Paano magsalin ng audio gamit ang Firefly.

Mas pinadali na ngayon ang pagsasalin ng mga audio file mo. Narito ang lahat ng kailangan mong gawin.

  • I-upload ang file mo.
    Buksan ang Translate Audio module. Mag-drag at mag-drop ng audio file na naka-record sa isa sa mga available na wika at naglalaman ng hindi bababa sa limang magkakasunod na segundo ng pagsasalita na may maximum na limang minutong haba ng file.
  • Pumili ng wika.
    Kapag tapos na ang pag-upload ng file mo, pumili ng hanggang sa limang wika para sa pagsasalin.
  • Isalin ang audio file mo.
    I-click ang Mag-generate para simulang isalin ang file mo.
  • I-download at i-share.
    Kapag tapos na, lalabas ang iyong bagong naisalin na file sa queue mo, kung saan pwede mong i-download at i-share ito.