insert-pdf

Paano magdagdag ng mga page sa PDF file

Sundin ang madadaling hakbang na ito para maglagay ng isa o mas marami pang file sa PDF mo:

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/frictionless/how-to-images/add-pages-to-pdf-how-to.svg | Isang dokumentong may simbolo ng addition na ipinapakita kung paano magdagdag ng page sa isang PDF.

  1. I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone.
  2. Piliin ang PDF na dokumento kung saan mo gustong magdagdag ng mga page.
  3. Pagkatapos i-upload ng Acrobat ang PDF file, mag-sign in.
  4. Pumili ng insertion point bago o pagkatapos ng thumbnail ng page kung saan mo gustong maglagay ng mga page.
  5. Mag-navigate sa PDF file o mga file na gusto mong idagdag.
  6. Mag-ayos ng mga indibidwal na page ayon sa gusto mo. Mag-highlight ng isa o higit pang thumbnail ng page; at pagkatapos ay mag-drag at mag-drop para baguhin ang ayos ng mga ito. Pwede mo ring gamitin ang mga opsyon na mag-delete at mag-rotate sa toolbar.
  7. I-click ang I-save para i-save ang bago mong PDF file. Pwede mong i-download ang bagong dokumento o pwede kang kumuha ng link para i-share ito.

Subukan ang aming libreng tool para magdagdag ng mga page ng PDF

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/insert-pdf-page.svg | Isang page na may plus sign na nagpapakita kung paano ka maglalagay ng mga page ng PDF sa Acrobat

Maglagay ng mga page sa PDF

Kapag kailangan mong magdagdag ng isa o mas marami pang page sa PDF file, gawin ito nang mabilis gamit ang mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat. Pwede kang magdagdag ng isang PDF file o maraming file saan mo man gusto.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/insert-pdf.svg | Isang stack ng iba't ibang Adobe Acrobat PDF file na ipinapakita kung paano maglagay ng mga page sa mga PDF file

Magdagdag ng hanggang 1,500 page ng PDF

Pwede kang magdagdag ng maraming page sa PDF mo basta't ang pinal na file ay may 1,500 page o mas kaunti pa at may laki ng file na hanggang 100MB. Pwedeng magkaroon ng hanggang 500 page ang bawat idinagdag na file.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/delete-add-rotate.svg | Isang basurahan, plus sign, at arrow na nagpapakitang hindi ka lang makakapagdagdag pero makakapag-delete at makakapag-rotate ka rin ng mga page ng PDF

Baguhin ang ayos, mag-delete, o mag-rotate ng mga page

Kapag nakapagdagdag ka na ng mga bagong page, pwede kang gumamit ng ibang online na tool ng Acrobat para i-set up ang PDF na dokumento mo sa kung paano mo gusto. Ilipat ang mga page, o i-delete at i-rotate ang mga ito.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/private-pdf.svg | Isang simbolong lock na nagpapakitang mapagkakatiwalaan ng mga user ang mga online na tool ng Adobe Acrobat para sa pagdaragdag ng mga page sa mga PDF

Seguridad ng file na mapagkakatiwalaan mo

Pinakamahalaga ang privacy at seguridad sa Adobe. Naglalagay ang Acrobat ng mga hakbang sa seguridad sa bawat PDF na dokumento. Dine-delete din namin ang lahat ng file mula sa mga server namin maliban kung magsa-sign in ka para i-save ang mga ito.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/nothing-to-install.svg | Isang cloud na may logo ng Acrobat na nagpapahiwatig na pwede mong i-store ang mga na-save mong PDF file online

Mag-store at mag-share ng mga file mo online

Kapag nag-save ka ng mga file sa Acrobat account mo, pwede mong i-access ang mga ito kahit saan sa anumang device. Pwede ka ring mag-share ng mga link papunta sa mga ito at pwede mo ring kolektahin ang feedback ng lahat sa isang PDF online.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/best-pdf.svg | Isang ganap na nakaayos na PDF file

Mga katangi-tanging online na PDF tool

Ang Adobe ang nag-imbento sa PDF na format ng file. Subukan ang online na tool ng Acrobat na may pinakamataas na kalidad para maglagay ng mga page sa PDF at panatilihing tuloy-tuloy ang paggawa mo kahit saan.

May mga tanong? Masasagot namin 'yan.

Pwede ba akong magdagdag ng maraming page sa isang PDF?

Oo, pwede kang magdagdag ng isa o mas marami pang page sa isang PDF file. Mag-upload ng PDF gamit ang tool para sa paglalagay ng mga page at mag-sign in sa Acrobat online. Gamitin ang cursor mo para piliin ang gusto mong insertion point, at pagkatapos ay piliin ang file o mga file na gusto mong idagdag mula sa lalabas na dialog box. Kapag naidagdag na ang mga file, pwede mong i-drag at i-drop ang mga page ng PDF para baguhin ang ayos ng mga ito. Pwede ka ring mag-rotate ng piniling page sa pamamagitan ng paggamit ng icon na mag-rotate clockwise o mag-rotate counterclockwise. Para mag-delete ng mga page, isang page man o isang page range, piliin ang mga page at i-click ang icon na basurahan. Kapag na-save mo ang file, makikita sa bago mong dokumento ang lahat ng pagbabagong ginawa mo.

Para sa access sa mga mas marami pang PDF tool, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw sa operating system ng Windows o Mac o tingnan ang presyo para bumili ng subscription. Bibigyang-daan ka ng trial ng Acrobat Pro na mag-extract ng mga page, magdagdag ng mga blangkong page, at maglagay ng iba pang uri ng file, kabilang ang mga Microsoft Word na dokumento, PowerPoint presentation, at Excel spreadsheet. Pwede kang gumamit ng mga tool na pang-edit ng PDF para mag-edit ng text at mga image sa PDF, mag-annotate ng mga dokumento, magsama-sama ng maraming PDF file, magdagdag ng mga bookmark o watermark, maglagay ng mga bilang ng page, kopyahin ang content mula sa mga file, at marami pa. Pwede ka ring mag-resize ng mga PDF file, mag-convert ng mga file sa PDF, at mag-convert ng mga PDF sa mga Microsoft file o format ng image tulad ng mga PNG. Makakapagsimula ka nang mabilis dahil sa madadaling tutorial.

Pwede ba akong maglagay ng mga page kahit saan sa kasalukuyan kong PDF file?
Oo, pwede kang maglagay ng isa o mas marami pang file bago o pagkatapos ng anumang kasalukuyang page sa PDF na dokumento mo.
Ilang page ang pwede kong idagdag sa isang PDF?
Kapag nagdagdag ka ng mga page sa isang PDF, pwede kang maglagay ng kahit gaano karaming page na gusto mo basta't ang kabuuang bilang ng mga page sa pinal na PDF ay 1,500 page o mas kaunti pa, na may laki ng file na hanggang 100MB. Limitado rin sa hanggang 500 page ang bawat inilagay na PDF.
https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/create-an-account-image/create-an-account.svg | isang text bubble, pencil icon, at stacked PDF icon na kumakatawan sa mga libreng online Acrobat tool

Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre

  • Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
  • Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
  • I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device

Gumawa ng libreng account Mag-sign in

Review url
https://www.adobe.com/reviews-api/dc/production/add-pages-to-pdf
Title
I-rate ang experience mo
Hide title
true
Rating verb
boto, mga boto
Rating noun
star, mga star
Comment placeholder
Pakibigay ang feedback mo
Comment field label
Suriin ang Feedback
Submit text
I-send
Thank you text
Salamat sa feedback mo.
Tooltips
Hindi Mahusay, Hindi Masyadong Mahusay, Mahusay, Napakahusay, Talagang Mahusay
Tooltip delay
5
Initial Value
0

Subukan ang mga online na tool na ito ng Acrobat

Mag-convert mula sa PDF

Mag-convert sa PDF

Bawasan ang laki ng file

Mag-edit

Lagdaan at Protektahan

Mag-convert mula sa PDF
I-convert sa PDF
Bawasan ang laki ng file
Mag-edit
Lagdaan at Protektahan