Adobe Acrobat
Paano mag-share ng mga PDF file at sumuri ng mga ito online.
Gamit ang Adobe Acrobat, madali na ang pag-share at pagsusuri ng PDF. Magagawa mong mag-share ng link at pagkatapos ay suriin at i-manage ang lahat ng feedback mo online o mula sa mobile device mo sa isang nakaayos na lugar.
Nasaan ka man, mas papadaliin ng Adobe Acrobat ang pangongolekta ng feedback. Narito kung paano mag-send ng link sa team mo at kunin ang lahat ng komento nila sa isang lugar. Wala nang pag-send ng maraming attachment sa email o manual na pagsasama-sama ng feedback. Bibigyan ka ng Acrobat ng mas madaling paraan para makasunod ang lahat.
Isang email. Isang link.
Padaliin ito para sa lahat. Mag-send ng isang email gamit ang isang link sa maraming reviewer. Magkakaroon silang lahat ng access para i-annotate ang iisang PDF na dokumento nasaan man sila, sa anumang device.
Bawat komento sa isang PDF.
Mas papahusayin pa ngayon ng madadaling gamiting tool sa pagkokomento sa Acrobat ang teamwork at pag-share ng file. Madaling makakapagkomento ang mga reviewer, makakapagdagdag ng mga @mention, o makakapaghanap ng dokumento — lahat sa iisang online na PDF.
Kahit sino. Sa anumang screen.
Pwedeng sumuri at magkomento ang kahit sino sa file mo kahit saan at sa anumang browser, tulad ng Google Chrome. Walang pag-sign-up, pag-sign-in, o software na kinakailangan. Hindi rin nila kailangan ng Acrobat.
Isang paraan para i-manage lahat.
Subaybayan ang pag-usad at makakuha ng mga real-time na update kapag binuksan ang mga file o may mga nadagdag na komento. Pwede ka ring mag-send ng mga paalala, mag-update ng mga deadline, o magsara ng mga workflow gamit ang pag-manage ng dokumento ng Acrobat.
Paano mag-share ng mga PDF file para sa online na pagsusuri:
- Magbukas ng PDF sa Acrobat para sa Mac o PC at i-click ang icon na I-share Sa Iba sa toolbar sa itaas.
- I-share ang file mo:
- Idagdag ang email address ng bawat recipient.
- Magdagdag ng opsyonal na deadline o paalala.
- Tiyaking pinili ang “Payagan ang mga komento”.
- I-click ang “I-send” para mag-send ng link sa naka-share na PDF online.
- Subaybayan ang aktibidad:
I-click ang tab na Home at piliin ang “Naka-share” > “Na-share Mo.
Mga nauugnay na feature
Mas masulit pa ang Adobe Acrobat gamit ang mga tip na ito: