Responsableng inobasyon sa panahon ng generative AI.
Ang aming approach sa generative AI sa pamamagitan ng Adobe Firefly ay binuo batay sa isang dekadang karanasan sa pag-integrate ng AI sa aming mga produkto. Habang ginagamit namin ang kakayahan nito sa lahat ng application namin, mas nakatuon pa kami ngayon sa makabuluhan at responsableng pag-develop.
Ang pamamaraan namin sa generative AI sa pamamagitan ng Adobe Firefly.
Paggana ng ethics ng AI.
Ginagabayan ng mga prinsipyo ng Ethics ng AI namin ng pananagutan, responsibilidad, at transparency, gumawa kami ng mga naka-standardize na proseso mula sa design hanggang sa pag-develop at pag-deploy, kabilang ang pagsasanay, pagsubok, at proseso ng pagsusuri na pinapatnubayan ng diverse na Lupon ng Pagsusuri sa Ethics ng AI.
Pagsasanay
Kasinghusay lang ng AI ang data kung saan ito sinasanay, at kung anong mga resulta ang itinuturing na naaangkop ay depende sa bawat sitwasyon ng paggamit. Kaya bumubuo kami ng mga dataset para partikular na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa sa mga negosyo namin, para matiyak na mayroon kaming iba't iba at etikal na resulta na naaangkop para sa paraan kung paano gagamitin ang AI.
Pagsubok
Nagsasagawa kami ng mahigpit at tuloy-tuloy na pagsubok ng mga feature at produktong pinapagana ng AI para mabawasan ang mga mapaminsalang bias at stereotype. Kabilang dito ang naka-automate na pagsubok at pagsusuri ng tao.
Mga Pagtatasa ng Epekto
Nagsusumite ng Pag-assess ng Epekto sa Ethics ng AI ang mga engineer na nagde-develop ng anumang feature na pinapagana ng AI. Isa itong pag-assess ng epekto na may maraming bahagi na idinisenyo para tukuyin ang mga feature at produktong pwedeng magpalaganap ng mga mapaminsalang bias at stereotype. Nagbibigay-daan ito sa aming team ng Ethics ng AI na ituon ang mga pagsisikap nila sa mga feature at produktong may pinakamataas na potensyal ng etikal na epekto, nang hindi pinapabagal ang bilis ng inobasyon.
Diverse na pangangasiwa ng tao
Ang mga feature na pinapagana ng AI na may pinakamataas na potensyal ng etikal na epekto ay sinusuri ng diverse at cross-functional na Lupon ng Pagsusuri sa Ethics ng AI. Mahalaga ang diversity ng mga personal at propesyonal na background at experience sa pagtukoy ng mga potensyal na isyu mula sa iba't ibang pananaw na posibleng hindi makita ng isang team na wala masyadong diversity. Makinig sa mga miyembro ng lupon namin. Panoorin ang video.
Feedback
Nagbibigay kami ng mga mekanismo ng feedback para makapag-ulat ang mga user ng mga output na posibleng may bias at nang maaksyunan namin ang anumang alalahanin. Nagpapatuloy ang paglalakbay sa AI, at gusto naming makipagtulungan sa komunidad namin para mapaganda pa ang mga tool at produkto namin para sa lahat. Kung may tanong ka tungkol sa ethics ng AI o kung gusto mong mag-ulat ng posibleng isyu sa ethics ng AI, makipag-ugnayan sa amin.