Paano protektahan ang PDF gamit ang password
Sundin ang madadaling hakbang na ito para gumawa ng password ng PDF:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone.
- Maglagay ng password, at pagkatapos ay i-type ulit ito para kumpirmahin ang password.
- I-click ang Mag-set ng password.
- I-download ang PDF na dokumentong protektado ng password, o mag-sign in para i-share ito.
Subukan ang aming libreng tool sa proteksyon ng password
Protektahan ang mga PDF file gamit ang password
Magdagdag ng proteksyon ng password sa PDF gamit ang online na tool ng Adobe Acrobat. Kapag nagdagdag ng password sa PDF file mo, ang mga taong may password lang ang makakakita sa content ng file.
Protektahan ang sensitibong content
Kapag nagdagdag ng password, makakatulong itong tiyakin na accessible lang ang sensitibong data tulad ng mga petsa ng kapanganakan o medikal na impormasyon sa mga inaprubahang tao at nananatili itong hindi available sa lahat.
Limitahan ang hindi awtorisadong access
Kapag pinrotektahan mo ang isang PDF gamit ang password, makokontrol mo ang access sa file. Para mabuksan ng isang tao ang file, kakailanganin mong ibigay sa kanya ang password, kaya mananatiling pribado ang content mo.
Piliin ang strength ng password mo
Gustong tiyakin ng Adobe na protektado ang file mo. Kapag gumawa ka ng password, ipapaalam namin sa iyo kung weak, medium, o strong ito gamit ang mga pamantayan sa password.
Walang ii-install na software
Gumagana ang mga online na PDF tool ng Acrobat sa anumang browser, kabilang ang Microsoft Edge at Google Chrome. Mag-drag at mag-drop lang ng file para magsimula — hindi kailangang mag-install ng anumang karagdagang software.
Pinagkakatiwalaang seguridad ng password sa PDF
Bilang imbentor ng PDF na format ng file, naghahatid ang Adobe ng mapagkakatiwalaan mong seguridad ng dokumento. Protektahan ang mga PDF mo gamit ang password nang may kumpiyansa.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Kapag pinrotektahan mo ang mga dokumento gamit ang password, pwedeng i-access ang file o folder ng mga taong makakapaglagay ng tamang password. Pag-encrypt ang mas malakas na pamamaraan sa seguridad, na may mga karaniwang uri tulad ng 128-bit key o 256-bit AES na pag-encrypt. Ginagawang hindi nababasang cipher na text ng pag-encrypt ang content ng dokumento. Para i-decrypt ang dokumento, kailangan ng mga awtorisadong user ng susi, na karaniwang password o digital certificate.
Kapag ginamit mo ang online na tool ng Acrobat para magdagdag ng proteksyon ng password sa isang PDF file, ie-encrypt nito ang file para sa karagdagang seguridad. Kung kailangan mo ng mas advanced na seguridad ng PDF, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw para sa Mac o Windows. Nagbibigay-daan sa iyo ang pitong araw na free trial na magdagdag ng mga opsyon sa pag-encrypt, mag-encrypt ng mga PDF gamit ang mga certificate, o mag-manage ng mga setting ng seguridad at pahintulot para paghigpitan ang pag-edit, pag-print, o pagkopya. Bibigyang-daan ka rin ng Acrobat Pro na mag-edit ng mga PDF, mag-ayos ng mga page ng PDF, at mag-convert ng mga PDF sa at mula sa mga Microsoft Office app, kabilang ang mga Microsoft Word na dokumento, PowerPoint presentation, at Excel spreadsheet.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device