5 DIY na diskarte para sa mga marketer sa maliliit na negosyo.

Tingnan kung paano pwedeng maging malikhain ang mga marketer para tulungang maging mas epektibo ang mga pagsisikap nila sa kung saan pinakakailangan ang mga ito.

Nakaupo ang dalawang marketer sa maliit na negosyo sa tabi ng logo sa pader.

Pagsulit sa marketing ng maliit na negosyo mo.

 

Hindi na bago sa maliliit na negosyo ang pagtatagumpay sa kabila ng maliliit nilang pagsisimula. Para sa mga marketer sa mga organisasyong ito, isang anyo ng sining ang paggawa ng marami mula sa kakaunti. At mas nagiging kahanga-hanga pa ito kapag inisip mo na one-third ng mga kumpanyang ito ang gumagastos ng hindi hihigit sa $10,000 taon-taon sa advertising, ayon sa survey mula sa The Manifest.  Para sa mga propesyonal sa marketing na nagta-trabaho sa maliliit na negosyo, ang hamon ay gawing katangi-tangi ang brand, magpataas ng traffic, at bumuo ng katapatan ng customer — gamit ang maliit na bahagi ng pera, oras, at mga resource ng mas malalaking kakumpitensya.

 

Sa kabutihang palad, hindi kailangan ng maliliit na negosyo ng malalaking badyet sa marketing o suporta ng ahensya para magtagumpay sa marketing at matulungang mamukod-tangi ang mga negosyo nila. Sa pagtuon sa mga sumusunod na limang malalakas na do-it-yourself na marketing strategy — at gamit ang mga tamang tool — makakapagbigay ng mas malakas na dating ang mga determinadong marketer sa maliliit na negosyo, kung saan pinakakinakailangan ito.

1. Gumawa ng marketing plan.

 

Pwedeng makaligtaan ng mga marketer sa maliit na negosyo ang kung anong hindi dapat mawala para sa mga marketer sa matatagumpay at malalaking negosyo. Sa kabalintunaan, wala nang mas nangangailangan pa ng marketing plan nang higit pa sa mga marketer sa maliliit na negosyo. Isang matatag na plano makakapagsama-sama ng lahat ng miyembro ng team sa iisang mga layunin at diskarte at makakapagbuhos ang bawat huling dolyar at oras ng pagtatrabaho sa mga lugar kung saan makakapagdulot ang mga ito ng pinakamalaking epekto.

 

Mayroong ilang mahalagang component ang matatag na marketing plan. Dapat itong magsimula sa paglalahad ng natatanging iminumungkahing pambenta ng brand at ng mga benepisyong ibinibigay nito sa mga customer. Dapat itong sundan ng pagtukoy sa diskarte sa presyo at pagpoposisyon ng brand, na makakatulong na unawain ang lahat ng susunod dito.

 

Kapag mayroon na ng dalawang pangunahing bahagi, pwede nang magpatuloy ang mga marketer sa pagbalangkas ng mga paraan sa pag-distribute na gagamitin nila, kung paano nila papangasiwaan ang mga pakikipagtransaksyon sa mga customer, mga sales strategy, at mga advertising at promotional strategy. Sa prosesong ito, mas nagiging nakatuon at sulit ang mga promotional plan ng negosyo, at nagiging higit na mas madali nang matukoy ang tagumpay.

 

“Bagama't karaniwang may mga napakaliit (o walang) badyet sa promotion ang maliliit na negosyo, hindi iyon nangangahulugang hindi makakapag-design at makakapagpatupad ng mga epektibong promotion plan ang maliliit na negosyo,” sabi ni Susan Ward sa The Balance Small Business. “Walang negosyo ang masyadong maliit para magkaroon ng marketing plan.”

2. Gamitin ang social media, email, at video.

 

Dapat subukan ng sinumang marketer sa maliit na negosyo na hindi sigurado sa kung saan magsisimula ang social media at email — na kilala dahil sa pagiging mura at high impact — at kahit ang video, na abot-kaya gamit ang mga tamang tool. Dahil 7 sa 10 maliliit na negosyo ang gumagamit ng Facebook, kalhati ang gumagamit ng Twitter at Instagram, at 64% ang gumagamit ng email marketing, patunay ang mga ito ng kung gaano kasulit ang mga channel na ito.

 

Makakakuha ang maliliit na negosyo ng malaking benepisyo sa marketing mula sa mga libreng feature ng mga social platform. Magagawa nilang kumonekta nang direkta at makipag-ugnayan sa mga audience nila, sumagot sa mga tanong, magsagawa ng mga online na event, at panatilihing updated sa mga offering nila ang mga customer. Kaya hindi nakakapagtakang itinuturing ng maliliit na negosyo ang social media bilang pinakamalaking oportunidad nila para sa brand awareness at pinakaepektibong medium nila para sa pagpapalaki ng benta at kita.

 

Syempre, may kanya-kanyang natatanging katangian ang bawat network. Kailangang maikli at may dating ang mga Tweet, at umaasa ang mga ito sa mga link para magbigay ng karagdagang impormasyon, habang pwede sa Facebook ang mas mahahabang post. Visual ang Instagram. Propesyonal ang LinkedIn, kaya magandang lugar ito para sa statistics at Infographics.

 

Kahit matagal na ang email, isa pa rin ito sa mga pinakasulit na paraan para sa mga maliit na negosyo para bumuo ng katapatan sa mga kasalukuyang customer at makahatak ng mga bago. Ang paggamit ng simpleng email o abot-kayang tool sa pag-automate ng email, kahit sa pinakamaliit na operasyon, ay kayang makapagpadala ng mga mensahe sa libo-libong customer tungkol sa mga paparating na promotion, mga offer para sa kapaki-pakinabang na content, o mga anunsyo tungkol sa mga bagong product release. Hindi nakakapagtakang mahigit kalhati sa mga maliit na negosyo ang nagpaplanong palakihin ang gastos nila sa email marketing ngayong taon, ayon sa ulat ng Manifest.

 

Pero ang isang hamong kinakaharap ng maliliit na negosyo sa social media, email, at video ay ang pagbibigay ng tuloy-tuloy na stream ng nakakaengganyong content na gusto ng mga user. Dito nagiging susi ang pagkakaroon ng mga angkop at user-friendly na tool — tulad ng Adobe Express. Binibigyang-daan ng Adobe Express ang isang marketer na gumawa ng mga kapansin-pansin sa paningin na social image, web page, o maikling video sa ilang minuto lang para mabilis na punuin ang social media feed o email blast ng content na may magandang design na mukhang propesyonal ang nag-design.

 

Tulad nito, para sa maliliit na negosyong nahihirapang gumawa ng de-kalidad na video nang nagtitipid, may mabibilis at madadaling tool sa pag-edit ang Adobe Premiere Rush na hulog ng langit, na may kasamang maraming video effects at kakayahang gumana sa video na kuha mula sa telepono, tablet, o desktop. Binibigyang-daan ng mga tool na ito ang mga marketer na gumawa ng napakagagandang DIY marketing campaign sa social, email, at video nang hindi umaasa sa mga external na ahensya o contractor.

3. Mag-cross-promote at i-leverage ang komunidad.

 

Kayang mapahusay ng paghahanap ng mga oportunidad para sa pakikipagtulungan sa mga kalapit na kumpanya o organisasyon ang mga aktibidad sa marketing nang higit pa sa kung anong kayang gawin ng isang kumpanya. Madalas, binibigyang-daan ng mga cross-promotion ang maliit na negosyo na hatiin ang mga gastusin sa promotion, makaabot sa mas malaking audience, at mapakinabangan ang kahusayan na posibleng mayroon ang ibang kumpanya.

 

Ganoon din ang sa pakikipagsosyo o pag-sponsor sa mga lokal na grupo o mga charitable cause. Karaniwang bumubuo ito ng mabilis na positibong brand association para sa maliit na negosyo — gusto ng mga customers ang mga kumpanyang tumutulong — at nagbibigay ito ng oportunidad para sa koneksyon.

 

Ginagawang posible ng mga tool tulad ng Adobe Express at Adobe InDesign na ilabas ang mga pansuportang asset — tulad ng nga newsletter para sa event, poster, social post, at email — na kinakailangan ng mga oportunidad na ito at nagdadala ng traffic sa brand. Huwag kalimutang tumingin sa Adobe Stock para sa mga naaangkop na image para talagang gawing namumukod-tangi ang content mo.

4. Pahusayin ang website mo.

 

Ngayong nagdadala ka na ng traffic sa site mo, tiyaking mayroong makikita at magagawa ang mga bisita mo rito. Ipinapakita ng data na ang pagiging responsive at mabilis, at pagkakaroon ng maganda at kapaki-pakinabang na content ay mahalaga sa pag-convert ng mga tao — sa pagsagot man ito ng form, pagbili, o pag-click papunta sa ibang page.

 

Dapat ding mamuhunan ang bawat maliit na negosyo sa responsive na website. Ayon sa 72% ng mga user, kinakailangan ang mga site na mobile-friendly, dahil mas malamang na umalis sa site ang mga nakakapunta sa mga site na hindi na-optimize para sa mobile.

 

Bottom line: kailangang madaling mahanap ng mga bumibisita sa site sa mobile o hindi mobile ang hinahanap nila hangga't posible. Dapat na na-optimize para sa layuning ito ang lahat ng layout at navigation. . Ganoon din ang sa tagal ng pag-load ng page. Kung inaabot ang page nang average na mahigit tatlong segundo para mag-load, mahigit kalhati sa mga bumibisita ang aalis dito. Kaya dapat na maglaan ng ang matatalinong maliit na negosyo para i-optimize ang site nila, kasama ang mga image, para pabilisin ang tagal ng pag-load ng page.

5. Repurpose, repurpose, repurpose.

 

Ang magandang content ay nangangahulugan ng paglalaan ng oras, talento, at pera. Sulitin ang paglalaang iyon sa pamamagitan ng paghahanap ng mga paraan para gamitin ulit, i-recycle, at gawing bago ulit ang content. Halimbawa, pwedeng gamitin ulit ang blog post bilang infographic. Pwedeng gamitin ulit ang infographic at gawing mga image sa social media o motion graphic video.

 

Kapag may access ang maliit na negosyo sa mabibilis at madadaling gamiting tool tulad ng nasa Adobe Creative Cloud (kasama ang Adobe Express, Premiere Rush, at InDesign), pwedeng gawin nang DIY ang ganitong uri ng pag-repurpose ng maliit na team (o kahit pa isang tao), kaya hindi na kailangang magpatulong sa mga mas mahal na contractor o ahensya.

Paggawa ng mas marami, at paggawa nang mas mahusay, gamit ang mas kaunti. 

 

Magiging sobrang kapaki-pakinabang ang limang diskarteng ito para sa mga marketer sa maliliit na negosyo na may limitadong resource — hindi lang sa pagbibigay-daan sa kanilang maghatid nang higit pa gamit ang kung anong mayroon sila, pero sa pamamagitan din ng pagbibigay sa kanila ng kakayahang ilaan ang mga pagsisikap na iyon sa mga tamang lugar para mapataas ang pagbalik ng ipinuhunan nila.

 

Magbasa pa tungkol sa kung paano pinapadali at ginagawang sulit ng Adobe Creative Cloud para sa mga team, na may access sa Adobe Express, Premiere Rush, InDesign, at marami pa, ang marketing para sa maliit na negosyo mo.

Humanap ng mga malikhaing paraan para palaguin ang negosyo mo.

MGA KWENTO NG CUSTOMER


Tingnan kung paano bumubuo ang mga customer ng Adobe ng magagandang experience sa Creative Cloud para sa mga team.

PINAKAMAHUHUSAY NA PAMAMARAAN


I-browse ang mga pinakabagong alituntunin sa epektibong pag-design, marketing, at marami pa.

MGA TUTORIAL


Pahusayin pa ang pagkamalikhain mo sa mga step-by-step na tutorial.
 

Tumuklas ng mga app na makakatulong na gawing namumukod-tangi ang negosyo mo.

Tumuklas ng mga app na pwede mong gamitin para sa DIY na marketing.

 

Premiere Rush, Adobe Express, InDesign

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.