Paano magsagot ng form at lumagda ng PDF
Sundin ang madadaling hakbang na ito para sumagot at lumagda ng PDF gamit ang e-signature:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng file sa drop zone.
- Piliin ang PDF na dokumentong gusto mong sagutan at lagdaan.
- Pagkatapos i-upload ng Acrobat ang file, mag-sign in para kumpletuhin ang nasasagutang form.
- Gamitin ang mga tool sa panel na Sign para sagutan ang mga field ng form at idagdag ang PDF signature mo.
- I-click ang Susunod.
- I-download ang nakumpleto mong form o kumuha ng link para i-share ang PDF mo online.
Subukan ang aming libreng tool para sumagot at lumagda ng mga PDF
Sumagot at lumagda ng mga PDF form online
Mabilis at madali lang ang pagsagot ng form gamit ang tool na Fill & Sign ng Adobe Acrobat. Mag-upload ng file, at pagkatapos ay magdagdag ng text, mga checkmark, mga linya, at marami pa.
Idagdag ang PDF signature mo nang mabilis
Para lumagda ng mga PDF form, gumawa ng signature at pagkatapos ay ilagay ito o mga initial mo kahit saan sa PDF na dokumento. Pwede kang mag-type, mag-draw, o mag-upload ng image ng signature mo.
Pabilisin ang mga workflow mo
Binibigyang-daan ka ng online na signature tool ng Acrobat na magsagot ng isang form, lagdaan ito, at i-share ito sa iba nang hindi umaalis sa Acrobat, para matapos mo ang gawain mo nang napakabilis kahit saan.
Mag-share ng mga file pagkatapos maglagay ng e-sign
Pagkatapos mag-sign in para i-download ang form mo, mashe-share mo ang PDF file mo nang secure sa iba sa ilang click lang. Makakatanggap ang mga recipient ng pinagkakatiwalaang link sa pamamagitan ng email.
Hindi kailangan ng pag-install
Pwede mong gamitin ang mga online na PDF tool ng Acrobat sa anumang browser, kaya hindi mo na kailangang mag-install ng anumang karagdagang software. Koneksyon sa Internet lang ang kailangan mo.
Isang libre at pinagkakatiwalaang pang-sagot ng PDF
Bilang nag-imbento ng PDF, mas matagal nang gumagawa ang Adobe sa mga PDF form kaysa sa anupamang kumpanya Kaya mapagkakatiwalaan mo ang kalidad ng mga Acrobat tool kapag nagsasagot at lumalagda ng mga PDF.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Bibigyang-daan ka ng online na tool sa pagsagot sa PDF ng Acrobat na mag-paperless sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga nasasagutang field at paglagda ng mga dokumento online. Pagkatapos mag-upload ng PDF, gamitin ang toolbar na pang-sagot ng form para sagutan ang mga field ng form ng PDF, kabilang ang mga checkbox. Binibigyang-daan ka rin ng mga online na tool na pang-edit ng PDF na magdagdag ng mga text box, crossmark, checkmark, bilog, linya, at tuldok. At pagkatapos ay gamitin ang mga tool sa paglalagay ng e-sign para gumawa ng mga e-signature, kaya mailalagay ang signature o mga initial mo kahit saan sa file. Mag-sign in para i-save ang file mo sa cloud storage ng Adobe at i-download ang nakumpleto mong form.
Kung susubukan mo ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw sa Windows o Mac, pwede kang humingi ng mga signature sa pamamagitan ng pag-send ng mga file sa iba pang signer para mabilis na maglagay ng e-sign nang walang kahirap-hirap. Makakatanggap ang mga recipient ng user-friendly na link sa pamamagitan ng email na magbibigay-daan sa kanilang lagdaan ang dokumento online sa loob ng ilang minuto nang libre at hindi dina-download ang Acrobat. Pwede mong subaybayan ang proseso ng paglagda, kung saan makakatanggap ka ng mga real-time na notification sa workflow na may audit trail para sa madaling pag-manage ng dokumento.
Makakakuha ang mga subscriber sa trial ng Acrobat Pro ng access sa mga advanced na feature. Pwede kang kumolekta ng mga digital signature na may pag-validate, magdagdag ng mga timestamp, gumawa ng mga PDF na dokumento, mag-edit ng mga PDF file gamit ang mga tool sa pag-markup ng pag-edit ng PDF, gumamit ng OCR functionality, gumawa ng mga nasasagutang PDF form at template, mag-annotate ng mga file, baguhin ang laki ng mga page, magdagdag ng mga watermark, at mag-convert ng mga file sa at mula sa PDF, kabilang ang mga Microsoft Excel, Microsoft PowerPoint, at Microsoft Word na dokumento. Mag-convert din ng PNG, JPG, at iba pang format ng image file. Pwede ka ring gumamit ng mga PDF tool ng Acrobat on the go gamit ang Adobe Acrobat Reader mobile app, available para sa mobile device mo, kabilang ang mga iPhone, iba pang mobile phone, at tablet, tulad ng mga iPad o touchpad.
Pagkatapos i-upload ang dokumento mo, pwede mong idagdag ang signature mo sa isang PDF sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:
- Piliin ang Magdagdag ng signature.
- I-click ang Image, at pagkatapos ay Piliin ang image para mag-browse ng image ng sulat-kamay mong signature. Pwede ka ring gumawa ng mga signature sa pamamagitan ng pag-type ng pangalan mo o pagguhit ng signature mo gamit ang mouse o trackpad.
- I-drag ang bago mong electronic signature sa field ng signature o kahit saan sa PDF. I-click para ilagay ang signature mo.
- Mag-sign in para i-download o i-share ang nilagdaan mong dokumento.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, magsagot ng mga form, at mag-sign ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device