Paano gumawa ng digital signature
Madali lang ang paggawa ng digital signature sa PDF file gamit ang Adobe Acrobat Sign.
Paano lumagda ng mga dokumento gamit ang digital signature.
Ano ang mga digital signature?
Kapag lumalagda ng mga dokumento online, walang paraan ang mas advanced o mas secure pa sa paggamit ng digital signature. Pwede kang gumamit ng digital signature para sumunod sa mga pinakamabusising legal at panregulatoryong kinakailangan dahil nagbibigay ito ng pinakamataas na antas ng assurance tungkol sa pagkakakilanlan ng bawat signer at sa authenticity ng mga dokumentong lalagdaan nila.
Pinagkakatiwalaan ang digital ID mo.
Nanggagaling sa mga accredited na provider ang mga nakakasunod at certificate-based na digital ID. Kailangan mo munang patunayan ang pagkakakilanlan mo bago ka makakuha nito.
Ine-encrypt ang lahat ng ito.
Magkasamang naka-encrypt ang sarili mong digital signature at ang PDF na dokumentong nilagdaan mo at naka-bind ito gamit ang tamper-evident na selyo.
Natatangi ito sa iyo.
Sa tuwing lalagda ka ng dokumento, ginagamit mo ang sarili mong natatanging digital certificate at PIN para i-validate ang mga kredensyal mo at patunayan na ikaw nga ang taong nagpapakilala.
Madali lang itong i-validate.
Pwedeng i-validate ulit ng Certificate Authority (CA) o TSP ang nilagdaang dokumento at ang digital signature mo nang hanggang 10 taon pagkatapos ng paglagda.
Napag-isipan mo na bang gumamit ng electronic signature?
Ang mga electronic signature o e-signature ay kasing daling gamitin ng mga digital signature pero nangangailangan ito ng mas kaunting pag-authenticate. Pwede kang lumagda sa PDF o iba pang dokumento nang mabilis at secure gamit ang e-signature.
Alamin kung paano lumagda gamit ang mga electronic signature