Paano mag-generate ng mga AI video sa Firefly.
Madaling mag-generate ng mga sarili mong AI video sa pamamagitan ng pagsunod sa mabibilis na hakbang na ito:
- Buksan ang Firefly.
Mag-log in sa Firefly, pagkatapos ay piliin ang opsyong Text to Image o Image to Video sa homepage para buksan ang workspace. - Magsulat ng text prompt o mag-upload ng image.
Ang pinakamainam na istruktura ng isang text prompt para sa Text to Video ay naglalarawan ng uri ng shot, karakter, aksyon, lokasyon, at aesthetic. Maging tiyak upang makuha ang pinakamahusay na resulta, hanggang sa maximum na limitasyon na 175 salita. Halimbawa, “isang cinematic, medium shot, eye level, ng isang maganda at fluffy na kuneho sa isang kagubatan na balot ng snow sa pagsikat ng araw, dreamy bokeh, lens flares, ang color grade ay mainit, ang kuneho ay realistiko na may malambot at detalyadong balahibo na kumikislap sa sikat ng araw, ang galaw ng kamera ay banayad at malumanay at nasa slow motion, kinuhanan sa pelikula, may film grain, at mga snowflakes na mahinang bumabagsak sa background, lubos na detalyado.” Ang Help Center ng Adobe ay mayroong detalyadong mga tip sa pagsusulat ng text prompt at mga halimbawa upang matulungan kang lumikha ng pinakamahusay na mga prompt.
Maaari ka ring mag-upload ng isang image na nais mong pagalawin ng Firefly. Sa ganitong kaso, dapat mo ring gamitin ang text prompt para ilarawan kung paano mo gustong bigyang-buhay ang image. - I-generate ang video mo.
Kapag masaya ka na sa prompt mo, i-click ang Mag-generate. Lalabas ang mga resulta sa ilang segundo. Kung nagustuhan mo ang video na na-generate ng Firefly, gamitin ang Download button sa itaas na kanan upang i-download bilang isang mp4 file. - Pagandahin, baguhin, at mag-generate ulit.
Paglaruan ang mga setting para mag-explore ng iba't ibang variation. Sa panel na nasa kaliwa, pwede mong i-adjust ang aspect ratio, anggulo ng camera, at ang galaw. At kung gusto mo, magdagdag ng karagdagang detalye sa text prompt mo para mag-generate ng mga bagong video. Siguraduhin lamang na i-save ang anumang mga video na gusto mo bago ka gumawa ng mga bago.