May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Ang After Effects ay software app para sa motion design at visual effects. Mag-animate ng text, graphics, mga illustration, at marami pa para gumawa ng kahit ano mula sa simpleng credit roll hanggang sa masalimuot na sequence ng pamagat. Mag-composite para magdisenyo ng nakakamanghang visual effects para sa pelikula, TV, video, at web. Alamin pa.
Pwede mong bilhin ang After Effects nang iyon lang sa halagang ₱1,295.00/buwan taunang plan na binabayaran buwan-buwan.Gayunpaman, maraming tao ang gumagamit ng After Effects kasama ang iba pang Creative Cloud app tulad ng Premiere Pro at Photoshop. Pwede mong kunin ang mga app na ito at marami pa bilang bahagi ng Creative Cloud All Apps plan, na nagkakahalagang ₱3,267.00/buwan ₱1,689.00/buwan sa unang taonsa unang taon, Tingnan ang mga tuntunin para sa taunang plan. Pwedeng kunin ng mga kwalipikadong estudyante at guro ang All Apps plan sa halaga lang na ₱1,126.00/buwan para sa unang taon. Mabibili ng mga negosyo ang mga lisensya ng team sa halagang ₱4,788.00/buwan ₱3,324.00/buwan. Tingnan ang mga tuntunin.
Pwede kang kumuha ng pitong araw na free trial ng After Effects. Ito ang opisyal at kumpletong bersyon ng app kaya masusubukan mo ito, matitingnan mo ang lahat ng tutorial, at makakuha ka ng inspirasyon sa kung ano ang magagawa mo gamit ang software para sa motion design at visual effects.
Idinisenyo ang After Effects para gumana nang tuloy-tuloy kasama ng iba pang Creative Cloud app para makatipid ng oras at maging mas epektibo ka. Para sa Photoshop, madali kang makakapag-import ng mga layered na PSD file nang hindi nababago ang mga layer. At kapag gumagamit ng Premiere Pro, pwede kang mag-import ng mga composition sa After Effects sa pamamagitan ng Adobe Dynamic link, kaya hindi na kailangan ng intermediate na pag-render. Alamin pa.
Kung gusto mong magdagdag ng motion sa mga design mo, pwede mong gawin ang anumang maiisip mo gamit ang After Effects. Mayroon kaming mga tutorial na makakatulong sa iyong matuto nang step by step at isang nakaka-inspire na creative na komunidad na abot-kamay mo.
Inirerekomenda naming mag-edit ng mga video clip sa dedicated na app sa pag-edit ng video tulad ng Adobe Premiere Pro. Ang After Effects ay app para sa motion design at visual effects. Binuo ang Premiere Pro at After Effects para maayos na gumana nang magkasama para tulungan kang gawin ang anumang maiisip na pelikula o proyekto na video.
May dalawang paraan ka para mag-render sa After Effects. Isang paraan ay ang pag-output ng creative na content mo sa pamamagitan ng Render Queue sa loob mismo ng app. O kaya, pwede mong i-render ang content mo sa labas ng After Effects sa pamamagitan ng Adobe Media Encoder. Alamin pa ang tungkol sa pag-render sa After Effects.