Palakihin ang negosyo mo gamit ang mga experience na babalik-balikan ng mga customer.
Mula sa paunang ideya, hanggang sa mga multi-platform ready na asset. Mabilis na dinadala ng Adobe Creative Cloud para sa mga team ang mga ideya mo sa market. Tingnan kung paano nagawa ng Lush na i-level up ang retail experience nito at i-deploy ang solution nito nang mahusay at malawakan.
Sa tutorial na ito, makikita mo kung paano bigyang-buhay ang mga konsepto mo.
Tuklasin kung paano ginamit ng Lush ang Adobe Photoshop CC para gumawa ng mga mockup at ang Adobe After Effects CC para simulan ang mga ideya.
Kwento ng Lush sa isang sulyap.
Itinatag ang brand ng Lush sa malinaw at tapat nitong mga pangunahing paniniwala, kung saan priyoridad ang pagbabago sa pagpapalawak ng brand at negosyo nito sa buong mundo. Ganito pinagsama ng Lush ang digital at aktwal sa retail experience nito para mapalawak ang negosyo nito.
Ang hamon ng negosyo.
Ang Lush ay isang etikal na inventor, manufacturer, at retailer ng cosmetics. Sa pagbubukas ng mas maraming tindahan sa buong mundo nang mabilis, patuloy na hinahangad ng Lush na pahusayin ang mga retail experience nito nang malawakan.
Sa paggamit ng teknolohiya at pagbabago, gusto nitong gumawa ng mga mas immersive, sustainable, at inclusive na retail experience para sa huli, mahimok ang pag-unlad ng negosyo at brand.
Mga layunin ng Lush.
May apat na pangunahing layunin ang Lush; mapataas ang saloobin sa brand, mabawasan ang carbon footprint nito, makapagbigay ng walang hangganang experience para sa mga customer nito, at panghuli, mapabuti ang kahusayan at mga proseso ng negosyo nito.
Ang creative solution.
Sa pagtatakda ng hamon at mga layunin nito, may huhubuging creative solution ang Lush. Gamit ang mga pagbabago sa teknolohiya pati na rin kakayahan ng Creative Cloud para sa mga team, nagawa ito ng Lush sa pamamagitan ng pag-develop ng mga flip-drop at e-ink display para sa mga tindahan nito.
Binigyang-daan ng mga naka-integrate na workflow sa pagitan ng mga app tulad ng Adobe Photoshop, Illustrator, After Effects, at Premiere ang mga creative team na gumawa ng magandang content para sa immersive na bagong direksyon nito.
Nagresulta ito sa experience na nagbibigay-daan sa mga customer na tumuklas ng mga produkto nang visual sa mga dynamic na screen sa halip na magbasa ng mga naka-print na materyal.
Ang mga resulta.
Pinapatunayan ng mas mabilis na oras para mag-market, pinahusay na oras ng pananatili sa tindahan, at mas mababang carbon footprint kung paano nakamit ng Lush ang kahusayan at sustainability.
Gamit ang mga LED screen na naa-update nang real-time at nang malayuan gamit ang mga bagong asset, sinusulit ng Lush ang mga harapan ng tindahan at palapag ng tindahan nito.
Nagsasama-sama ang lahat ng ito para sa mas magandang retail experience para sa Lush at mga customer nito.
Kailangan ng higit pang impormasyon?
Tiyaking i-download ang buong ulat.
Alamin pa ang tungkol sa Lush online
Creative Cloud para sa mga team
Ngayong may inspirasyon ka na, bakit hindi magsimula sa Adobe Creative Cloud para sa mga team?
Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.
Single App
Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*
PINAKASULIT
All Apps
Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.
Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon
May mga tanong? Mag-chat tayo.
Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise
* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.