Paano mag-compress ng PDF
Sundin ang madadaling hakbang na ito para mag-compress ng malaking PDF file online:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o i-drag at i-drop ang PDF mo sa drop zone.
- Piliin ang PDF file na gusto mong paliitin.
- Pagkatapos mag-upload, awtomatikong papaliitin ng Acrobat ang laki ng PDF.
- I-download ang na-compress mong PDF file o mag-sign in para i-share ito.
Subukan ang aming libreng tool na pang-compress ng PDF
Paliitin ang mga PDF file online
Bibigyang-daan ka ng online na tool na Mag-compress ng PDF ng Adobe Acrobat na mag-compress ng mga PDF file mula mismo sa browser mo. Gamitin ang pang-compress ng PDF namin para mas paliitin at mas padaliing i-share ang malalaking file.
Isang madaling pang-compress ng PDF
Mag-drag at mag-drop o mag-upload ng PDF na dokumento para hayaan ang Acrobat na kumpletuhin ang pagpapaliit nito. Pagkatapos ay pwede mo nang gawin, i-share, o i-store ang na-compress na file nang mas madali.
Piliin ang antas ng compression mo
Kung kailangan mo ng pinakamaliit na file, piliin ang High na antas ng compression. Pwede mong piliin ang Medium o Low na compression kung gusto mong bawasan ang laki ng file habang nagpapanatili ng mas mataas na kalidad ng file.
Mag-share ng mga file online
Sa pamamagitan ng pag-compress ng mga file, mas pinapadali mo ang pag-share sa mga ito. Kung magse-send ka ng file sa email, matutulungan ka ng mas maliit na sukat na maiwasan ang mga limitasyon sa laki ng file sa email, at mas mabilis din ang mga pag-upload.
Seguridad ng file na mapagkakatiwalaan mo
Pinakamahalaga ang seguridad sa Adobe. Kung hindi ka magsa-sign in o magse-save ng file mo, made-delete ito sa mga server namin bilang paggalang sa privacy mo Mayroon ding mga naka-built in na hakbang sa seguridad sa bawat PDF na ginawa gamit ang Acrobat.
Ang pinakamahusay na pang-compress ng PDF
Inimbento ng Adobe ang PDF na format at naghahatid ito ng mga de-kalidad na online na tool. Subukan ang aming libreng tool para mag-compress ng file sa anumang web browser, kabilang ang Microsoft Edge o Google Chrome.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Nagbabalanse ang online na pang-compress ng PDF ng Acrobat ng na-optimize na laki ng file sa inaasahang kalidad ng mga image, font, at iba pang content ng file. Mag-drag at mag-drop lang ng PDF sa tool sa pag-compress ng PDF sa itaas at hayaan ang Acrobat na bawasan ang laki ng mga PDF file nang hindi nakokompromiso ang kalidad.
Para sa mas partikular na kontrol sa mga setting ng pag-optimize, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw. Nagbibigay-daan sa iyo ang Acrobat Pro na mag-customize ng mga setting ng PPI para sa kulay, grayscale, at monochrome na kalidad ng image. Pwede ka ring gumamit ng mga tool sa pag-edit ng PDF, mag-edit ng mga scan gamit ang functionality ng OCR, mag-convert ng mga PDF sa Microsoft PowerPoint at iba pang format ng file, mag-convert ng mga PNG at iba pang format ng image file, mag-ayos at mag-rotate ng mga page ng PDF, mag-split ng mga PDF, mag-optimize ng mga PDF, at marami pa. Pwede mong gamitin ang Acrobat sa anumang device, kabilang ang mga iPhone, at sa anumang operating system, kabilang ang Mac, Windows, Linux, iOS, o Android.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device