#E3E3D9
#E3E3D9

Adobe Acrobat Sign

Gumawa ng mga online na web form nang walang kahirap-hirap gamit ang form builder ng Adobe.

Mabilis na gawing mga digital na form ang mga PDF at dokumento para sa iba't ibang layunin ng negosyo at i-post ang mga ito online kung saan makukuha ang mga ito ng sinumang may kailangan sa mga ito.

{{start-free-trial}} Tingnan ang lahat ng plan

Gamitin ang website mo.

Mgag-post ng mga digital na form sa website mo at bigyan ang mga customer ng interactive na experience na nagbibigay-daan sa kanilang sumagot at magbalik ng mga form mula mismo sa device nila, nasaan man sila. Hindi magda-download, hindi magpi-print, hindi maghihintay.

Makakuha ng real-time na insight at data.

Hindi mo na kailangang hanapin sa inbox mo ang isinumiteng na-scan na form o balikan kung sino ang lumagda sa form at kung kailan. Gamit ang Acrobat Sign at mga web form, makakakuha ka ng kumpleto at real-time na visibility sa status ng bawat form.

Bakit dapat gumamit ng mga web form?

Gamit ang feature na form builder sa Acrobat Sign, madali na lang gawin, i-publish, at subaybayan ang lahat ng mga digital na form na mahalaga sa negosyo mo. Wala nang manual na pagpoproseso ng mga papel na form o pag-send ng mga pisikal na kopya para palagdaan. Lumipat sa pagiging digital at pabilisin ang takbo ng negosyo mo araw-araw.

Gumawa.

Gamit ang online na form builder, madali kang makakagawa ng mga digital na form ng negosyo na may mga field ng form na pwedeng sagutan at lagdaan ng mga tao mula sa anumang device. O, gamitin ang mga na-prebuild naming template para sa iba't ibang layunin ng negosyo.

Mag-publish.

Pagkatapos na maayos na magawang mga digital na form ang mga PDF o document-based na form mo, i-post ang mga ito online para mas madaling makapangolekta ng data at mga signature mula sa mga customer at empleyado.

Mag-manage.

Subaybayan ang status ng bawat e-signature na kinokolekta mo. Pwede kang makatanggap ng mga real-time na notification sa email, mag-send ng mga paalala, magbago at magkansela ng mga kahilingan, at tumingin ng detalyadong audit trail para sa bawat transaksyon.

Alamin pa ang tungkol sa pagsubaybay at pag-manage ng mga dokumento

Magagamit ng lahat sa kumpanya ang mga web form at makikinabang sila rito.

Icon ng Sales

Sales

Mag-customize at mag-share ng mga digital na application form, membership form, sales order form, at marami pa.

Icon ng Human Resources

Human Resources

Ibigay sa mga empleyado at bagong na-hire ang bawat form na kailangan nila nang hindi nagpi-print ng kahit isang page.

Icon ng Legal

Mga waiver sa aktibidad. Mga liability release. Mga NDA. Walang hirap na mag-customize at mag-manage ng mga ganitong uri ng mga form online.

Icon ng Marketing

Marketing

Magkaroon ng magandang impression sa tulong ng mga online na pag-sign up para sa event, photo release form, subscription form, at marami pa.

Paano gumawa ng mga web form sa Acrobat Sign

1. Gumawa ng web form.
Mag-click sa “Mag-publish ng web form.”
Mag-publish ng web form.
2. Ilagay ang pangalan ng web form.
Hindi na ito mae-edit kapag nailagay na ang pangalan, kaya tiyaking tama ang pangalan nito.
Gumawa ng web form.
3. I-configure ang web form.
Piliin ang role ng tumitingin sa web (signer, tagapag-apruba, tagatanggap, tagasagot ng form). Pagkatapos ay piliin ang uri ng pagkakakilanlan ng recipient at magdagdag ng countersigner (opsyonal).
I-configure ang web form.
4. Piliin ang (mga) file na gusto mong gamitin para sa web form.
I-drag at i-drop lang ang mga dokumento sa seksyon na “Mga File,” o i-click ang “Magdagdag ng Mga File” at piliin ang mga file mula sa computer mo.
Piliin ang (mga) file na gusto mong gamitin para sa web form.
5. I-save.
I-click ang “I-save” sa kanang sulok sa ibaba. Dito, makakakuha ka ng URL papunta sa form na ie-embed.
I-save ang file.
6. I-publish ang form mo online.

Kopyahin ang ibinigay na embed code at ilagay ito sa page sa website mo, o gamitin ang nakalaang secure na URL para i-share.

Alamin pa ang tungkol sa kung paano gumawa ng mga online na web form

I-publish ang form sa website mo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/shared-fragments/acrobat-icon-blocks/purple-acrobat-iconblock-know-more