I-distribute ang libreng Acrobat Reader software at Acrobat Reader mobile app nang maramihan.

Parehong libre at available ang Acrobat Reader at Acrobat Reader mobile app para sa volume distribution. Kinakailangan ang Distribution License Agreement para sa:
 
  • Mga korporasyon at organisasyong gustong mag-distribute ng Acrobat Reader o Acrobat Reader mobile app sa intranet site o lokal na network ng kumpanya.

  • Mga komersyal na vendor na gustong i-bundle ang Acrobat Reader o Acrobat Reader mobile app sa aktwal na media tulad ng CD o DVD, sa OEM hardware tulad ng mga computer at mobile device, o sa OEM hardware tulad ng mga scanner.

Magagawa ng mga indibidwal na interesado sa software para sa personal na paggamit na i-download ito nang libre nang hindi nag-a-apply para sa Distribution License.

Mag-apply para sa lisensya ng desktop.

Ilang minuto lang ang itatagal ng application para sa lisensya sa volume distribution at kinakailangan para tukuyin kung paano mo balak gamitin ang Reader. Pagkatapos mong kumpletuhin ang maikling online na form, magse-send kami sa iyo ng email na may link sa mga installer.

Tandaan: Hindi mo kailangang mag-apply para sa Reader Distribution License kung gusto mong idirekta ang mga user mula sa website mo papuntang Adobe.com para i-download ang Reader.

Mag-apply para sa lisensya sa mobile.

Available ang Acrobat Reader mobile app para sa volume distribution sa Android platform. Bago i-distribute ang app nang maramihan, kakailanganin mong kumpletuhin ang form ng Kahilingan sa Acrobat Reader Mobile App Distribution License. Tiyaking isama ang legal na pangalan at address ng kumpanya mo, pati na maikling buod ng kung paano mo balak i-bundle o i-distribute ang app.

Gamitin ang mga icon ng PDF at Reader.

Padaliin para sa mga customer na tumukoy at tumingin ng mga PDF na dokumento. Idagdag ang icon ng Adobe PDF file at Ilagay ang web badge ng Adobe Acrobat Reader sa website mo.