Tingnan din

Nakakapanabik na balita! Ang mobile app ng Acrobat Reader ay mayroon na ngayong mas madaling maunawaan na interface. Ang mga page ng tulong ay na-update para gabayan ka sa iba't ibang mga feature ng bagong interface na ito. Tandaan: Puwede pa ring makita ng ilang user ang classic na interface. Maghanap ng mensahe o switcher para ma-access ang klasikong na tulong. Masiyahan sa paggamit ng aming app!

Pinakakaraniwang mga tanong


Mag-sign in

Kailangan mong mag-sign in para:

  • Ma-access ang libreng mga feature na gumagamit ng mga serbisyo online.

  • Ma-access ang advanced na mga feature na bahagi ng susbcription mo.

  • Ma-enable ang mga notipikasyon na magbibigay sa iyo ng alerto tungkol sa mga pagbabago sa file, update sa workflow, partisipasyon sa pagrerepaso, at iba pa

  • Awtomatikong mase-save ang karamihan ng pagbabago sa file mo sa Adobe Cloud Storage, na nagpoprotekta sa trabaho mo at tumutulong sa iyo na ma-access ang mga file mo mula sa anumang device.

  • Awtomatikong mag-sign in sa Acrobat at Adobe Scan.

Puwede kang mag-sign in sa cloud storage ng Adobe gamit ang isang Adobe, Google/Facebook/Apple ID, o isang sinusuportahang kredensyal ng enterprise. Para mag-sign in:

  1. Buksan ang app.

  2. Gawin ang isa sa sumusunod na aksyon kapag may prompt:

    • Kung dati ka nang nag-sign in sa Acrobat account gamit ang Google, mapa-prompt sa iyo na mag-sign in ulit gamit ang Google. I-tap ang Magpatuloy bilang si 'user name mo' para agad na maka-sign in sa account mo.

      ../_images/google-sign-back.png
    • Kung bagong user ka o hindi ka pa dati nakapag-sign in sa Acrobat account mo gamit ang Google, magpa-prompt sa iyo na mag-sign in o mag-sign up gamit ang Google account mo. I-tap ang Magpatuloy para mag-sign in.

      ../_images/google-new-sign-in.png
  1. Para mag-sign in sa ibang paraan, i-tap ang X para alisin ang pop-up at piliin ang isa sa sumusunod na mga opsyon sa pag-sign in:

  • I-tap ang anumang 3rd party na opsyon sa pag-sign in at kumpletuhin ang workflow.

  • I-tap ang Mag-sign In para magamit ang iyong Adobe ID, at ilagay ang email address mo at password.

  • I-tap ang Mag-sign Up para makagawa ng bagong Adobe ID.

../_images/signinmain.png

Mag-sign in gamit ang ID sa kompanya o paaralan

Sakaling mayroon kang kredensyal sa single login, isang set lang ng screen ang makikita mo. Pero kung bahagi ka ng organisasyon ay may isa pang ID, maaari kang i-prompt na pumili kung personal o ID ng kompanya ang gagamtin mo. Kung gayon, pumiling account at mag-log in gamit ang kredensyal ng account na iyon.

../_images/selectaccount.png

Mag-sign out

Para mag-sign out, i-tap ang profileicon > Mag-sign Out.

Hindi pinapagana ng pag-sign out ang pag-access sa mga serbisyo ng subscription at sa mga dokumento sa cloud storage.