Pwede mong bilhin ang Lightroom nang ito lang o bilang bahagi ng Creative Cloud Photography plan o Creative Cloud All Apps plan. Kasama ang Lightroom Classic sa Lightroom Single App plan, Creative Cloud Photography plan, at Creative Cloud All Apps plan.
Hindi, magagamit lang ang Lightroom at mga pinakabagong bersyon ng mga Creative Cloud app kung may membership plan.
Oo, gamit ang Lightroom, magkakaroon ka ng access sa lahat ng pinakabagong update at release kapag naging available na ang mga ito.
Nangangailangan ang taunang plan ng isang taong commitment at ito ang pinakamura naming plan. Mayroon itong 14 na araw na money back guarantee. Kung magkakansela ka pagkatapos noon, sisingilin ka ng 50% fee para sa mga natitirang buwan. Binibigyan ka ng buwanang plan ng flexibility na ihinto at simulan ulit ang membership mo nang walang cancellation fee.
Lokal na mai-install sa computer mo ang mga desktop application ng Creative Cloud mo — kabilang ang Lightroom. Hindi mo kailangan ng tuloy-tuloy na koneksyon sa internet para magamit ang mga ito. Kailangan mo lang kumonekta sa internet nang isang beses kada 99 na araw para i-validate ang membership mo.
Oo, puwede kang mag-install at gumamit ng mga desktop app ng Creative Cloud sa dalawang computer, gaya ng computer sa bahay at sa trabaho. (Mac, PC, o tig-isa nito.)
Kung maubusan ka ng storage, mase-save lang ang mga bago mong larawan sa mga device kung saan nagmula ang mga ito. Hindi na maba-back up ang mga ito sa cloud o masi-sync sa mga device mo, at hindi na awtomatikong mata-tag ang mga ito para sa madaling paghahanap ng keyword sa Lightroom. Maa-access pa rin sa lahat ng device mo ang mga larawang na-back up mo na sa cloud.
Kung kailangan mo pa ng storage, pwede mong i-upgrade ang 20GB na plan sa 1TB o i-boost ang kabuuang storage mo sa 2TB, 5TB, o 10TB, na nagsisimula sa halagang ₱675.00/buwan kada terabyte. Para bumili pa ng storage, tumawag sa +65 3157 2191 Para i-upgrade ang kasalukuyan mong plan, mag-sign in sa Adobe ID account mo (Mga plan ko > I-manage ang plan > Lumipat ng plan). Para sa mga mas detalyadong tagubilin, tingnan ang Palitan ang plan mo sa Adobe.