanag ang halaga ng pagbili mula sa iyo, at pag-isipang magbigay ng guarantee o promotion para sa item na pinag-uusapan. 

6. Bigyan ng gantimpala ang katapatan. 

 

Habang kailangan ang paghihikayat ng mga bagong customer, kasinghalaga lang din nito ang customer retention para sa paglago ng negosyo, kung hindi higit pa rito. Kapag matagumpay mong nahikayat na bumili ang isang potensyal na customer, gusto mong bumalik-balik sila. Mas madaling bentahan ang mga umuulit na customer, dahil alam at pinagkakatiwalaan na nila ang mga produkto mo at nakabuo na sila ng emosyonal na koneksyon sa negosyo mo. Mas mataas din ang average na halaga ng order nila. Sa katunayan, ang nangungunang 1% na mga customer ng brand ay karaniwang gumagastos nang limang beses nang mas mataas kumpara sa natitirang 99%.

 

Magpasimula ng programa sa katapatan ng customer. Kung makakaipon ng mga reward ang mga customer para sa mga pagbili, magkakaroon sila ng insentibo para bumili pa mula sa iyo. At sa pamamagitan ng programang nagbibigay ng mga diskwento para sa mga referral, pwedeng bumalik ang mga tapat na customer at ipakilala ang brand mo sa mga potensyal na mamimili. Naipakitang ang word-of-mouth promotion ay nakakaimpluwensya sa 50% ng lahat ng pagbili, kaya gamitin ang programa sa katapatan mo para gawing marketer ang mga customer sa ngalan mo.

 

Dahil pinagkakatiwalaan ng mga tao ang mga consumer na gaya rin nila, pwedeng maghatid ang peer influence ng parehong mga customer sa site mo. At kung nag-uusap ang mga kasalukuyang customer mo nang positibo tungkol sa iyo online, pwede mo ring i-share ang content na iyon sa sarili mong site at mga social channel.

 

Sa pagtuon sa diskarte mo sa pakikipag-ugnayan sa customer at pagpunta sa mga customer sa kung saan sila gamit ang epektibong content, makakahanap at makakapanghikayat ka ng mga interesadong customer. At magagawa ng mga programa sa katapatan at naka-personalize na mensahe na panatilihing interesado ang mga customer na iyon, at palaguin ang negosyo mo. 

Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.

MGA KWENTO NG CUSTOMER


Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.

PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN


I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.

MGA TUTORIAL


Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
 

Tumuklas ng mga app na makakatulong sa iyong gumawa ng nakakahimok na marketing material.

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.