Pinakasulit
Paghambingin ang mga Acrobat plan.
Mag-edit, mag-view, mag-print, at mag-share ng mga PDF sa desktop, web, at mobile gamit ang anumang Adobe Acrobat plan na pipiliin mo.
Ano'ng kasama sa Acrobat.
Access kahit saan
Gamitin ang Acrobat nasaan ka man — sa desktop, mobile, o sa web browser mo.
Mga Integration
Gumawa nang walang sagabal sa mga paborito mong app gamit ang mga built-in na integration ng PDF at e-sign.
Suporta sa customer
Gumawa ng case o magsimula ng chat kapag kailangan mo ng tulong sa account, pagsingil, o mga serbisyo mo.
Mga Tutorial
Alamin ang mga pangunahing kaalaman o pahusayin ang mga kasanayan mo gamit ang mga tutorial sa na idinisenyo para magbigay ng inspirasyon.
Seguridad
Gumawa ng PDF na pinoprotektahan ng password o paghigpitan ang pagkopya o pag-edit.
Storage
Ang membership mo sa Adobe ay may kasamang 100GB na cloud storage na pwede mong i-upgrade anumang oras.
May mga tanong? Mayroon kaming sagot.
Ang Acrobat ay isang PDF solution sa productivity at collaboration na may desktop software ng Acrobat, mga online na tool ng Acrobat, Acrobat Reader mobile app, at Adobe Scan app — lahat ng iyan para makapagtrabaho ka nang ligtas at mahusay kahit saan, sa anumang device.
May mga basic na PDF feature ang Acrobat Standard, na binibigyang-daan kang:
- Mag-edit at mag-ayos ng mga PDF
- Mag-convert sa at mula sa PDF ang mga dokumento
- Magsagot ng mga form, lumagda ng mga dokumento, at humiling ng mga e-signature
- Protektahan ang mga file gamit ang password
Kasama sa Acrobat Pro ang lahat ng kasama sa Acrobat Standard, pati na ang mga advanced na kakayahan ng PDF at e-signature Gamit ang mga advanced na feature, magagawa mong:
- Gawing mga nae-edit at searchable na PDF ang mga na-scan na dokumento
- Magkumpara ng mga PDF para suriin ang mga pagkakaiba
- I-redact ang sensitibong impormasyon mula sa mga PDF
- I-brand ang iyong mga kasunduan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng logo at custom na URL
- Gumawa ng mga web form at reusable na template ng e-sign
- Mangolekta ng mga bayad gamit ang Braintree kung available
- Tumanggap ng maraming e-signature at subaybayan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-send nang maramihan
Makikita mo ang pagkakatulad ng Acrobat Standard at Acrobat Pro sa iba pang Acrobat offering.
Kasama sa iyong subscription sa Acrobat ang desktop software, online access, at mga mobile app, na magbibigay-daan sa iyong mag-sync ng mga file sa mga computer at device nang walang kahirap-hirap.
- Desktop software ng Acrobat Pro o Acrobat Standard: Gamitin ang mga tool ng Acrobat sa iyong desktop, kasama ang mga advanced na feature sa pag-convert, pag-edit, at pagprotekta. Pwede mo ring i-integrate ang Acrobat sa iba pang productivity tool o pwede kang gumawa offline.
- Acrobat online: Gumamit ng mga PDF at e-signature tool sa anumang web browser. Pinapadali ng aming mga prebuilt na integration para sa Microsoft OneDrive, Google Drive, at marami pa na mag-store at mag-share ng mga file online. Pwede kang magpadala ng mga dokumentong lalagyan ng e-signature at pwede mong subaybayan ang mga tugon nang real time.
- Acrobat Reader mobile app: Ang libreng app na ito — na pinagkakatiwalaan ng daan-daang milyon — ay punong-puno ng lahat ng pinakabagong tool na kailangan mo para panatilihing tuloy-tuloy ang mga proyekto nasaan ka man.
- Adobe Scan mobile app: Gamitin ang libreng app na ito para mag-scan ng mga dokumento at gawing mga PDF at awtomatikong tumukoy ng text para sa pag-edit.
Kapag nag-subscribe ka sa Acrobat Pro o Acrobat Standard, magbabayad ka ng buwanan o taunang fee batay sa plan na pipiliin mo. Titiyakin ng mga regular na update na ang pinakabagong release ng Acrobat ang produktong ginagamit mo. Hindi mo kakailanganing i-upgrade ang produkto mo hangga't pinapanatili mong na-update ang subscription mo.
Hindi. Inihinto ng Adobe ang pagbebenta ng mga permanenteng bersyon ng Acrobat pagkatapos ng Acrobat 2020. Gayunpaman, kung gusto mo ng bersyon ng Acrobat na walang subscription, nagbibigay ang desktop software ng Acrobat Classic ng may bayad na access hanggang tatlong taon sa Acrobat desktop at available ito bilang one-time at agarang pagbili. Kasama rito ang mga quarterly na panseguridad na update pero hindi kasama rito ang mga pagpapahusay ng feature ng Acrobat o access sa mga premium na serbisyo ng Acrobat online sa pamamagitan ng web browser at mga mobile device mo.
Oo. Maraming tool at utility sa Acrobat ang available para mag-streamline ng mga pag-deploy sa enterprise at tumulong sa pagkontrol ng mga gastos sa IT. Para alamin pa, bisitahin ang page na mga resource ng IT.
Tingnan ang page ng mga kinakailangan sa system ng Acrobat para sa impormasyon.
Tingnan ang page ng mga kinakailangan sa system ng Acrobat para sa impormasyon.
Oo. Sa Adobe, priyoridad namin ang seguridad ng mga digital experience mo, nauugnay man sa pag-manage ng pagkakakilanlan, pagiging kumpidensyal ng data, o integridad ng dokumento. Gumagamit ang Adobe ng mga pamantayan sa industriyang pamamaraan sa seguridad para protektahan ang mga dokumento, data, at personal na impormasyon mo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pamamaraan namin sa seguridad, Adobe Secure Product Lifecycle, o seguridad ng solution ng Adobe Document Cloud, tingnan ang aming page ng seguridad.
Pang-isahang lisensya ang Indibidwal na subscription na dapat gamitin ng isang user lang. Binibigyang-daan ng isang Team subscription ang isang organisasyon na bumili ng higit sa isang lisensya at i-manage ang mga lisensya ng mga user sa Admin Console.
Kung may negosyo ka at kailangan mong mamahala ng ilang lisensya lang sa mga user, posibleng magandang opsyon ang team subscription sa Acrobat at pwede itong direktang bilhin. Para sa mas malalaking negosyo at enterprise na may mga mas kumplikadong pangangailangan sa pag-deploy at pamamahala, mayroon kaming mga available na opsyon sa volume licensing na mapagpipilian. Hilinging makaugnayan ng Sales ng Adobe Enterprise, o makipag-ugnayan sa Awtorisadong Reseller ng Adobe.