Mga madalas itanong
Para i-download at i-install ang Photoshop sa iPad, bisitahin ang App Store ng Apple sa device mo.
Oo. Kung mayroon kang Adobe Creative Cloudplan na may Photoshop, pwede mong i-download ang Photoshop sa iPad nang hindi bumibili ng isa pang plan. Pwede ka ring mag-subscribe sa Photoshop sa iPad bilang single app o bilang bahagi ng Design Mobile bundle mula sa App Store ng Apple.
- Ang bawat dokumentong ginawa sa Photoshop sa iPad ay isang dokumento sa cloud na maa-access mo sa iPad at desktop. Awtomatikong nasi-sync ang mga dokumento sa cloud sa lahat ng device.
- Para mabilis na ma-import ang isang file mula sa Creative Cloud*, pumunta sa Browse panel, piliin ang Mga Lokasyon > Creative Cloud. Kapag nasa Creative Cloud mode na, mag-browse at mag-navigate sa tamang file.
- Para buksan ang isang dokumento na ginawa sa iba, i-tap ang Mag-import at buksan, pagkatapos ay piliin ang Mga File.
*Dapat ay mayroon kang Creative Cloud app sa iPad mo at naka-sign in ka.
- Inirerekomenda namin ang paggamit ng 2nd-generation Apple Pencil sa Photoshop sa iPad. Sinusuportahan din ng app ang 1st-generation Apple Pencil. Hindi sinusuportahan ang third-party na mga stylus.
- Para malaman kung aling Apple Pencil ang gagana sa iPad mo, sumangguni sa suportang dokumentasyon ng Apple.
Gumagana ang Photoshop sa iPad sa mga Apple device na gumagamit ng iPadOS (14.0). Kabilang dito ang mga sumusunod na model ng iPad:
- iPad Pro 12.9-inch (inirerekomenda)
- iPad Pro 11-inch
- iPad Pro 10.5-inch
- iPad Pro 9.7-inch
- iPad (7th generation)
- iPad (6th generation)
- iPad (5th generation)
- iPad mini (5th generation)
- IPad mini 4
- iPad Air (3rd generation)
- iPad Air 2
Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy ng mga device na sinusuportahan ng iPadOS, tingnan ang suportang dokumentasyon ng Apple. Para sa tulong sa pagtukoy ng model ng iPad, tingnan ang suportang dokumentasyon ng Apple.