#AC5EFC
#AC5EFC

10%

Paano gumawa ng electronic signature

Ang mga electronic signature o e-signature ay kasing daling gamitin ng mga digital signature pero nangangailangan ito ng mas kaunting pag-authenticate. Pwede kang lumagda sa PDF o iba pang dokumento nang mabilis at secure gamit ang e-signature. Alamin kung paano lumagda gamit ang electronic signature.

#F7F7F7

Gumawa ng e-signature

Magpaalam na sa mga papel na dokumento. Madali lang ang paggawa ng electronic signature sa PDF file gamit ang Acrobat Sign. Magsimulang lumagda ng mga dokumento nang mas mabilis at mas mahusay — mula mismo sa mobile device mo para mapahusay ang mga digital workflow mo.

Simulan ang free trial mo

Paano lumagda ng mga dokumento gamit ang electronic signature.

1. I-click ang link ng pagsusuri at paglagda sa email.
Sa email na natanggap mo mula sa sender ng dokumentong lalagdaan, i-click ang link na may nakalagay na “Mag-click dito para suriin at lagdaan...”
I-click ang link ng pagsusuri at paglagda sa email.
2. I-click ang prompt sa dokumento.
Mag-click sa field na “Mag-click dito para lumagda” sa dokumento para lumagda.
I-click ang prompt sa dokumento.
3. Gumawa ng electronic signature.
May bubukas na pop-up na window para bigyang-daan ka na gawin ang electronic signature mo sa field ng signature.
Gumawa ng signature.
4. Pumili ng opsyon sa signature.
Pumili mula sa apat na madaling opsyon: i-type ang pangalan mo, gumuhit gamit ang mouse, mag-upload ng image ng signature mo, o lumagda sa touch screen gamit ang daliri o stylus mo.
Pumili ng opsyon sa signature.
5. Lagdaan ang dokumento.
Piliin ang Ilapat para idagdag ang signature mo sa signature line at i-preview ang nilagdaang dokumento bago mo ito aprubahan.
Lagdaan ang dokumento.
6. I-finalize ang signature.
Piliin ang “I-click para Lumagda” sa ibaba para i-finalize ang electronic signature mo.
I-finalize ang signature.
7. I-send.
Awtomatikong ipinapadala ng Acrobat Sign ang pinal na nilagdaang dokumento sa iyo at sa sender.
I-send.
#F7F7F7

Ano ang mga electronic signature?

Ang electronic signature, o e-signature, ay isang legal na paraan para makakuha ng pahintulot o pag-apruba sa mga electronic na dokumento o form. Kabilang dito ang mga digital signature na nangangailangan ng mas mahigpit na pag-authenticate. Pwedeng gamitin ang mga electronic signature bilang pamalit sa mga sulat-kamay na signature sa halos lahat ng personal o pangnegosyong proseso.

Acrobat Sign - Mga Electronic Signature

Pinagkakatiwalaan at legal.

Sa Acrobat Sign, legal na valid at tinatanggap ang mga signature mo. Natutugunan ng mga ito ang mga pinakamabusising kinakailangan at sumusunod ang mga ito sa mga batas sa electronic signature sa buong mundo.

Maaasahan at secure.

Maaasahan at secure.

Makakuha ng uptime na maaasahan mo, habang tinitiyak ang seguridad at privacy. Naghahatid ng high performance ang Acrobat Sign sa buong mundo at sumusunod ito sa pinakamahihigpit na pamantayan sa seguridad.

Subaybayan at i-manage ang pag-usad.

Subaybayan at i-manage ang pag-usad.

Magagawa mong malaman ang status ng bawat signature, makatanggap ng mga notification at magpadala ng mga paalala, magbago at magkansela ng mga kahilingan, at tumingin ng detalyadong audit trail para sa kahit anong transaction.

Paano lumagda sa virtual na paraan gamit ang Acrobat Sign

Madali lang ang paggawa ng electronic signature sa PDF file gamit ang Acrobat Sign.

Simulan ang free trial mo

Mga Kaugnay na Paksa

Makakuha ng higit pang kumprehensibong insight gamit ang mga karagdagang paksa na ito o mag-browse ng higit pang resource sa e-signature.

FAQ tungkol sa Electronic Signature ng Acrobat Sign

Ano ang Acrobat Sign?
Ang Acrobat Sign ay isang Document Cloud solution na nagbibigay-daan sa iyo na mag-send, lumagda, mag-manage, at mag-archive ng mga dokumento at form gamit ang mga legal na electronic signature. Gamitin ang Acrobat web at mga mobile application o gumawa sa mga paborito mong application para lumagda ng mga dokumento, humiling ng mga signature sa iba, at subaybayan ang proseso ng paglagda.
Sa ilang paraan pwedeng gawin ang mga e-signature?
May apat na paraan para gumawa ng electronic signature gamit ang Acrobat Sign. Magagawa mong i-type ang pangalan mo, mag-upload ng image file ng sulat-kamay na signature mo, iguhit ang signature mo gamit ang cursor, o lumagda sa touch screen na device gamit ang daliri o stylus mo.
Legal na may bisa ba ang mga electronic signature ng Acrobat Sign?
Oo. Legal na valid at tinatanggap ang mga electronic signature sa halos lahat ng industriyalisadong bansa sa buong mundo, at maging ang mga less-developed na bansa ay nagsisimula nang magpatupad ng mga batas sa e-signature. Noong 2000, isinabatas ng United States ang ESIGN Act, na ginawang legal ang mga e-signature para sa halos lahat ng paggamit. Sa European Union, nagkaroon ng bisa ang Electronic Identification and Trust Services Regulation (eIDAS) noong Hulyo 2016. Nagpatupad na rin ng mga katulad na batas ang iba pang bansa. Para alamin pa, bisitahin ang aming page na Legal ang Mga Electronic Signature.
Anong mga device ang sinusuportahan ng Acrobat Sign?
Sinusuportahan ng Acrobat Sign ang paglagda sa dokumento sa halos kahit anong modernong device, kabilang ang mga smartphone, tablet, at desktop computer tulad ng mga Mac at PC.