May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Oo, pwede mong i-download ang kahit anong Substance 3D app at subukan ito nang libre sa loob ng 30 araw.
Papagandahin ng mas mahuhusay na hardware at graphics processor ang experience mo sa mga Substance 3D app. Alamin pa ang tungkol sa inirerekomendang hardware para sa pinakamagandang 3D experience.
Ang Substance 3D texturing plan ay kinabibilangan ng Painter, Designer, at Sampler app, at hanggang 30 3D material kada buwan. Ang Substance 3D collection plan ay kinabibilangan ng Modeler, Painter, Designer, Sampler, at Stager apps, at hanggang 50 3D asset kada buwan.
Oo, ang Substance 3D plan mo ay may kasamang mga de-kalidad na 3D asset, na available para ma-download kada buwan. Ang lahat ng asset sa Substance 3D ay royalty-free at magagamit sa lahat ng komersyal at creative na proyekto mo.
Hindi, eksklusibong ibinebenta ang mga Substance 3D app sa mga Substance 3D plan. Alamin pa kung ano'ng kasama sa mga Creative Cloud All Apps plan.
Ang Stager ay isang bagong 3D app para mag-compose at mag-render ng mga 3D scene na nagbibigay ng iba't ibang bagong feature.
Oo, ibinibigay namin ang Substance 3D Collection para sa mga customer ng enterprise. Alamin pa ang tungkol sa Adobe Substance 3D para sa enterprise.
Kasama ang Substance 3D sa mga Creative Cloud plan nang libre para sa mga kolehiyo at unibersidad na Higher Education. Hindi kasama ang mga asset sa Higher Education plan. Hindi kasama ang mga K12 institution sa alok na ito sa oras na ito. Ang mga Substance 3D texturing app ay available nang libre para sa mga estudyante at guro dito (hindi komersyal na paggamit, para sa pag-aaral lang).
Pagkatapos mong mag-subscribe, magiging available ang mga Substance 3D app sa desktop app ng Creative Cloud para ma-download at ma-install.