Paano baguhin ang ayos ng mga page sa PDF
Sundin ang madadaling hakbang na ito para baguhin ang ayos ng mga page ng PDF online:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone.
- Piliin ang PDF na dokumentong gusto mong baguhin ang ayos.
- Pagkatapos i-upload ng Acrobat ang file, mag-sign in.
- Piliin ang thumbnail ng page na gusto mong ilipat.
- I-drag at i-drop ito sa bagong lokasyon.
- I-click ang I-save. Pwede mong i-download ang file o pwede kang kumuha ng link para i-share ito.
Subukan ang aming libreng tool para baguhin ang ayos ng mga page ng PDF
Baguhin ang ayos ng mga page ng PDF
Madaling maglipat-lipat ng mga page sa PDF file gamit ang mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat. Mag-upload lang ng PDF file at mag-sign in para ayusin ito sa paraang gusto mo.
Baguhin ang ayos ng hanggang 500 page
Pwede mong baguhin ang ayos ng mga page sa isang PDF na may maximum na 500 page at laki ng file na hindi hihigit sa 100MB. Para paliitin ang isang file, pwede mong subukan ang tool na Mag-compress ng PDF ng Acrobat.
Huwag baguhin ang styling
Kapag binago mo ang ayos ng mga page ng PDF, hindi magbabago ang styling at formatting. Lilipat lang sa ibang lugar ang mga page sa PDF na dokumento mo.
Mag-delete, magdagdag, o mag-rotate ng mga page ng PDF
Pagkatapos mag-sign in, pwede ka ring mag-delete ng mga page ng PDF, magdagdag ng mga page ng PDF, o maging mag-rotate ng mga page ng PDF sa portrait o landscape mode. Nasa iisang lugar ang lahat ng tool sa pag-aayos para madaling magamit ang mga ito.
Makatipid ng oras sa pamamagitan ng paggamit ulit ng content ng PDF
Binibigyang-daan ka ng mga Acrobat tool na ayusin ang kasalukuyang PDF para matugunan ang mga pangangailangan sa bagong proyekto. Dagdagan ang husay mo sa pamamagitan ng paggamit ng Acrobat para baguhin ang ayos ng content, magdagdag ng mga komento sa isang PDF, at i-share ang file mo para sa pagsusuri.
Mga PDF file na mapagkakatiwalaan mo
Ang Adobe ang nag-imbento sa PDF format. Kapag gumamit ka ng mga online na tool ng Acrobat para ayusin ang content mo, pwede mong i-set up nang mabilis ang perpektong PDF file gamit ang anumang web browser.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Para baguhin ang ayos ng mga page ng PDF sa telepono o tablet mo, sundin ang mga parehong hakbang:
- Piliin ang PDF file na gusto mong baguhin ang ayos.
- Mag-sign in pagkatapos i-upload ng Acrobat ang file.
- Piliin ang mga thumbnail ng page na gusto mong ilipat, at i-drag at i-drop ang mga piniling page sa bagong lokasyon.
- Kapag handa ka na, i-tap ang I-save para i-save ito online sa Adobe cloud storage.
- I-download ang file na binago ang ayos o kumuha ng link para i-share ito.
Pinapabilis at pinapadali ng PDF solution namin ang pag-aayos ng mga page ng PDF sa anumang pagkakasunod-sunod ng page na gusto mo. I-set up ang gusto mong pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng pag-highlight ng thumbnail ng page. At pagkatapos ay i-drag at i-drop ang page sa bagong lokasyong gusto mo. Pwede ka ring mag-rotate ng mga page sa portrait o landscape mode. Kung kailangan mong mag-delete ng page, piliin ito at i-click ang icon na basurahan sa toolbar.
Para sa mga mas advanced na PDF tool, subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw sa operating system ng Windows o Mac. Binibigyang-daan ka ng trial ng Acrobat Pro na gumamit ng mga tool na pang-edit ng PDF para mag-edit ng text at mga image sa PDF, mag-annotate ng mga file, tumukoy ng text gamit ang OCR functionality, maglagay ng mga blangkong page, mag-extract ng mga page, magdagdag ng mga bilang ng page at bookmark, mag-convert ng mga PDF, mag-merge ng mga file, mag-split ng mga PDF, magbawas ng laki ng file, lumagda ng mga PDF, at marami pa.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device