Pabilisin ang pag-manage ng serbisyo gamit ang Acrobat Sign at ServiceNow.
Hindi na kailangang maglaan ng oras para ilagay ulit ang data sa mga form, kasunduan, o kontrata — at maiiwasan na rin ang mga pagkakamaling kasama nito. Gamit ang Acrobat Sign para sa ServiceNow, awtomatikong mine-merge ang data, at mas mabilis na inihahanda ang mga kontrata.
Magsimula nang mabilis. I-integrate ang Acrobat Sign sa ServiceNow nang walang pag-code o matagal na pag-set up. Mag-drag at mag-drop lang para magdagdag ng e-signing sa kahit anong workflow ng IT, HR, o serbisyo sa customer.
Mag-send sa loob ng ilang segundo. Mag-tap o mag-click lang para ihanda at i-send ang mga dokumentong lalagyan ng e-sign sa kahit anong workflow ng ServiceNow.
Kolektahin ang data ng signer. Magdagdag ng mga field ng form sa mga kontrata para kumuha ng data at awtomatikong ibalik ang mga nilagdaang kontrata sa ServiceNow.
Panatilihing tuloy-tuloy ang mga pag-apruba. Sa desk mo o sa field, pwede kang mag-send, sumubaybay, at mag-apruba kahit saan, sa anumang device.
Basahin ang solution brief | Tingnan ang mga gabay sa integration