Paano magdagdag ng mga bilang ng page sa isang PDF online
Sundin ang madadaling hakbang na ito para maglagay ng mga bilang ng page sa PDF mo:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone.
- Piliin ang PDF na dokumento kung saan mo gustong magdagdag ng mga bilang ng page.
- Pagkatapos i-upload ng Acrobat ang PDF file, mag-sign in.
- Piliin kung saan mo gustong makita ang mga bilang sa mga page ng PDF mo at ang gusto mong hanay ng page.
- Piliin ang I-save para i-save ang file mong may bilang.
- I-download ang bagong dokumento o kumuha ng link para i-share ito.
Subukan ang libre naming tool sa paglalagay ng bilang sa page ng PDF
Maglagay ng mga bilang ng page sa isang PDF
Mag-navigate sa mga file nang mas madali sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bilang ng page sa isang PDF gamit ang mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat. Pumili ng file at mag-sign in para magsimula.
Magdagdag sa kaliwang bahagi o kanang bahagi
Binibigyang-daan ka ng Acrobat na magdagdag ng mga bilang ng page sa itaas o ibaba ng bawat page, at ilagay ang mga ito sa kaliwang bahagi, gitna, o kanang bahagi. Pwede mo ring piliin kung sa aling page mo gustong simulan ang paglalagay ng bilang.
Maglagay ng bilang sa isang PDF na hanggang 100MB
Gamit ang online na tool ng Acrobat, pwede kang magdagdag ng mga bilang ng page sa isang PDF — dapat lang ay 100MB pababa ang laki ng file. Pwede mong lagyan ng bilang ang lahat ng page o ang isang hanay lang ng page.
Ayusin ang PDF na dokumento mo
Kapag nalagyan mo na ng bilang ang PDF file mo, pwede mong subukan ang iba pang online na tool ng Acrobat para ayusin ang PDF file mo. Magbago ng ayos, mag-rotate, mag-delete, o magdagdag ng mga page ng PDF.
Walang ii-install na dagdag na software
Pwede kang gumamit ng mga online na PDF tool ng Acrobat sa anumang browser, tulad ng Microsoft Edge o Google Chrome, kaya hindi mo kailangang mag-install ng kahit anong karagdagang software.
Ang pinakamahuhusay na online na PDF tool
Ang mga online na tool ng Acrobat — mula sa imbentor ng PDF na format ng file— ay may pinakamataas na kalidad. Gamitin ang tool sa paglalagay ng bilang sa page ng PDF para mag-navigate sa mga file nang mabilis at mag-share ng partikular na page nang walang kahirap-hirap.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Binibigyang-daan ka ng online na tool ng Acrobat na mabilis na magdagdag ng mga bilang ng page sa header o footer ng isang PDF file. Nagbibigay ang tool ng ilang opsyon sa pag-format at hanay ng page:
- Pwede mong ilagay ang mga bilang sa itaas o ibaba ng mga page ng PDF, at ilagay ang mga ito sa kaliwang bahagi, kanang bahagi, o sa gitna.
- Pwede kang pumili sa limang format ng bilang ng page, at pumili ng iisang bilang, 1 sa n, 1/n, Page 1, o Page 1 sa n para sa header o footer text.
- Magagawa mong baguhin ang font o laki ng font ng bilang ng page at magdagdag ng bold, italic, o underline na pag-format.
- Magagawa mong lagyan ng bilang ang lahat ng page sa file mo o ang ilang piling hanay ng page lang.
- Kung ayaw mong maglagay ng bilang ng page sa unang page, pwede mong tukuyin ang page kung saan mo gustong magsimula ang paglalagay ng bilang ng page ng PDF.
Para sa mga karagdagang pangangailangan sa pag-edit ng PDF, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw. Sa pamamagitan ng trial ng Acrobat Pro para sa Windows o Mac operating system, magagamit mo nang walang limitasyon ang lahat ng tool, kabilang ang paggamit ng mga tool sa pag-edit ng PDF para mag-edit ng text at mga image sa PDF, maglagay ng mga bookmark o watermark, at magdagdag ng mga header at footer na may maraming opsyon sa format ng petsa. Pwede ka ring mag-redact ng text at magdagdag ng Bates numbering sa mga legal na dokumento, na tumutukoy sa mga case number gamit ang isang prefix text.
Bukod pa rito, may kasamang madaling gamiting toolbar ang Acrobat Pro para mabilis na makapag-annotate ng mga file, kabilang ang pagdaragdag ng mga text box. Binibigyang-daan ka ng mga tool sa pag-convert ng PDF na mag-convert ng mga file sa at mula sa PDF, kabilang ang mga format ng image file at Microsoft Word na dokumento, PowerPoint presentation, at Excel spreadsheet. Binibigyang-daan ka ng tool na Mag-compress ng PDF na bawasan ang laki ng mga PDF file at i-optimize ang mga na-scan na page gamit ang isang simpleng dialog box. Gamit ang madadaling tutorial sa Adobe Acrobat, pwede kang magsimula nang mabilis.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device