Paano mag-extract ng mga page ng PDF online
Sundin ang madadaling hakbang na ito para alamin kung paano mag-extract ng mga page sa isang PDF:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone.
- Piliin ang dokumento kung saan mo gustong mag-extract ng mga page.
- Pagkatapos i-upload ng Acrobat ang file mo, mag-sign in.
- Piliin ang mga page na gusto mong ilagay sa bagong PDF.
- Kapag handa ka na, piliin ang I-extract. Awtomatikong gumagawa ang Acrobat ng bago at hiwalay na PDF file ng mga pinili mong page.
- I-download ang bagong dokumento, kumuha ng link para i-share ito, o bigyan ito ng bagong file name.
Subukan ang libreng tool namin para mag-extract ng mga page ng PDF
Mag-extract ng mga page mula sa PDF file
Kailangan mo lang ba ng ilan sa mga page sa PDF na dokumento? Ngayon, madali ka nang makakagawa ng bagong PDF ng mga piniling page mula sa orihinal mong PDF gamit ang mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat.
Ayusin ang mga page ng PDF mo
Bago mag-extract ng mga partikular na page, binibigyang-daan ka ng Adobe Acrobat DC na ayusin ang orihinal mong PDF file. Maglipat, mag-rotate, o mag-delete ng mga thumbnail ng page. At pagkatapos ay piliin ang mga page na gusto mong i-extract sa bagong PDF.
Mag-extract ng hanggang 500 page
Pwede kang mag-extract ng mga page mula sa isang PDF na may maximum na 500 page at laki ng file na hanggang 100MB. Para bawasan ang laki ng file, pwede mong subukan ang tool na Mag-compress ng PDF ng Acrobat.
Hindi kailangang mag-install ng software
Gumagana ang mga online na PDF tool ng Acrobat sa anumang browser, kaya hindi mo kailangang mag-install ng kahit anong karagdagang software. Buksan lang ang tool na Mag-extract ng mga page ng PDF sa isang browser tulad ng Microsoft Edge o Google Chrome.
Seguridad ng file na mapagkakatiwalaan mo
Pinapahalagahan ng Adobe ang privacy mo at naglalagay ito ng mga hakbang sa seguridad sa bawat PDF na ginawa gamit ang Acrobat. Dine-delete din namin ang file mo sa mga server namin maliban kung magsa-sign in ka para i-save ito sa account mo.
Ang pinakamahuhusay na online na PDF tool
Ang Adobe ang nag-imbento sa PDF na format ng file, kaya makakasiguro kang may pinakamataas na kalidad ang mga online na tool namin. Subukan ang tool namin para sa pag-extract ng mga page para i-streamline ang mga workflow mo gamit ang isang bagong PDF file.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Hindi. Gagawa ang tool na Mag-extract ng mga page ng PDF ng Acrobat ng bagong PDF online na naglalaman lang ng mga na-extract na page habang hindi binabago ang orihinal mong PDF file, na magreresulta sa dalawang magkaibang file.
Para sa access sa mga mas advanced na PDF tool, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw sa operating system ng Mac o Windows. Sa pamamagitan ng trial ng Acrobat Pro, magagamit mo nang walang limitasyon ang lahat ng tool, na magbibigay-daan sa iyong mag-edit ng mga PDF, gumamit ng mga toolbar sa pag-annotate, mag-split ng PDF, magdagdag ng mga bookmark o talaan ng nilalaman, maglagay ng mga bilang ng page, at mag-convert ng mga PDF sa mga Microsoft Word, PowerPoint, or Excel file. Makakapagsimula ka nang mabilis sa anumang device dahil sa madadaling tutorial, kabilang ang mga iPhone at Android phone.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device