Welcome, mga admin. Magsimula na tayo.
I-explore ang mga resource sa ibaba para masulit ang Adobe Admin Console at ang subscription mo sa Acrobat.
Tingnan kung ano ang magagawa mo sa Admin Console.
Pinapadali ng console, na binuo para sa mga organisasyong tulad ng organisasyon mo, na magdagdag at magtalaga ng mga lisensya, mag-iskedyul ng Mga Session kasama ng Eksperto, at marami pa.
Magdagdag at magtalaga ng mga lisensya sa iisang lugar.
Ipinapakita ng dashboard ang lahat ng miyembro ng team mo at plan ng Acrobat, kaya pwede kang mag-click lang para magdagdag, magtalaga, at mag-reassign ng mga lisensya habang nagbabago ang mga proyekto at priyoridad.
Panatilihin ang kontrol sa mga asset mo.
Mapanatag ang loob sa kaalamang madali mong mababawi ang mga dokumento sa Admin Console kapag lumipat ang mga empleyado ng departamento o umalis sa kumpanya.
Mag-iskedyul ng mga 1:1 session kasama ang mga eksperto sa Acrobat.
Sa Admin Console, madali kang makakapag-iskedyul ng 30 minutong tawag sa telepono sa mga eksperto sa Adobe para alamin kung paano sulitin ang subscription mo. Pwede mo ring i-access ang advanced na 24x7 na suporta o mag-share ng feedback para mapaganda ang experience sa Acrobat.
Padaliin ang pagsingil.
Pagsama-samahin ang lahat ng plan ng Acrobat mo sa ilalim ng iisang kontrata para pasimplehin ang pagsingil at gawing mas madaling hulaan ang pagbabadyet.
I-explore ang mga integration ng Acrobat.
Gumagana ang Acrobat sa mga paborito mong app ng negosyo — kabilang ang Microsoft 365, Google Drive, Box, at Dropbox — para mapahusay mo ang productivity at matulungan ang mga miyembro ng team mo na mas magtulungan nang magkakasama.
I-access ang suporta ngayon.
Hanapin ang mga sagot na kailangan mo sa page naming Suporta o makipag-ugnayan sa Sales team namin. Pwede ka ring humiling ng suporta mula mismo sa Admin Console.