Paano mag-convert ng PPT sa PDF
Sundin ang madadaling hakbang na ito para gawing PDF ang Microsoft PowerPoint presentation:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng file sa drop zone.
- Piliin ang PPTX o PPT file na gusto mong i-convert sa PDF.
- Panoorin kung paano awtomatikong iko-convert at ise-save ng Acrobat ang file sa PDF format mula sa PPT.
- I-download ang bago mong PDF o mag-sign in para i-share ito.
Subukang mag-convert ng PPT sa PDF nang libre
Isang PPT file na kino-convert sa PDF file
Gawing PDF file ang anumang Microsoft PowerPoint presentation gamit ang pang-convert ng PPT sa PDF ng Adobe Acrobat. I-download ang na-convert na file sa isang click o mag-sign in para i-share ang PDF mo.
Mabilis na pag-convert ng PPTX sa PDF
Lumipat sa PDF na dokumento mula sa PPTX file nang napakabilis. Mag-drag at mag-drop lang ng file sa online na tool. At pagkatapos ay i-retrieve ang bagong format ng file mo sa loob lang ng ilang segundo.
Mag-convert ng mga file nang may kumpiyansa
Kapag nag-convert ka ng PPT file sa PDF gamit ang Acrobat, mapapanatili mo ang orihinal na styling at formatting nito. Hindi rin magbabago ang hitsura ng content mo para sa lahat ng tumitingin sa file.
Hayaang makasunod ang lahat nang mabilis
Madaling i-share ang PDF file mo para masuri ng iba sa pamamagitan ng pag-sign in sa Acrobat. Makakapagkomento ang lahat sa parehong PDF online, at magagawa mong @banggitin ang mga tao at sumagot sa mga komento.
Mag-edit nang libre sa PPT online
Gamit ang Acrobat, pwede kang mag-edit ng mga Microsoft PowerPoint spreadsheet online nang libre kapag nag-sign in ka. Payagan lang ang Acrobat para magbukas ng PPT file sa Microsoft PowerPoint para sa web.
Isang pinagkakatiwalaang pang-convert ng PPT sa PDF
Ang Adobe ang nag-imbento sa PDF format. Naghahatid ang pang-convert namin ng PowerPoint sa PDF ng may pinakamataas na kalidad na resulta para bigyang-daan kang i-share ang gawa mo sa iba nang may kumpiyansa.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Kapag ginamit mo ang online na tool ng Acrobat para mag-convert ng mga PowerPoint file sa PDF, bawat slide ay gagawing indibidwal na page ng PDF sa na-convert na file.
Kung kailangan mo ng mas maraming functionality ng PDF, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw sa Mac o Windows. Gamit ang Acrobat, pwede kang mag-convert ng mga PDF file pabalik sa PowerPoint, mag-convert ng mga Microsoft Office file kabilang ang mga Microsoft Word na dokumento at Excel spreadsheet, mag-edit ng mga PDF, mag-ayos at mag-rotate ng mga page ng PDF, mag-split ng mga PDF, magbawas ng mga laki ng file, at marami pa. Pahihintulutan ka rin ng tool na Gumawa ng PDF ng Acrobat Pro na gawing PDF ang mga HTML, BMP, GIF, TIFF, JPG, PNG, RTF, at TXT file.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device